Chapter 41

1.1K 35 0
                                    

Gabi na pero nagpasya ako bumaba para uminom ng tubig kaso nakita ko si dad nakatayo sa may pintuan at nakatingala sa kalangitan.

Lumapit ako kay dad sabay hakbay sa kanya at dahilan napatingin siya sa akin.

"Bakit gising ka pa, anak?"

"Iinom lang sana ako ng tubig kaso nakita ko kayo nakatayo dito. Ano ang tinitingnan niyo?"

"Kinakausap ko lang ang iyong mama dahil namimiss ko na siya. At kung nandito lang siya ngayon ay magiging proud siya sayo dahil ikakasal ka na."

"Kasalanan ko ang lahat dahil sinisi ko sa kanya kung bakit kayo nagkahiwalay. Hindi ako nakapag sorry sa kanya noon."

"Naiintindihan ko kung bakit mo iyon ginawa. Kasalanan ko rin naman kung bakit kami naghiwalay ng mama mo. Bata ka pa noong nagkahiwalay kaming dalawa at alam kong kailan mo ang isang buong pamilya. At hindi galit sayo ang mama mo."

"Nakaramdam kasi ako ng guilt noong nawala na siya sa atin. I never say sorry nor I love you."

"Ano ka ba, Gael." Si dad na ang humakbay sa akin kahit medyo matangkad ako sa kanya. "Walang magulang ang hindi kayang patawarin ang mga anak nila kahit malaki ang kasalanan ng mga anak sa kanila. Wala ring mangulang hindi kayang mahalin ang kanilang anak."

Ngumiti ako ng tipid kay dad dahil kahit pa paano ay gumaan ang pakiramdam ko ngayon.

"Uminom ka na ng tubig at matulog ka na rin dahil bukas na ang kasal niyo ni Eina. Matutulog na rin ako."

"Good night, dad."

"Good night."

Kinabukasan ay nakaupo lang ako sa upuan habang nakadungaw sa labas ng bintana ng kwarto ko at ang susuotin ko ay nasa kama. May narinig akong katok at pagbukas ng pinto ng kwarto ko.

"Oh, bakit hindi ka pa bihis? Kailangan na natin pumunta sa Tagaytay ngayon." Sabi ni papa sa akin. Ayaw ko kasi ang mag-check in sa isang hotel sa Tagaytay at doon mag-overnight kahit alam kong nandoon nag-stay ang pamilya ni Eina ngayon.

Tumayo na ako para magbihis. Inayos ko na rin ang sarili ko bago suotin ang coat ng tuxedo ko. Inayos ko na rin ang suot kong nectie kaso hindi naman ako marunong magsuot ng necktie dahil hindi naman ako nagsusuot nito.

"Ako na nga ang magaayos ng kurbata mo." Sabi ni dad at inayos na niya ang necktie ko.

"Alam niyo naman hindi ako nagsusuot ng ganito kaya wala akong alam."

"Ayan, tapos na." Nakita ko sa mga mata ni dad na parang iiyak siya pero nakangiti naman siya sa akin. "Ang gwapo talaga ng anak ko."

"Huwag kayo umiyak. Ang panget niyo."

"Aba, bastos ka talagang bata ka." Tumawa lang ako sa sagot ni dad sa akin.

Mamaya pa naman magsisimula ang kasal namin pero may preparation lang habang hinihintay ang bride ko. I can't wait to see Eina. Isang araw ko siya hindi nakita dahil pinagbawal ako makipag kita sa kanya bago ang araw ng kasal namin.

"Pre." Tumingin ako kay David noong hinakbayan niya ako. "Bigyan niyo na agad ng kapatid si Isaac pagkatapos ng kasal ah."

Aba, gago ito. Ayaw ko naman pilitin si Eina kung hindi pa siya handa. Lalo na noong namatayan kami ng anak. Hindi naman ako magmamadali na magkaroon ulit ng anak.

Nagsimula na ang seremonya ng kasal namin at maluha luha ako ng makita ko ang pagpasok ni Eina sa loob ng simbahan habang hinahatid siya ni tito Yuric sa aisle.

She's damn pretty.

Nakita ko ang paghinto nila sa harapan ko kaya ngumiti ako kay Eina.

"Alagaan mo ng maigi ang anak ko ah. Kapag nalaman kong umiyak siya kahit malayo ako ay uuwi ako ng Pilipinas para ilayo sayo ang mag-ina mo." Pagbanta sa akin ni tito Yuric.

"Pangako, tito. Hinding hindi ko papaiyakin o sasaktan si Eina."

Takot ko lang baka totohanin nga talaga ni tito Yuric ang sinabi niya sa akin. Hindi ko kayang mawala sa akin ang mag-ina ko.

Pagkatapos ng seremonya ng kasal at noong sinabi ng pari na you may kiss the bride ay sabik na akong halikan si Eina sa mga labi nito.

"Kiss!" Sigaw ng dalawa kong kaibigan.

"Kiss daw, love." Sabi ko sa kanya.

"Ikaw talaga, Gael." Natatawang sabi ni Eina pero siya pa mismo ang sumiil ng halik sa akin.

Nandito na kami ngayon sa wedding reception namin. Simple lang talaga ang plano namin sa kasal pero nauwi sa engrande. Umuwi ang ibang kamag anak nila Eina galing sa ibang bansa dahil sinabihan pala sila ni tito Yuric. Para tuloy siya ang ikakasal hindi kami ng anak niya.

Tama nga si dad na hindi papayag si tito Yuric na hindi maging engrande ang kasal ng mga anak niya. Gumawa pa talaga ng paraan na hindi namin alam. Nagulat na nga lang sa ginawa niya at mabuti hindi pinakialam kung saan ang balak namin magpakasal.

"What do you want to eat?" Tanong ko. Masyado na rin kasi late for lunch at matagal talaga ang wedding ceremony.

"Hindi ko pa tinitingnan kung ano ang mga putahe sa buffet. Titingnan ko na muna bago kumuha. Kukuha na rin ako sayo. Ano ang gusto mo?" Sabi ni Eina sabay tayo sa kinauupuan niya. Ako dapat ang kukuha ng makakain namin but if she really insist ay wala na ako magagawa.

"Kung ano ang kinuha mong pagkain ay iyon na rin ang akin."

"Okay. Share na lang tayo." Tumango ako bago pa siya pumunta sa buffet.

Tumingin ako sa table kung saan ang pamilya namin ni Eina. Naguusap sina tito Yuric at dad. Panigurado ako tungkol iyon sa restaurant. Binaling ko ang tingin kay Isaac na enjoy na enoy sa kanyang pagkain. Malaki na daw siya kaya ayaw na niyang sinusubuan. Napangiti ako sa isipan dahil iniisip ko pa lang ay balang araw magkakaroon rin ng girlfriend si Isaac at sana nga lang hindi siya makatulad sa akin na isang certified playboy noon.

"Heto na yung pagkain natin." Tumingin ako sa pagkain na nilapag ni Eina at kumunot ang noo ko noong tuming sa misis ko. "Alam kong ayaw mo ng pasta pero ito ang gusto kong kainin. Nasa iyo naman kung gusto mong kumain nito ngayon o hindi. Hindi naman kita pinipilit."

"No, it's okay." Kinuha ko na ang tinidor sa side ko at nagsimula na akong kumain ng pasta. Kailangan ko na ulit kumain ng ganito klase ng pagkain lalo na paborito ni Eina ang foreign foods kasama na doon ang Italian food.

~~~~

Gusto niyo na ba basahin ang story ni Jake? Available na siya. :)

Titile: Must Be Love

Her StalkerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon