Chapter 19

1.2K 37 0
                                    

Ilang araw na rin ang lumipas noong nakalabas ng ospital si Isaac. Ang bilin lang naman ng doctor ay huwag masyado maging makulit si Isaac at bantayan ang mga kilos niya para hindi mapahamak. Ang bata pa naman iyon ay sobrang kulit kaya kailangan talagang bantayan.

Nakatanggap ako ng birthday invitation. 7th birthday na pala ng panganay na anak nila Tiffany at sir Red kaya iniimbita nila ako. Paniguradong nandoon rin si Gael dahil kaibigan siya ni sir Red.

Pagpunta ko sa bahay ay nila ay nakasalubong ko ang isang lalaki bumaba sa kotse nito.

Teka, si Gael ba iyon?

At mukha naman napansin niya ang presensya ko sabay ngiti sa akin.

"Inimbitahan ka rin pala sa birthday ni Mason."

"Oo. Kaibigan rin kaya ako ni Tiff noong nagtatrabaho ba siya sa DL Corp."

"Right. Naging sikretarya pala siya ni Pula noon." Napatingin ako sa kanya.

"Bakit Pula ang tawag mo kay sir Red?"

"Dahil Red ang pangalan niya. Kaya Pula ang tawag ko." Natatawang sagot nito sa akin pati ako ay natawa na rin. Sabagay, tagalog naman ng Red ay Pula.

"Paano mo pala nakilala si sir Red?"

"He is my childhood friend. Sina Red at Dave ay mga kaibigan ko simulang mga bata pa lang kami. Nagkahiwalay lang kaming tatlo noong umalis ng bansa ang pamilya ni Red. Tapos naging busy na rin si Dave sa pagaaral noon kaya bihira na lang kami magkitang dalawa. Nagkita na lang ulit kami noong bumalik ulit ang pamilya ni Red dito." Tumango na lang ako sa kanya. Kaya pala kilala na nila ang isa't isa dahil magkakabata pala silang tatlo.

"Kayong dalawa diyan wala ba kayong balak pumasok sa loob?" Napalingon ako ng marinig ko ang boses ni sir Red.

"Pula, happy birthday!"

"Gago! Hindi ko birthday ngayon. Si Mason ang may birthday, hindi ako." Inis na turan ni sir Red kay Gael kaya tumawa na lang sa kanya ang kanyang kaibigan.

"Binibiro lang kita. Alam ko naman si Mason ang may birthday."

"Pumasok na nga kayo sa loob." Halata pa rin sa boses ni sir Red ang pagkainis.

Nauna ngang pumasok sa loob si Gael kaya sumunod na ako sa kanya.

"Please, don't leave my friend's side." Napahinto ako sa paglalakad dahil sa sinabi ni sir Red sa akin at nilingon ko siya. Ang seryoso ng mukha niya ngayon. "Kahit anong mangyari huwag na huwag kang aalis sa tabi ni Gael. Alam kong marami siyang problema pero ayaw niyang sabihin sa amin."

"Hindi po ako aalis sa tabi niya kahit anong mangyari."

"Thank you." Kahit seryoso palagi ang mukha ni sir Red ay alam ko naman nagaalala rin siya sa kaibigan. "Pasok ka na dahil kanina ka pa hinihintay ni Tifa."

Kahit hindi ito ang unang beses nakapasok ako sa bahay nila ay hindi ko maiwasan ang mamangha. Ang swerte ni Tiffany dahil isang De Luca ang naging asawa niya.

"Eina." Napatingin ako sa tumawag sa akin at napasinghap ako ng makitang malaki ang tyan ni Tiffany.

"Buntis ka?"

"Yes, I'm pregnant." Nakangiting sagot niya sa akin.

"Wow. Congrats sa inyo. Nasundan pala si baby Gaia ngayon."

"Salamat, Eina. Nasa garden ang mga bisita."

Sinamahan na ako ni Tiffany sa garden nila. Halos mga bata ang dumalo sa birthday ni Mason. Kung pwede nga lang sumama si Isaac ay sinama ko siya ngayon kaso kailangan pa niya ang magpahinga ng ilang araw. Kapag bored naman siya ay nilalaro niya ang mga laruang kotse na bigay ni Gael sa kanya o nanonood ng TV.

"Hindi ba makakapunta si Giovanni ngayon?" Tanong ko kay Tiffany.

"Marami daw siya gagawin ngayon." Tumango ako sa kanya. Sayang. Matagal na rin kasi ang huling pagsasama naming tatlo. Simulang umalis si Tiffany ay bihira na lang namin siya makasama. "Nalaman ko kay Red ang nangyari sa anak mo. Musta na siya ngayon?"

"Okay na si Isaac ngayon at nakalabas na rin siya ng ospital."

"Mabuti naman kung ganoon. Pero Eina, sino ba ang ama ni Isaac?" Tanong niya sa akin. Wala pa lang alam si Tiffany kung sino ang ama ng anak ko. Dahil hindi ko pa alam ang pangalan ni Gael noon.

"Si Gael." Bakas sa mukha ng kaibigan ko ang pagkagulat.

"Gael? Ang kaibigan ni Red?" Tumango ako sa kanya. "Ikaw pala ang ina ng anak niya. Kasi noong isang araw... matagal na rin ito nangyari ay nakita ko sina Gael at David sa mall. Nabanggit nga ni Gael na may anak siya. Ikaw pala iyong nabuntis niya."

"Hindi ko pa kasi alam ang pangalan ni Gael noon kaya hindi kita masagot dati."

"Beshie." May isang lumapit sa gawi namin kaya nilingon siya ni Tiffany.

"Nandito ka na pala, Cam."

"Traffic lang kaya nahuli ako ng dating. Nasaan pala ang mga junakis niyo?"

"Teka lang, Eina ah." Tumango ako kay Tiffany noong nagpaalam siya sa akin.

Magisa lang ako rito sa table dahil wala naman akong kilala. Nahiya naman akong lumapit kay Gael dahil puro sila lalaki sa table at hindi naman niya ako girlfriend o asawa. Ina lang naman ako ng anak niya. Bakit ba ako lalapit sa kanila?

"Hi." Napatingin ako sa nagsalita. May isang gwapong nilalang na lumapit sa akin. "I saw you're alone here. Kaya nilapitan na kita, ms. Beautiful. I'm Arthur but you can call me Art."

"Eina." Pagpakilala ko sa kanya.

"What such a beautiful name. Bagay sayo. Kaibigan ka ba ng De Luca?"

"Si Tiffany De Luca ang kaibigan ko pero boss ko naman si Red De Luca."

"Wow. Ang swerte mo naman dahil sa DL Corp ka pala nagtatrabaho."

"Hindi rin dahil marami kailangan tapusin sa deadline."

"Sabagay. Ganoon talaga sa isang kumpanya lalo na sa mga top companies. Nasa kumpanya kasi ang pride ng mga businessmen."

"Kapatid o anak mo ang sinamahan mo dito?"

"Ang bata ko pa para maging ama." Natatawang sagot niya sa akin.

"Sorry."

"No, it's okay. Actually, kapatid ko ang sinamahan ko rito ngayon sa birthday ni Mason. Busy kasi ang mga magulang namin kaya ako na lang ang sumama para tumigil sa pagwawala sa bahay."

Nagkatuwaan kami ni Art sa paguusap. At least hindi boring ang pinunta ko rito ngayon dahil may nakausap naman ako kahit pa paano. Nalaman ko ring single siya pero may nililigawan at isa pa lang siyang flight attendant. Pangarap ko maging flight attendant noon pero nagkaroon noon ng problema sa bahay.

Her StalkerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon