Chapter 43

884 15 0
                                        

"Toni, are you ok? Sabihin mo sa akin kung hindi na pala ok ang nararamdaman mo!"

Nagpapanic na si Don dahil pumutok ang aking panubigan. Pero ako, heto... nakahiga lang sa kama at kalmadong kalmado.

"How can you be so calm right now e manganganak ka na?! Aaargh! Felix nasaan ka na ba kasi?!"

Ilang saglit lamang ay may aligagang pumasok sa kwarto ko. Feeling ko lalabas na ang bata kaya kailangan ko na ng matinding pwersa, satingin ko hindi na ako aabot sa hospital.

"Ano pang tinatayo tayo mo diyan! Hindi ko mga mabuhat si Toni! Idala na natin siya sa hospital!"

Walang lumabas na kahit anong salita mula kay Felix at kaagad na hinawakan ako.
Pero pinigilan ko ito.

"H-hindi na ako aabot sa hospital. Dito nalang, dito ko nalang ilalabas." sabi ko at napakapit ng mariin sa braso ni Felix.

"Baliw ka ba?! Dali na! Buhatin mo na!"

Akmang bubuhatin ko ulit ni Felix ngunit todo todo na ang pagsakmal ko rito.
Umire ako ngunit hindi iyon sapat.

Nasapok ni Don ang kaniyang ulo.
"Sige na, sige na... diyan ka na lang! Tatawagin ko na lamang ang mommy mo since nurse naman siya."

Hindi ko na alam kung saan ako kakapit dahil sobrang sakit na. Inangat naman ni Felix ang aking ulo at doon siya pumwesto. Inulunan niya ang ulo sa kaniyang hita.

"Humawak ka kahit saang parte ng katawan ko. Sige na, para hindi ka mahirapan." sabi nito that's why I grab his polo and released a very loud scream.

"Huwag mong pigilan, Toni. Scream!"

Hindi ko na alam kung saan napupunta ang kamay ko basta kung anong mahila ko sa kaniya hinahatak ko. Ilang ire lamang ay naramdaman ko na may lumabas mula sa aking kaselanan.

Nagkatinginan kami ni Felix nang may marinig kaming iyak ng bata. Hindi ko napiglan ang umiyak nang marinig ko ang aking anak. Maging si Felix ay umiiyak na rin at marahan akong dinampian ng halik sa noo.

"You made it, tart. I'm so proud of you. Thank you, dahil we will able to see Bambam. I love you."

Sakto ang dating ni mommy at kaagad na inilabas ang kaniyang mga kagamitan. Wearing her gloves, hindi ko na alam kung anong ginagawa ni mommy sa aming dalawa ni Bambam.

"It's a baby girl, sweetheart...-- Toni? You're so pale! Kanina pa ba niya nailuwal ang baby?" my mom asked.

Wala na akong lakas para sagutin siya. Nanghihina na rin ako at gusto ko nalang ipikit ang aking mga mata.

"Tart, just hold on okay?" iyon ang huli kong narinig.

Nagising ako na medyo maingay sa aking paligid. Napansin ko na nasa kwarto parin ako, panaginip lang ba na nanganak na ako?
Kinapa ko ang aking tiyan, medyo humupa na ito.

Bumangon ako at nakita ko na walang pang itaas si Felix at nakahiga sa kaniyang dibdib ang aming supling. Maya-maya'y binalutan sila ng kumot ni mommy.

"Mag skin to skin muna kayo ni Bambam to keep her warm and comfortable. Huwag ka munang tatayo until I say so, ok?" habilin ni mommy ky Felix at humarap sa akin.

"Oh, gising ka na. Do you want soup or anything you wanna eat?"

Umiling lamang ako. Nagtama ang mata namin ni Felix at ako ng unang umiwas.
Lumabas na si Bambam, at hindi magtatagal hindi ko na siya makikita.

"Wala ka munang gagawin na kung anu-ano, ha? Feed your baby with breast milk para healthy siya."

"Yes, mom." sabi ko at muling humiga.

Natapos ang trenta minutos at tapos na rin ang skin to skin ng mag ama. Pinahawak sa akin si Bambam. Kaagad kong hinaplos ang kaniyang mukha at dinampian ng halik sa pisngi.

"No offense, Felix... pero mas kamukha ng bata ay si Toni." komento ni mommy.

"Sabi nila, kapag kamukha ng mommy ang baby ibig sabihin ang daddy ang nagbigay ng buong pagmamahal. Vice versa naman sa daddy." isa pa itong si Don kung makapag komento.

Hindi ako sumagot sa kanilang opinyon, nanatili ang aking mga mata sa aking anak. Gusto ko, memorisado ko ang itsura ng aking anak dahil hindi magtatagal hindi ko na siya mahahawakan at makikita ulit.

"Oh, what's with those tears?" tanong ni mommy at tinabihan ako.

Pinunasan niya ang aking pisngi dahil sa mga luha na walang sawa sa pag agos.

"Tita, Don... pwede po bang iwan niyo muna kami ni Toni?" he requested.

Kaagad naman silang lumabas ng kwarto at siya namang paghalili ni Felix sa aking ina sa pag upo sa aking tabi.

"Toni, kung ano mang binabalak mo... huwag mo ng ituloy. Gagawin ko naman lahat para mamuhay tayo ng masaya...--"

Pinutol ko ang kaniyang sasabihin.
"I'm thankful na nagkaroon ako ng anak sa'yo. Pero, 'yung iniisip mo na masayang pamilya? Hindi na natin maa-achieve 'yun. Sirang sira na tayong dalawa at ayokong madamay ang batang ito sa mga nagawa natin."

"Kung inaalala mo e 'yung reputasyon mo, walang problema iyon. Aalis tayo sa Pilipinas kung iyon ang paraan."

"Felix, this is not about me. This is about our child. Ayokong dumating ang araw na saluhin niya ang karma na ginawa natin. Dahil sa mga pagkakamali natin. Ayokong pagpiyestahan siya ng mga tao dahil sa bad image ko."

Sunud-sunod ang tulo ng luha ni Felix at saka ako nito niyakap.
"Toni, please... I'm begging you, please stay with us."

Pareho kaming nag-iiyakan nang mga oras na iyon. But my mind is already set, no one can change it.

Raegan's DivulgenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon