Eina's POV
Ilang buwan na ang lumipas ay naging busy ako sa trabaho pero ang nakakapagtataka lang kasi hindi na tumatawag sa akin si Gael para kamustahin man lang si Isaac. Hindi katulad ng dati ay gabi-gabi niya ako tinatawagan para makausap ang bata. Umaasa ako na kahit isang beses ay gusto niya rin akong kausapin sa telepono pero wala, si Isaac pa rin talaga. Ang huling usap ko sa kanya noong araw na bumisita ako sa agency niya dahil naging busy na nga ako sa trabaho at pagalaga sa anak ko. Mabuti nga ngayon ay gumagaling na ang kanyang sugat sa ulo kaya tinanggal na ng doctor ang benda. Balik na ulit sa pagiging makulit ang batang iyon.
Gusto kong makita si Gael ngayon kaya nagpasya ako bisitahin siya sa agency dahil panigurado akong nandoon pa rin siya sa ganitong oras. Maaga pa lang ay nag-out na ako sa trabaho, sa tingin ko mga 5:00 PM pa lang noong umalis na ako sa DL Corp para puntahan si Gael sa agency niya. Ayaw ko man aminin pero miss na miss ko na siya.
Pagkarating ko ay laking gulat ko ng may makita akong for sale nakalagay sa labas ng agency niya.
For sale? Binebenta na ba niya ang agency niya?
Alam kong pinaghirapan niya ito tapos ibebenta lang niya ng basta-basta. Baka tinotoo niya ang sinabi niya noon na aalis na sa pagiging detective niya.
Kailangan ko siyang puntahan sa kanila.
Pagkarating ko sa kanila ay walang tao pero naalala ko may malapit na kainan si tito Nick mula rito. Kaya nagpasya akong puntahan ang kainan ni tito Nick.
"Hello po, tito." Magalang kong bati kay tito Nick at napatingin naman siya sa akin.
"Oh. Nandito ka pala, hija." Sabi niya habang naglilinis ng isang table. Wala siyang kasama rito.
"Gusto ko lang po malaman kung nasaan si Gael." Huminto siya sa paglilinis ng table bago tumingin sa akin.
"Wala bang sinabi ang anak ko bago siya umalis?" Kumunot ang noo ko. Umalis?
"Umalis po?"
"Oo, simulang namatay ang asawa ko ay nagpasya siyang magbakasyon na muna." Nagulat ako sa aking narinig. Namatay pala ang mama niya. Wala akong alam sa nangyari sa kanya.
"Condolence po. Wala po akong alam sa nangyari. Pero saan po pumunta ai Gael ngayon?"
"Ayaw niyang sabihin na kahit sino kung saan siya pumunta." Nalungkot ako dahil hindi ko na pala makikita si Gael ngayon pero maghihintay naman ako sa pagbalik niya. "Sorry, Eina ah."
"Ayos po. Naiintindihan ko naman kung bakit siya umalis dahil masakit para sa kanya ang mawalan ng isang ina."
"Nandito ka na rin naman din. Pwede ba magtanong sayo?" Tanong ni tito Nick at umupo kami pareho sa isang table na malapit sa amin.
"Okay po."
"Totoo ba ang pagkakaroon niyo ng anak ni Gael? Iyon kasi ang sabi niya sa akin noon." Napatingin ako bigla kay tito Nick. Sinabi na pala ni Gael ang tungkol kay Isaac. Handa na ba siyang magpakasal sa akin sa pagkakataon? Kaso ayaw ko naman umasa.
"Yes po. Meron nga kaming anak ni Gael."
"Ang ibig sabihin pala ay meron na akong apo." Tumango ako kay tito Nick. "Alam na ba ni Yuric ang tungkol rito?"
"Wala pa po alam si papa kung sino ang ama ni Isaac. Kung malaman kasi niya ay panigurado akong ipapakasal ako ni papa sa kanya."
"Sang ayon ako sa pwede maging desisyon ni Yuric na ipakasal kayong dalawa. Kung noon pa lang nalaman ko ang totoo ay sana pinakasal ko na kayong dalawa. I know my son is a playboy pero noong nakilala ka niya ay ang laki ng pinagbago ng batang iyon. Wala na rin ako nakikitang babaeng kasama si Gael simulang dumating ka sa buhay niya."
Talaga? Hindi ko napansin iyon ah. Baka siguro iniisip niya ang pwedeng mangyari kay Isaac kapag nalaman niya isang babaero ang ama niya.
"At alam ko rin hindi siya pumapasok sa isang seryosong relasyon dahil sa nangyari sa amin ng mama niya. Natatakot kasi siya magkagusto sa isang babae at baka mangyari rin sa kanya ang nangyari sa akin noon."
"Naikwento nga po niya sa akin ang dahilan niya kung bakit siya naging isang babaero."
"Mabuti na lang dahil hindi pala naglilihim sayo ang batang iyon. Pero pangako mo sa akin, hija mahalin mo ang batang iyon at huwag mo siyang sasaktan." Tumango ako kay tito Nick. Kahit ano mangyari ay mamahalin ko ng buong buo si Gael kahit hindi niya ako magawang mahalin. "Salamat, Eina."
Tumayo na tito Nick para ituloy ang paglilinis niya sa table.
"Tulungan ko na po kayo." Kinuha ko kay tito Nick ang pamunas sa table at ako na ang nagpupunas ng table.
"Salamat. Maswerte si Gael kung ikaw ang magiging girlfriend niya at baka matuwa pa ako sa magiging desisyon ng anak ko." Ngumiti na lang ako kay tito Nick dahil hindi na ako umaasang nililigawan ba ako ni Gael balang araw. "And he asked me how to court before."
"Po? Sino naman po ang nililigawan niya?"
"Hindi ba ikaw? He said before he wants to court you. Wala ka bang natanggap na kahit ano mula sa kanya?"
Kumunot ang noo ko dahil inaalala ko ang lahat pero wala akong maalala na may natanggap ba akong kahit ano galing kay Gael.
"Wala po."
"Ganoon ba? Baka hindi pa siya nagsisimulang mangligaw sayo." Nakita ko nagsimula na maghugas si tito Nick ng mga pinagkainan ng mga customers niya kanina. Hindi lang kasi lutuan ang meron siya dito sa kainan kahit rin lababo. "Gusto kita para kay Gael, Eina."
"Mahal ko rin po ang anak niyo, tito but he still confused about his feeling."
"I am sure he will find the answer. Hindi ko sinasabi ito dahil anak ka ng matalik kong kaibigan ah."
"Hindi ko naman po iniisip iyon. Umaasa rin ako balang araw ay mamahalin rin ako ni Gael hindi dahil may anak kami."
"It is a boy or girl?"
"Lalaki po. Ang pangalan niya ay Isaac."
"Sino ang kamukha ng anak niyo? Ikaw ba o si Gael?"
"Si Gael po. Carbon copy nga po, eh."
Noong unang kita ko kay Isaac noon ay naiinis ako dahil wala man lang nakuha sa akin.
"Kapag nakita ng mga naging babae ni Gael ay malalaman na talaga nila na may anak na siya." Sabi ni tito Nick habang tumatawa. "Kailan ba nangyari iyon?"
"Hm, 3 years ago."
"I see. I really want to meet my grandson pero masyado akong busy rito."
"Okay po. Dadalhin ko po rito si Isaac bukas para makita niyo siya." Nakangiting sagot ko kay tito Nick.
BINABASA MO ANG
Her Stalker
RomanceSiya si Gael Albani, kilala siyang certified playboy dahil paiba iba ang nagiging babae nito at wala sa vocabulary nito ang salitang commitment dahil hindi siya naniniwala sa forever simulang naghiwalay ang mga magulang niya. Isa siyang magaling na...