Chapter 29

1K 36 0
                                    

Pagkatapos ko ayusing ang sarili ko at magpagupit ng buhok para hindi na ako tawaging caveman ng sarili kong ama. Pumunta na rin ako sa flower shop para bilihan ng bulaklak si Eina.

"Good morning, sir." Bati sa akin ng florist pagkapasok ko sa loob ng flower shop.

Napatingin ako sa mga bulaklak dahil hindi ko alam kung ano ang gustong bulaklak ni Eina. I never give her a flower before. Bahala na nga.

Tinuro ko na sa florist kung anong bulaklak ang bibilihin ko. A bouquet of red roses.

Napangiti ako dahil first time ko lang ito gagawin sa buong buhay ko at kay Eina lang because I really love her.

Pagkarating ko sa bahay nila ay pinarada ko na ang kotse ko sa tapat ng bahay nila at bumaba na. Saka kinuha ang bouquet.

"Good afternoon po." Bati ko sa mama ni Eina nang makita ko siya sa labas ng bahay nila.

"Good afternoon rin sayo, hijo."

Magsasalita pa sana ako ng marinig ko ang boses ni Eina. Ang lakas ng kalabog ng dibdib ko ngayon dahil kinakabahan ako.

"What are you doing here? Malinaw naman siguro ang sinabi ko sayo kagabi na ayaw ko na maki--"

"Eina, please. Makinig ka na muna sa akin ngayon."

"Ako na rin ang nakikiusap sayo, Gael. Ayaw ko na makita ang pagmumukha mo ngayon kaya umalis ka na."

"Nakikiusap rin ako sayo makinig ka na muna sa akin. Wala akong anak sa ibang babae maliban sayo. Kung ano man ang sinabi sayo ng babaeng kausap mo kagabi ay gumawa lang siya ng paraan para masira tayo. Wala akong anak sa kanya. Mani--" Nagulat ako sa isang sampal ang natanggap ko mula sa kanya. Ganito pala kasakit ang magmahal dahil kahit anong gawin ko ay hindi naman siya nakikinig sa akin.

"Umalis ka na, Gael." Hindi na ako sumagot pang muli kay Eina at tinapon ko na lang ang binili kong bulaklak kanina. Sayang lang ang pera ko para bilihan siya ng bulaklak. Tsk.

"Don't worry, hindi na ako ulit magpapakita sayo. Hindi na rin kita kukulitin after what happened today. Siguro nga hindi tayo para sa isa't isa kaya hindi ko na rin pipilitin ang sarili ko para sayo." Sabi ko sabay sakay sa kotse.

Sobrang masakit ang nangyari ngayong araw. Mas masakit pa noong araw nawala si mama sa amin. Ang akala ko pa naman ay makikinig na siya sa akin ngayon pero hindi pala.

Paguwi ko sa bahay ay umupo na ako sa sofa habang nakatingin sa kisame.

"Nakauwi ka na pala, Gael." Tiningnan ko si dad na ngayon nakatayo sa may pinto ng bahay namin. "Musta?"

"Hindi niya ako pinakinggan. Nakatikim pa ako ng sampal galing kay Eina." Natatawa ako habang kinukwento kay dad pero sa kaloob looban ko ay nasasaktan ako sa nangyayari. First time ko magmahal sa isang babae pero bigo lang pala.

"You know what, give her some time. Baka hindi pa ito ang tamang oras para kausapin mo siya dahil nasaktan naman si Eina sa nangyari."

"Sa tingin ko hindi na, dad. Ayaw na niya ako makita kaya hindi ko na pipilitin ang sarili ko sa kanya."

"Paano na ngayon ang anak niyo? Umaasa pa naman ang bata na magiging kumpleto ang pamilya niya."

"Hindi ko na alam." Naghilamos ako ng mukha gamit ang dalawang palad ko. "Ganito pala kasakit ang magmahal."

"Hindi talaga maiiwasan ang masaktan kapag nagmahal ka sa isang tao."

Napatingin ako kay dad dahil naalala ko noong makita kong umiyak siya sa ICU dahil iyon ang unang beses kong makitang umiyak si dad noong namatay si mama. I know how he loves his wife. Kahit isang beses ay hindi niya naisipang maghanap ng ibang babae dahil ganoon niya kamahal si mama. Kahit sinaktan na siya noon.

Kinagabihan ay pumunta ako sa isang club dahil gusto ko na muna mapag isa ngayong gabi. Hindi mo na inabalang tawagan ang mga kaibigan ko dahil alam ko namang busy ang mga iyon sa kanya kanyang buhay.

"Hi, handsome." Nilingon ko yung nagsalita sabay ngiti sa babae. Inaamin kong maganda at sexy siya. "Are you alone? I can accompany you tonight."

"Sorry, miss. Sa iba ka na lang." Agad ko naman siya pinigilan sa gusto niyang mangyari at inis siyang umalis sa harapan ko.

Maraming kababaihan ang lumalapit sa akin pero tinatanggihan ko sila. This is not me. Nagbago ako dahil kay Eina. Pero sa tingin ko kailangan ko ng libangan para makalimutan ko ang sakit nararamdaman ko ngayon.

Tumayo na ako para pumunta sa dance floor. Doon na lang siguro ako maghahanap ng babae na makakasama ko ngayong gabi. Hanggang sa may nakita akong maganda at sexy habang sumasayaw ito. Nakuha niya ang atensyon ko ngayong gabi. Kaya nagpasya akong lumapit sa kanya.

"Hi, miss." Huminto siya sa pag sasayaw at binaling ang tingin sa akin.

Mukhang inosente.

Napangiti ako sa aking isipan dahil may naalala ako sa ganitong bagay.

"Are you free tonight?"

Sasagot sana yung babae ng biglang may sumuntok sa akin kaya napaupo ako sa sahig. Fuck, ang sakit noon.

"Stay away from my girlfriend kung ayaw mo basagin ko iyang mukha mo!" Sabi ng lalaking sumuntok sa akin at hinatak na niya palayo yung babae o girlfriend niya.

Fuck, fuck. Sa buong buhay ko ay ngayon pa lang may sumuntok sa akin ng ganitong kalakas.

Sunod-sunod na yata ang karma ko ngayong araw ah.

Nagpasya na lang ako umuwi sa bahay at dumeretso sa kusina para kumuha ng ice pack.

"Shit." Mura ko noong dinikit ko na ang ice pack sa pisngi ko na may pasa. Ang sakit. Putek.

"Gael?" Nilingon ko si dad at nagulat siya sa itsura ko ngayon. "Ano nangyari sayo?"

"Wala. May isang boyfriend na sumuntok sa akin kanina sa club habang may kausap akong babae. Akala ko kasi nagiisa lang siya."

"Akala ko ba nagbago ka na. Bakit bumalik ka na naman sa ginagawa mo ngayon ah?"

"Gusto ko lang makalimutan ang sakit na nararamdaman ko ngayon. Baka kasi mawala kung bumalik ako sa dati kong buhay. Kaliwa't kanan na babaeng kasama at nagpapasaya."

"Hindi lang suntok ng lalaking iyon na natitikman mo. Pati rin sa akin. Sinabi ko sayo kanina bigyan mo lang si Eina--"

"Don't mention that name, please."

"Sino gusto mong banggitin ko? Ang mga pangalan ng mga ex girlfriends mo?" Napatingin ako kay dad. Paano naman niya makikilala ang mga naging girlfriend ko noon kung ni isang beses ay hindi ko naman pinakilala sa kanya. "Gael, nagtrabaho ka nga bilang detective pero tinalo pa kita."

"Huh?" Naguguluhan ako sa gustong iparating sa akin ni dad.

"Pinaimbestiga kita at inalaman ko ang lahat na pinaggagawa mo noon. At matagal ko na rin alam na may anak ka."

"What? All these days, alam niyong may anak ako?" Tumango si dad sa akin. Shit naman. Nahihirapan pa akong sabihin sa kanya ang totoo pero iyon pala ay may alam siya.

"Ang gusto ko lang naman ay sayo mismo mang galing kaya hindi kita inuunahan."

Her StalkerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon