Chapter 34

1.1K 39 1
                                    

Ilang araw ang lumipas ay pinayagan na ako ng doctor na lumabas pero kailangan pa daw ng bed rest. Kaso nangako ako kay Isaac na bibisitahin namin ang daddy niya pagkalabas ko ng ospital. Kaya ito ay inaasikaso ko ngayon ang anak ko. Mamayang dinner pa naman papakilala sa amin ang future wife ni kuya Jake kaya may oras pa ako.

"Papa." Lumingon naman sa akin si papa nang tawagin ko siya. Hindi pa kasi bumabalik sa Paris si papa ngayon dahil gusto niya kami makasama. He owns a restaurant in Paris kaya ayos lang hindi siya bumalik agad.

"Bihis na bihis kayong mag-ina ngayon. Saan kayo pupunta?" Tanong ni papa sa akin.

"Nangako po kasi ako kay Isaac na bibisitahin namin si Gael ngayon." Tumango lang sa akin si papa. "Pwede po ba pabor?"

"Sure. Ano iyon?"

Sinabi ko kay papa ang pabor ko sa kanya. Ang gusto ko kasi siya ang bumili ng lupa ng dating agency ni Gael.

"Bakit ko naman iyon gagawin?" Kunot noo tanong sa akin ni papa.

"Sabi ko nga po sa inyo gusto ni Gael bigyan ng sariling restaurant si tito Nick. Please, papa pumayag na po kayo."

"Sige, sige. Bibilihin ko na yung lupang binebenta niya at ipapa renovate ko na rin para maging restaurant." Napangiti ako ng malawak dahil napapayag ko si papa agad. Panigurado akong matutuwa si Gael nito.

"Thank you, papa. The best po talaga kayo. I love you." Niyakap ko si papa sa sobrang tuwa ko.

"I love you too."

Nagpaalam na ako kay papa na aalis na kami ni Isaac.

Nang nakarating na kami sa bahay nila Gael ay walang tao ang nagbubukas sa amin. Baka wala si Gael ngayon dito kaya nagpasya na lang kami ni Isaac puntahan ang kainan ng lolo Nick ni Isaac. Sakto nandoon si tito Nick ngayon.

"Hello po, tito." Nakangiting bati ko kay tito Nick.

"Eina? Mabuti okay ka na ngayon. Kung si Gael ang hinahanap mo ay tatawagin ko lang." Pumasok sa loob ng kitchen si tito Nick kaya binaba ko na si Isaac sa isang upuan.

"Masaya ka ba dahil makikita mo ulit ang daddy mo?"

"Yes po, mommy." Inayos ko ang buhok ni Isaac. Ang makita lang masaya ang anak ko ay masaya na rin ako.

Nakita kong lumalabas mula sa kusina si Gael. Ito pala ang kinakaabalahan niya ngayon. Tinutulungan pala niya si tito Nick sa karinderya nila.

"Daddy!" Sigaw ni Isaac kaya yung mga kumakain ay napatingin sa gawi namin.

"Hey." Kinarga ni Gael ang anak niya at napansin kong nakasuot siya ng apron. First time ko pa lang kasi makita siyang nakasuot ng apron. "Miss na kita, lad."

Ako kaya. Namiss rin kaya ako ni Gael?

"Miss ko na din po kayo, daddy." Kita sa mukha ni Isaac ang saya makita ko si Gael ngayon.

"Sorry kung hindi na tayo nagkikita ah. Busy kasi si daddy sa pagtulong sa lolo mo ngayon."

"Ayos lang po. Ang importante makasama ko ulit kayo." Binaba na ni Gael si Isaac sa upuan kung saan ko siya pinaupo kanina.

"Gusto mo bang matikman ang luto ko?" Napansin kong nakatingin sa akin si Isaac pero binaling ko naman ang tingin kay Gael na ngayo'y nakatingin na pala siya sa akin. Kaya nagtama ang tingin namin sa isa't isa. "Alam kong nangako ako sayo noon na papatikim ko kayo ng luto ko. Nandito na rin naman kayo kaya kumain na rin kayo."

"Pero wala ako masyadong pera ngayon."

"No worries, my treat. Libre ko na sayo dahil nakalabas ka na sa ospital ngayon." Sabi niya at bumalik na siya sa loob ng kitchen.

Bumalik na sa amin si Gael na dala na yung mga niluto niyang pagkain. Mukha ngang masasarap itong niluluto niya.

Pinapanood ko lang sila mag-ama habang sinusubuan niya si Isaac. Ang cute nila tingnan.

"Gael." Humarap naman sa akin si Gael.

"Bakit?"

Hindi ko na siya sinagot dahil kumuha ako ng kanin at ulam bago inabot sa kanya. Kumunot naman ang noo niya dahil sa ginawa ko.

"Huwag ka na mahiya. Gusto lang kitang subuan din." Sabi ko at narinig ko ang mahinang pagtawa ni Isaac.

Hindi na siya umangal dahil sinubo na niya ang kutsara na may kanin at ulam. Napangiti na lang ako sa ginawa niya.

"Eina." Napaangat ako ng tingin dahil kumakain na rin ako. Ang sarap ng niluto ni Gael. Kaso nagulat ako noong dumampi ang labi niya sa akin. He's kissing me in front of many people dito sa karinderya nila. "I love you."

"Bakit mo iyon ginawa? Nakakahiya ang daming tao kumakain dito." Namumula na siguro ang pisngi ko.

"Hey, guys!" Napatingin ako dahil nakatingin ulit sa amin ang mga customers nila. "Gusto kong pakilala sa inyo ang asawa ko. Si Eina Suarez-Albani."

Nakakahiya dahil pinagsasabi niya sa iba pero may kasama ring kilig dahil pinakilala niya akong asawa niya kahit hindi pa kami kasal.

Eina Suarez-Albani.

Ang sarap pala sa pandinig.

"Hindi ko alam may asawa ka na pala, Gael. Gusto pa naman kita para sa anak ko." Sabi ng isa nilang customer.

"Sorry na lang dahil matagal na akong taken." Proud na sabi ni Gael.

"Alam kong makakaisturbo ako sa moment niyong dalawa ni Eina pero Gael, kailangan ko ng tulong mo rito sa kusina." Sabi ni tito Nick.

"Sige, dad. Papunta na ako diyan." Binaling ni Gael ang tingin sa akin. "Babalik ako pagkatapos ng trabaho ko."

Napangiti ako dahil hindi lang pala ang anak ko ang magiging masaya ngayong araw. Pati rin pala ako. Hanggang ngayon pala ay mahal pa rin ako ni Gael at hindi lang iyon pinakilala niya ako bilang asawa niya.

"Mommy, bakit po kayo namumula parang isang octopus?" Rinig kong tanong ni Isaac sa akin. Namumula na pala ang pisngi ko ngayon.

"Masaya lang si mommy ngayon, baby." Sagot ko kay Isaac. Alam ko naman hindi pa maiintindihan ni Isaac kung bakit ako namumula ngayon.

Ang totoo niyan, baby. Kinikilig si mommy dahil proud ang daddy mo pakilala ako sa buong mundo. Na ako lang ang babaeng mahal niya.

Her StalkerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon