Chapter 27

1.1K 36 0
                                    

Gael's POV

Pumunta na ako sa tambayan namin magkakaibigan pero nakita kong nandoon na agad si David at siya lang talaga kaya nagpasya na akong lapitan ang kaibigan ko.

"Hey, man." Nilingon siya ako kaso pansin kong problemado siya. "What's wrong?"

"Nagkaroon lang ng problema sa trabaho tapos dumagdag pa ang pinsan ko."

"What's with Jessa?" Tanong ko at umupo na siya sa tabing stool. Kilala ko kasi ang pinsan niyang si Jessa at matalik naman siyang kaibigan ng kababatang kapatid ni Red na si Sarah. "Isang vodka."

"I found out she has a boyfriend named Zion Montemayor." Napalingon ako kay David.

"Montemayor? Sounds familiar."

"Anak ni mayor Montemayor at may ari rin ng Sky Island."

"Oh? Ano naman masama kung magkaroon si Jessa ng boyfriend? Hindi na rin naman siya bata para bantayan mo. Tingnan mo nga si Sarah ngayon, may asawa na."

"Iba naman ang sitwasyon nina Sarah at Jessa. I don't trust her boyfriend at alam mo iyon dahil maraming kaaway ang ama niya. Ayaw kong mapahamak ang pinsan ko."

Kaya lang naman naging ganito ang lalaking ito dahil gusto lang naman niyang protektahan si Jessa. Nagiisang anak lang din David at close silang dalawa ni Jessa kaya tinuring na ng kababatang kapatid ng kaibigan ko ang pinsan niya.

"Alam mo, pre... Wala ka na magagawa diyan kung mahal ba talaga niya ang Zion na iyan."

"Makapagsalita ka naman-- Sabagay, in love ka nga naman. Pero seryoso ka ba kay Eina?"

"Oo naman. Alam ko siya na ang babaeng matagal ko ng hinihintay. Ang babaeng makakasama ko habang buhay."

"Tangina. Ang corny mo. Ganyan ba talaga kapag in love nagiging corny na. Kulang na lang maging katulad ka ni Red na utusan akong bantayan ang babaeng mahal nila."

"Kailan nangyari iyan?"

"Matagal na rin. Bago pa sila kinasal ni Tiffany. Tinawagan pa niya ako para lang bantayan ko ang bawat kilos ni Tiffany dahil pinagbantaan nga siya ni Bianca na papatayin si Tiffany."

"Okay. Huwag na natin pagusapan ang tungkol diyan. Kinakalibutan ako dahil related pala iyan sa ex wife ni Pula."

Hindi nga ako makapaniwala na ganoon ang mangyayari kay Bianca. Parang dati lang ay ang sweet ng dalawa at in love na in love sa isa't isa. Nakakainis nga lang sa harapan pa namin ni David nagtutukaan. Sarap lagyan ng packaging tape para hindi na sila maghiwalay na dalawa. Bwesit.

"Bakit ka nga pala nandito ngayon?" Tanong niya sa akin.

"May gusto akong sabihin sa inyo ni Pula. Kaya tatawagan ko na muna siya." Nilabas ko ang phone ko para matawagan si Red. Mga dalawang ring ay sinagot na niya ang tawag.

"What?" Mainit na naman ba ang ulo ng isang ito? Wala naman akong ginagawa sa kanya.

"Ano ba ang problema mo? Ang init ng ulo mo ngayon."

"Isturbo ka. Alam mo ba iyon? Bakit ka ba tumawag sa akin?" Gusto ko matawa dahil mukhang nabitin sa ginagawa nila ng kanyang asawa ngayon. Kahit buntis ang asawa ay walang patawad ang lalaking ito.

"May gusto sana ako sabihin sa inyo ni Dave. Nandito na rin kami sa tambayan nating tatlo."

"Okay, I'll be there." Siya pa mismo ang nagbaba ng tawag kaya lumapit na ulit ako kay David.

"Musta naman?" Tanong niya sa akin.

"What do we expect? Mainit na naman ang ulo at mukhang nabitin kung ano man ang ginagawa niya ngayon." Bahagyang natawa ang kaibigan ko.

"What do you think? Hindi na ba masusundan ang bunso nila paglabas?"

"No comment." Ininom ko na ang inorder kong vodka.

Mga isang oras rin noong dumating si Red. Ang akala ko hindi na siya dadating ngayon.

"Ano ba iyang sasabihin mo? Siguraduhin mo lang good news iyan." Sabi ni Red at halata pa sa mukha niya ang inis. Hindi na siguro natuloy ang ginagawa nila kanina.

"I'm getting married." Masaya kong anunsyo sa kanila. Proud naman talaga ako.

"What?!" Sabay pa nila. Sumimangot ako ng pareho pa silang tumawa.

"Ikaw, ikakasal? We know you're in love pero ang ikakasal imposible, pre." Sabi ni David na pailing iling pa ng ulo.

"I agree with Dave. We know you, Gael."

"Sabi na nga ba hindi kayo maniniwala kaya ito papakita ko sa inyo. Inunahan ko na kayong dalawa." Nilabas ko ang phone ko at pinakita ko sa kanila ang picture namin ni Eina.

"Baka naman edited lang iyan." Natatawang sambit ni David.

"Aba gago ka, Dave. Hindi iyan edited. Totoong nagpropose ako kay Eina kagabi."

"Salamat naman may sineryoso ka na ring babae ngayon." Sabi naman ni Red.

"Siyempre naman, Pula. Pumunta pa ako ng Italy para magisip kung mahal ko ba talaga siya o hindi. Kaso hindi mawala sa isipan ko si Eina. Sa loob ng limang buwan ko sa Italy ay siya lang ang palagi kong iniisip."

"Italy? Ano ang ginagawa mo doon?" Tanong ni David sa akin.

"Bakasyon. After my mother's died ay nagpaalam ako kay dad na magbakasyon na muna at huwag sabihin kahit kanino kung saan ako pumunta. Gusto ko kasi makapag isip at kahapon lang ako umuwi galing Italy. Habang nandoon ako sa Italy ay may nakausap akong lawyer."

"Lawyer? Baka may nagsampa ng kaso sayo at ikukulong ka." Panakot sa akin ni David kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Seryoso ako dito, gago. At lawyer iyon ng lolo ko dahil may binigay siya sa akin last will and testament ni lolo."

"Let me guess, nakalagay doon na kailangan mo magpakasal para makuha ang pamana." Tumango ako kay Red. "Sabi na nga ba. May kapalit pala kung bakit ka magpapakasal."

"I don't care about heritage. Magpapakasal ako kay Eina dahil mahal ko siya. Magpapakasal ako hindi rin dahil may anak kami." Nakangiting malawak ang dalawa kong kaibigan kaya napailing na lang ako.

"Siguraduhin mo lang hindi mo siya lolokohin. Malalagot ka sa akin dahil kaibigan siya ni Tifa."

"Kung may balak akong saktan siya ay sana may kasama at kahalikan akong babae ngayon. Pero may nakikita ka bang babaeng kasama ko, Pula? Matagal na ko walang kasamang babae simulang nalaman kong may anak na ako. Ayaw ko naman masira ang tingin sa akin ni Isaac kung malaman niyang babaero ang ama niya."

"Good for you, Gael."

"Yes, mabuti nga nakahanap ka ng babaeng seseryosohin mo. Ang akala ko pa naman habang buhay ka ng babaero." Sabi naman ni David.

Alam ko naman kung ano ang gusto nilang sabihin sa akin. Na pwede kong saktan si Eina sa pagkakataon pero hindi ko naman iyon magagawa sa kanya. Matalik na kaibigan ni dad ang daddy ni Eina. Ayaw ko naman kung pati sa akin ay magalit si dad kung sasaktan ko si Eina.

Her StalkerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon