Nakatayo ako sa harapan ng salamin at inaayos ang suot kong damit. Kakatapos ko lang din maligo para yayain si Eina kumain kami sa labas pagkasundo ko sa kanya sa DL Corp.
"Aba, pogi ah. Saan punta natin ngayon?" Napangiti ako kay dad.
"Yayain ko lang si Eina kumain sa labas mamaya."
"Okay pero sana huwag mong kalimutan ang grand opening ng restaurant mamayang gabi." Napahinto ako sa pagsusuklay ng buhok ko at nilingon si dad. Shit, nakalimutan ko na ang tungkol doon. "Huwag mong sabihin nakalimutan mo na."
"No. No worries, doon kami kakain ni Eina mamaya." Nakangiting sagot ko kay dad. Ayaw ko naman kasi sabihin sa kanya nakalimutan ko baka magalit pa sa akin si dad.
Bago kasi bumalik sa Paris si tito Yuric ay tinapos na muna nila dad ang mga kailangan sa restaurant and he congratulated us. Hindi ko talaga inaasahan gagawin ni Eina ang ganitong bagay para sa amin ni dad. Ang akala ko pa naman mabibigyan ko si dad ng restaurant sa sariling sikap ko. Yung paghihirapan ko. Kaso naunahan ako ni Eina. Ayos lang sa akin ang nangyari.
Pumunta na ako sa DL corp dahil alam ko naman kahit anong oras ay lalabas na si Eina ngayon. Nilabas ko ang phone ko para alam niyang nandito ako.
To Eina;
Anong oras ka lalabas?
Ilang minuto ako naghintay ng text niya ay wala ako natanggap kaya itetext ko ulit siya.
To Eina;
Nandito ako sa labas ng DL Corp ngayon. Maghihintay ako sa paglabas mo.
Napatingin ako sa labas dahil may mga empleyado na ako nakikitang lumalabas. Tapos na rin kasi ang work hour nila at paniguradong lalabas na rin si Eina maya maya.
Sinubukan kong tawagan si Eina pero hindi naman niya sinasagot ang tawag ko. Kaya nagpasya na akong bumaba ng kotse para puntahan siya. Alam ko rin na promote siya noon bilang chief financial officer at siya na rin humahawak ng fianance ng kumpanya ni Red.
Pagkarating ko sa opisina ni Eina ay nakita kong may kausap siyang lalaki. All I know bawal mag-tsismisan sa DL Corp dahil ayaw na ayaw ni Red iyon.
Tumikhim ako para kuhanin ang atensyon nila.
"Gael? What are you doing here?" Bakas sa mukha ni Eina ang pagkagulat.
"Have you receive my message?" Imbes na sagutin ko siya ay tinanong ko rin siya ng tanong. "Tumawag rin ako kanina pero hindi mo sinasagot."
"Sige, Eina. Mauuna na ako sayo." Paalam ng lalaking kausap niya kanina.
"Sige." Binaling ulit ni Eina ang tingin sa akin. "Sorry. Naka silent kasi ang phone ko kanina dahil galing kami sa meeting at nakalimutan ko tanggalin."
Hindi na ako nagsalita dahil sinarado ko na ang pinto at nilock na rin.
"Gael? Ano ang balak mo?" Hindi ko na siya sinagot dahil sinunggaban ko siya ng halik. Wala pa ngang isang sekundo ay tumugon na agad si Eina.
"Ayaw ko ang pinagseselos ako kaya paparusahan kita ngayon." Sabi ko habang hindi napuputol ang halikan namin.
Pinasok ko ang isang kamay ko sa loob ng kanyang damit at minamasahe ang dibdib niya.
"Uhmmp..." Pinipigilan niyang umungol ng malakas. Binaba ko ang halik sa leeg niya. "G-Gael..."
Nagiwan ako ng hickey sa kanyang leeg at muli ko siyang hinalikan sa mga labi.
"Kahit gusto ko may mangyari sa atin ngayon kaso grand opening ng restaurant kaya hindi tayo pwede malate."
"Kainis ka! Binitin mo ko doon." Bumasangot na sabi ni Eina na kinatuwa ko. Nabitin siya sa nangyari.
"Later after the event. Magagalit si dad sa akin kapag wala ako doon ngayon. Let's go."
Pagkarating namin sa restaurant ay ang daming taong dumalo ngayon. Punuan ang parking space sa labas ng restaurant. Damn.
Pagpasok namin sa loob ay ang dami talagang tao. Punuan rin pati mga tables. Ano ba iyan. Paano naman kami kakain ni Eina nito.
"Mabuti nakarating kayong dalawa ngayon."
"Hello po, tito. Congrats po sa grand opening ng restaurant."
"Salamat, hija. Dahil sinabi ni Gael kanina na pupunta kayo ngayon kaya nagpa reserve na ako ng table para sa inyong dalawa."
"You're the best, old man."
"Bawiin mo iyan, Gael. Hindi pa ako matanda."
"Si dad talaga ayaw pa aminin." Binigyan ko ng friendly hug si dad. "Bibigyan ko kayo ng mara-- Ow!"
Tama daw bang pingutin ang tenga ko. Tsk.
"Puro ka kalokohan. Maupo na kayo sa table niyo." Lumapit sa akin si dad para bang may gustong sabihin sa akin. "Alam kong may balak kang magpropose kay Eina ngayon kaya pinaghanda ko na ang lahat."
Napangiti ako bigla because I have the best father ever.
Tinapik ni dad ang balikat ko bago pa siya nagpaalam sa amin.
"Ano yung binulong ni tito sayo?"
"It's a surprise, love." Nakangiti kong sagot sa kanya.
"Ang daya naman." Lumabi siya sa akin.
"Don't pout baka halikan kita sa harap ng maraming tao."
"Palagi mo naman ginagawa iyan." Mas lalo pa siyang lumabi parang sinasabi halikan ko nga siya. Binigyan ko siya ng mabilis na halik.
May dumating na pagkain sa table namin kaya kumunot ang noo ko. Hindi naman kami nagorder ng risotto.
"Teka, Joshua." Tawag ko doon sa isang waiter na nagserve ng risotto sa amin. "Bakit ka nagserve ng risotto? Baka nagkamali ka ng table dahil hindi kami nagorder nito."
"Ang sabi po ng daddy niyo ay iyan ang i-serve ko para sa inyo, sir." Naghilot ako ng sentido saka pinaalis ko na yung waiter. Si dad talaga bad timing kung mang insulto sa akin.
"Bakit? Ayaw mo ba nito?"
"Hindi naman sa ayaw ko kaso halos Italian foods ang kinakain ko noong bata ako kaya pinagsawaan ko na."
"Masarap naman ah. Mga foreign foods ang gusto kong kainin especially Italian." Nakatingin lang ako kay Eina habang enjoy na enjoy siya sa pagkain ng risotto. Inaamin ko Italian foods ang specialty si dad dahil doon siya lumaki sa Italy.
Bumuntong hinga ako dahil wala na ako ibang choice kaya kainin ko na rin ang risotto nasa harapan ko ngayon.
Napilitan lang talaga akong kainin ang risotto nasa harapan ko ngayon.
"Good evening, everyone." Napatingin ako sa harapan dahil nandoon si dad ngayon habang may hawak ito ng microphone. "Una sa lahat ay gusto ko magpasalamat sa inyong lahat na dumalo ngayon sa grand opening ng restaurant and lastly, my son and my future daughter in law are here. Come over here."
Ito na siguro yung plano ni dad para special ang pagpropose ko kay Eina kaya tumingin ako kay Eina sabay kuha sa kamay niya.
"Tara?"
"Bakit? Ano ba meron?"
"Sabi ko nga sayo surprise."
Pumunta na kami ni Eina sa harapan. Lumapit na sa akin si dad.
"Good luck." Bulong sa akin dahilan na napangiti ako.
"Eina Suarez." Nakatingin lang si Eina at halatang naguguluhan siya sa nangyayari. Lumuhod na ako sa harapan niya.
"Oh gosh! Gael."
Nilabas ko na ang isang maliit na box na kulay velvet at binuksan iyon.
"Will you marry me?"
Nagtakip lang ng bibig si Eina kaso wala akong nakuhang sagot mula sa kanya. Sumisigaw ang mga tao na yes kahit nga rin si dad ay iyon din ang sinisigaw sa likuran ko.
Nakahinga ako ng maluwag nang makita ko siyang tumango.
"Yes, I will marry you." Napangiti ako kaya niyakap ko siya at nagpalakpakan ang mga tao.
"Thank you, love." I kissed the top of her head. Sobrang thankful ako dahil nakilala ko si Eina.
BINABASA MO ANG
Her Stalker
RomansaSiya si Gael Albani, kilala siyang certified playboy dahil paiba iba ang nagiging babae nito at wala sa vocabulary nito ang salitang commitment dahil hindi siya naniniwala sa forever simulang naghiwalay ang mga magulang niya. Isa siyang magaling na...