Epilogue

1.9K 48 3
                                    

Eina's POV

I'm so thankful to have a husband like him dahil isa siyang mapag mahal na asawa at sa mga anak namin. Yes, mga anak namin because we have 3 sons and 2 daughters. Paano ba naman hindi dadami ang mga anak namin kung halos gabi-gabi may nangyayari sa aming dalawa. Hindi talaga ako tinitigilan ni Gael dahil gusto niya talaga magkaroon ng maraming anak. Minsan pa nga nabibitin ang asawa ko dahil sinusumpong ang isang anak namin na si Gabriel. Siya kasi ang bunso namin bago pa dumating si Eric.

Ngayon ay nagbakasyon kami ni Gael kasama ang mga bata sa Italy dahil naisipan namin ang magbakasyon dito. Naalala ko pa na pinagusapan rin namin dati magpapakasal kami sa Venice kapag nagbakasyon kami rito. Hindi ko lang alam kung naalala pa ba iyon ni Gael. Papayag ako magpakasal sa kahit saang simbahan basta si Gael ang papakasalan ko.

"Huwag kayo lalayo sa amin ah. Mahirap kung mawala kayo at sa susunod hindi na namin kayo isasama ng mommy niyo." Bilin ni Gael sa mga bata.

"Yes po, daddy." Sagot ng mga bata sa kanya.

"Let's go na?" Tumango ako kay Gael habang karga ko si Eric. 2 years old pa lang kasi ang bunso namin.

"Daddy, buhat." Napatingin kami pareho ni Gael kay Gabriel dahil inangat na nito ang dalawa niyang braso. Gusto niya rin nagpapabuhat.

Gabriel is already 5 years old, ang panganay namin na si Isaac ay nasa 14 years old na, ang sumunod kay Isaac na si Joanna ay nasa 10 years old at ang isa pa namin anak na babae na si Vienne ay nasa 7 years old. Oh, diba ang dami naming anak? Tapos may parating pa pero walang ideya si Gael at ang mga bata. Sharpshooter kasi ang asawa ko at walang family planning.

"Ang bigat mo na, Gab. Bawas bawasan mo na ang kumain ng marami." Sabi ni Gael nang buhatin niya si Gabriel.

"Gusto ko pong kumain, daddy."

"Sadyang tumatanda ka na, love." Natatawang sabi ko sa kanya.

"Edad ko lang ang dumadagdag sa akin pero malakas pa ako."

Pumasyal na kaming lahat dito sa Venice. Ang dami na nga naming napuntahan at kumain rin kami sa isang Italian restaurant. Mukhang sanay na ulit si Gael kumain ng Italian foods simula naging asawa ko siya dahil hindi na siya nagrereklamo kung iyon palagi ang hinahanda ni papa Nick sa amin kapag sa restaurant kami kumakain ni Gael.

"Love, tanda mo pa ba yung pinagusapan natin dati na magpapakasal tayo dito kapag nagbakasyon tayo." Sambit ni Gael habang hinihintay namin ang mga orders namin.

"Oo naman. Ang akala ko pa naman nakalimutan mo na ang tungkol diyan."

"Matalas pa rin ang memorya ko, Eina kaya hinding hindi ko makakalimutan ang isang bagay na gusto kong gawin sa buhay." Napangiti ako sa sagot ni Gael. Hindi nga ako makapaniwala na aabot ng 10 years ang pagsasama namin.

Just kidding...

Talagang aabot ng 10 years kami magkasama dahil kami talaga ang para sa isa't isa.

"Daddy si kuya oh!" Sumbong ni Joanna kay Gael.

"Isaac, ano na naman ang ginawa mo sa kapatid mo?"

"Kasi naman nakikita kong may kachat si Joanne na lalaki kanina. May pakilig kilig pa nalaman." Sumbong rin ni Isaac sa ama. My god! Ang babata pa nila may ganoon na sila nalalaman ngayon.

"Inggit ka, kuya? Alam ko naman may crush ka rin sa school, eh." Napailing na lang si Isaac sa kapatid.

"Tumigil ka na kayo. Ang babata niyo pa para sa ganyan. Okay lang sa akin crush pero wala na munang magkaroon ng boyfriend o girlfriend hanggang hindi pa kayo tapos sa pagaaral niyo. Lalo ka na, Isaac."

"Si daddy talaga. Hindi ko pa naman pong iniisip ang bagay na iyan. Ayaw ko naman po madisappoint kayo ni mommy sa akin." Napangiti ako sa sinagot ng panganay naming anak. Lumalaking matalino si Isaac.

"Sus. Nahuli nga kita dati na may kasamang babae." Sumabat na rin si Vienne.

"Tumahimik ka nga, Vienne!" Singhal ni Isaac.

"Gab, Isaac, makinig kayo sa akin ah. Ayaw kong malaman isang araw ay may pinaiyak kayong mga babae. Huwag niyong gagayahin ang ginagawa ko noon bago ko nakilala ang mommy niyo. Mahalin niyo sila katulad ng pagmamahal niyo sa mommy at sa mga kapatid niyo." Hindi ko talaga mapigilan ang ngumiti dahil ang laki na talaga pinagbago ni Gael simula noon. "Hindi namin kayo pinalaki para paglaruan ang mga babae."

"Okay po." Sagot ng dalawang lalaki naming anak.

Pagkatapos namin kumain ay dinala ako ni Gael sa isang lugar.

"Dito unang kinasal sina dad at mama." Sabi ni Gael at nilibot ko ang paningin ko. Ang ganda ng paligid.

"Kaya pala gusto mo dito rin tayo ikasal. Maganda ang paligid."

"Eina Albani." Napatingin ako kay Gael at hinawakan na niya ang libre kong kamay. "Will you marry me again?"

"Oo naman. Kahit saang simbahan mo pa ako gusto basta ikaw ang gusto kong pakasalan ng paulit ulit."

Kinuha ni Gael sa akin si Eric para ibigay kay Isaac ang baby brother niya.

"Isaac, ikaw na muna bahala kay Eric ah. Magpapakasal ulit kami ng mommy niyo."

"Sama po kami." Sabay ng mga bata. Hindi naman pwede hindi sila sasama sa loob baka mawala lang sila dito.

"Ciao, Padre." Bati ni Gael sa pari nakita namin sa loob ng simbahan.

"Ciao, figlio mio. Posso aiutarti?"

"Se va bene se possiamo sposarci qui?" Namangha na talaga ako kay Gael kahit pangalawang beses pa lang niya ang makapunta dito ay marunong na talaga magsalita ng Italian.

"Sì."

"Ano sabi? Pumayag ba?" Tanong ko kay Gael. Wala kasi ako maintindihan sa paguusap nilang dalawa.

"Yes, love."

"Siamo testimoni di questo matrimonio?" Tanong ni Father.

"Sì, padre. I nostri figli saranno I testimoni del nostro matrimonio." Nakita ko ang pagtango ni Father at mukhang pinapalapit na kami sa altar.

Lumapit na kami ni Gael sa altar ng simbahan at humarap na siya sa akin habang hawak ang pareho kong kamay.

Pagkatapos ng exchanging vows namin ni Gael ay hinalikan niya ako sa labi at pumalakpak naman ang mga bata.

"Grazie, Padre."

"Prego, figlio mio. Dio benedica tutti e due."

Nagpaalam na kami ni kay Father bago pa lumabas sa simbahan. Ngayon ko na kaya sasabihin kay Gael ang magandang balita?

"Saan niyo gustong pumunta ngayon?" Tanong ni Gael sa mga bata.

"Love." Tumingin sa akin si Gael nang tawagin ko siya. "May gusto lang akong sabihin sa inyo."

"Ano iyon? Dapat ba ako matakot diyan sa gusto mong sabihin sa akin?"

"Hindi naman. Pero gusto ko lang sabihin sa inyo ng mga bata na buntis ako. Magkakaroon ulit tayo ng anak."

"Talaga, mommy?" Tumango ako kay Isaac kaya pumalakpak ang dalawang babae namin. "Yehey!"

"Love, wala ka bang sasabihin?" Nakita ko kasing tulala si Gael.

"Damn. Eina, nasurpresa mo ko sa binalita mo sa akin. Thank you. I love you very much."

"I love you too."

-----THE END-----

~~~

Yoohoo! Tapos na rin sawakas! Hope you guys enjoy this! :D

And don't forget to support Jake's story.

Title: Must Be Love

Her StalkerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon