Prologue

4K 74 3
                                    

Eina's POV

Habang papasok ako sa trabaho ay hindi ko namalayang nakasalubong ko pala ang aking boss na si Red De Luca, ang laki ng pinagbago ni sir Red simulang kinasal silang dalawa ni Tiffany, one of my close friend. Akalain niyo iyon naging sikretarya lang siya ni sir Red pero sa bandang huli ay nagpakasal silang dalawa. Wala nga akong alam na may anak pala sila ni Tiffany.

"Good morning, sir." Naglakas loob na akong batiin siya at binigyan naman niya ako ng isang mabilis na tango. Kahit ang ibang empleyado ay nagulat dahil hindi inaasahan ang pangyayari.

Kung dati-rati kasi kahit anong bati namin sa kanya ay nilalagpasan lang niya kami para bang wala siyang naririnig pero ngayon ibang iba na talaga. Exist na kami sa kanya ngayon.

Abalang abala ako sa aking trabaho ngayon. Ang dami pinapautos sa amin ang aming boss. Hindi si sir Red ah. Ang head ng department namin. Grabe maka utos akala mo wala ng bukas.

Sobrang abala ko ay hindi ko na nga namalayang gabi na pala. Kailangan rin kasi matapos ang report dahil malapit na ang deadline nito kahit kasal na ang pinaka boss at Tiffany ay hindi pa rin mawawala ang sampung batas niya. Kailangan ipasa ang report sa oras kundi mawawalan ka na ng trabaho. Kahit mahirap magtrabaho sa DL Corp pero kailangan ko rin ito. Tulong sa ipon namin ng boyfriend ko. We're already 7 years of our relationship at plano na namin magpakasal kaya nagsisimula na rin kami magipon ng pera.

"Eina, hindi ka pa rin ba uuwi?" Tanong ng isa kong officemate. She is Giovanni, maliban kay Tiffany ay naging kaibigan ko rin si Giovanni.

"Mauna ka na. Kailangan ko pa kasi itong tapusin malapit na rin ang deadline." Sagot ko habang tutok na tutok sa harapan ng computer. Minamasahe ko na nga rin ang likuran ko dahil sumasakit na.

Napatingin ako sa phone nang tumunog iyon and I saw my boyfriend's name.

From Jay;

Nandito na ako sa labas ng kumpanya, babe.

I forgot to tell Jay na magO-Overtime ako ngayon. Kung papauwiin ko siya ay baka magalit sa akin.

To Jay;

Okay. Pababa na ako, baby.

Inayos ko na muna ang mga gamit ko sa table bago kunin ang bag ko. Napansin ko ay ako na lang pala ang tao rito kaya sumakay na ako sa elevator papuntang ground floor.

Paglabas ko sa DL Corp ay agad ko nakita ang boyfriend ko. Hindi naman ganoon kagwapo si Jay but I don't really care dahil mabait siyang tao at hindi siya yung tipong magagalit na walang dahilan. Kaya siguro minahal ko siya.

"Sorry to keep you waiting. May tinatapos lang akong report ngayon." Hindi naman siya sumagot dahil binigyan lang niya ako ng isang mabilis na halik.

For 7 years of our relationship ay wala nagbago sa pakitungo namin sa isa't isa. Kung gaano sweet si Jay noon ay ganoon pa rin siya ngayon sa akin. Para bang bumalik ang lahat noong niligawan niya ako during our 3rd year college at dalawang buwan pa lang siya nangliligaw sa akin ay sinagot ko na siya. Hindi naman ako nagsisi naging boyfriend ko si Jay, siya pa nga ang inspiration ko.

"Let's go?" Tumango ako sa kanya bago lumakad. He don't own a car. Kahit wala siyang kotse ay matyaga naman siyang hatid sundo ako sa trabaho bago pa siya pumapasok sa trabaho niya. Minsan sinasabihan niya ako na hindi niya ako masusundo sa trabaho dahil may kailangan pa daw siya tapusin. Masipag rin itong si Jay.

Nang nasa jeep kami ay hindi niya binibitawan ang kamay ko na akala naman mawawala ako sa tabi niya. Hindi ko naman siya iiwanan.

Pagkarating namin ni Jay sa bahay ay nagpaalam na rin siya dahil kailangan na rin niya umuwi at may umagaw ng atensyon dahil may nakita akong kulay itim na kotse sa tapat ng bahay namin. May isang lalaki ang nasa driver's seat at nakasuot ito ng shades. Shades sa gabi? Ibang klase naman ang dating ni kuya akala naman may araw pa. Hindi ko na siya pinansin dahil pumasok na ako sa loob ng bahay.

"I'm home!" Sigaw ko at may isang batang lalaki ang lumapit sa akin.

"Mommy!" Lumuhod ako sa kanya para yakapin. His name is Isaac Suarez, anak ko siya pero hindi si Ja ang ama. Sa ibang lalaki na hindi ko alam ang pangalan niya pero hindi ko naman makakalimutan ang mukha niya. Walang alam si Jay sa nangyari sa akin. Matagal ako hindi nagparamdam sa kanya noon at mas lalo wala siyang alam may anak na ako.

Nangyari ang lahat 3 years ago. Pagkatapos ng wedding reception nila Tiffany at sir Red, may isang lalaki ang lumapit sa akin. May binigay siyang drinks sa akin kahit hindi naman ako mahilig sa alcohol ay napasugod pa rin ako dahil mapilit siyang tao. Hanggang sa may nangyari na nga sa aming dalawa. Nakuha niya ng walang kahirap hirap ang virginity ko na dapat ibibigay ko kay Jay sa araw mismo ng kasal namin.

"Nandito ka na pala, Eina." Sabi ni mama pagkakita niya sa akin.

"Hello po, ma."

"Kumain ka na ba?"

"Hindi pa po." Napatingin ako kay Isaac dahil abala ito sa isang toy car. Kumunot ang noo ko dahil wala naman ganoong laruan si Isaac. "Mama, binilihan niyo po bang laruan si Isaac?"

"Hindi ko binilihan ng laruan ang apo ko, Eina. May isang lalaki ang lumapit sa amin kanina at binigay niya kay Isaac ang laruang kotse. Ayaw ko sana tanggapin pero ayaw bitawan ng anak mo ang laruan." Sabi ni mama sa akin. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi kaya...

Imposible. Wala siyang alam na may bunga ang nangyari sa amin noong gabing iyon. Wala siyang alam na may anak siya sa akin.

"Isaac. Anak." Huminto sa paglalaro ang anak ko bago pa siya humarap sa akin. "Hindi ba ang bilin ko sayo huwag ka tatanggap ng kahit ano sa hindi mo kilala. Bakit ka tumanggap ng laruan?"

"Sowwy, mommy." Yumuko ito.

"Hindi naman ako galit sa ginawa mo ngayon pero huwag mo na uulitin yung ginawa mo ah. Hindi natin alam kung may masamang balak pala ang nagbigay sayo." Hinaplos ko ang buhok ng anak ko.

"Pewo mabait po siya. Ang pangalan mo niya ay Ga... Ga---" Nagpakamot ng ulo si Isaac. "Nakalimutan ko na po pangalan niya."

Isaac is only 3 years old pero madaldal at bulol pa kung magsalita.

"Ayaw ko lang mawala ka sa akin, baby. Hindi ko kayang wala ang madaldal kong anak."

"Mommy! Pwamis po hindi ko na tatanggapin ang lawuan galing sa kanya."

"Pag sinuway mo si mommy magagalit na ako sayo." Tumango na lang sa akin ang anak ko kaya hinalikan ko siya sa kanyang noo.

Her StalkerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon