Gael's POV
I'm at here at Albani Detective Agency. I owned this detective agency pero wala naman akong masyadong kliyente. Ang huling naging kliyente ko pa ang kapatid ni Red na si Theo, pinapahanap niya rin sa akin ang tungkol sa naging asawa niya katulad kay Red. Magkapatid nga ang dalawang iyon. Handa naman ako tumulong sa mga kaibigan ko kaso ang hindi ko matulungan ang sarili. Damn it.
Hindi mawala sa isipan ko ang bata nakita ko noong isang araw. I gave him a toy car that day, isa iyon dapat sa magiging collection ko kaya binili ko iyon pero noong nakita ko yung batang lalaki ay nakatitig lang siya sa ibang bata habang naglalaro ng mga laruan nila. Nang kinausap ako noong batang lalaki ay ang gaan ng loob ko para bang nakaramdam ako ng lukso ng dugo.
"Ugh!" Ginulo ko ang buhok ko sa sobrang frustrated ko. Paano naman ako magkakaramdam ng lukso ng dugo kung wala naman akong babae? Maingat ako sa tuwing may dinadala akong babae sa hotel and I always used protection para hindi ko sila mabubuntis dahil ayaw ko ng commitment.
Kinuha ko ang phone ko nakapatong ko sa table ko at nagdesisyon akong tawagan si David. He is David Ferrer, magaling siyang police chief. At the age of 25 nakuha niya agad ang rank niyang police chief. Ayaw ko man aminin matalino at magaling dumiskarte si David.
"Hey, Dave. Are you free today?"
"Niyaya mo ko makipag date sayo? No, pre. Hindi ako nakipag date sa kapwa."
"Gago. Bakit naman kita yayain makipag date sa akin? Ano sa tingin mo sa akin bakla?" Inis kong turan sa kanya. Sira ulo naman kasi.
"Binibiro lang sila. Yes, I'm free dahil day off ko naman ngayon." Sagot naman niya sa kabilang linya. Kung ganoon great timing pala ang pagtawag ko sa kaibigan.
"Susunduin kita sa inyo. Gusto ko malibang ngayon." Sabi ko bago binaba ang tawag.
Pagkarating ko sa bahay ni David ay nakita ko na siyang lumabas dahil tinext ko siyang malapit na ako sa kanila. Pumasok na rin siya sa passenger's seat.
"Saan mo naman ako dadalhin, Gael? Malabo sa club dahil tirik na tirik pa ang araw." Sabi nito habang nilalagay ang kanyang seatbelt.
"Kahit saan. Gusto ko lang na may kasama ngayon." Pinatakbo ko na ang makina ng kotse ko.
"May problema ba?" Kahit hindi ako nakatingin sa kaibigan ay alam kong nakatingjn siya sa akin.
"Hindi ko kasi alam kung paano ko sasabihin sayo ito."
"Ano ba iyon? Baka naman makatulong ako sayo, pre."
Huminga ako ng malalim bago pang sumagot kay David.
"Alam mo naman meron akong target, diba? Matagal ko na siyang gusto pero hindi ako makalapit sa kanya dahil kasama niya palagi ang kanyang boyfriend."
"Yeah, si Eina Suarez. Isa sa masisipag na empleyado ni Red."
"During Red and Tiffany's wedding reception ay nilapitan ko siya dahil iyon na ang pagkakataon ko. Wala ang asungot niyang boyfriend."
"Wait. Huwag mong sabihin sa akin may nangyari sa inyo?"
"Yes." Maiksing sagot ko.
"Hindi na ako nagulat sayo, Gael. Ilang babae na rin ang naikama mo kaya sanay na ako sayo."
"But this is serious, dude! She is fucking virgin."
"What? Are you crazy? You never fucked a virgin woman before, Gael. Did you used protection?"
"I don't know. Marami na rin ang nainom ko noon kaya wala ako masyadong maalala."
Pumunta kami ni David sa department store dahil naisipan kong bilihan ang batang lalaki na damit kung magkikita ulit kaming dalawa. Hindi ko alam kung bakit pero pakiramdam ko ang gaan talaga ng loob ko sa kanya.
"A department store? Ano naman ang ginagawa natin rito?" Takang tanong ni David.
"May nakita kasi ako batang lalaki noon. Binigyan ko siya ng isang toy car kaya naisipan kong bilihan ko siya ng isang damit."
"Bakit mo naman siya bibilihan ng damit? Hindi mo naman siya kilala, Gael."
"Ewan ko. Pakiramdam ko ay anak ko siya."
"Anak mo? Imposible naman magkaroon ka ng anak."
Hindi na ako sumagot pang muli sa kaibigan ko dahil pumunta na kami sa bilihan ng damit pang bata.
Habang naghahanap ako ng damit na babagay sa kanya ay may nakita ako. May isang cartoon character ang design ng damit na ito at sigurado akong magugustuhan niya ito.
"What do you think, pre? Magugustuhan ba niya itong damit?" Tanong ko kay David.
"Siguro naman tatanggapin niya iyan dahil ikaw ang nagbigay."
"Sabagay. Yung toy car nga tinanggap niya ito pa kayang damit." Sabi ko habang nakangiti. Ayaw ko ng commitment pero ugh... ang gulo ng utak ko ngayon.
"Pero Gael wala ka pang ideya na anak mo nga talaga iyon. Wala tayong hawak na ebidensya na anak mo nga iyong bata."
Natigilan ako sa pagpili pa ng damit. Tama si David, wala pa nga akong impormasyon tungkol sa bata at kung sino ang ina nito.
"Kahit wala tayong ebidensya o impormasyon na anak ko nga iyon pero nararamdam ko naman. Yung tinatawag ba nila ng lukso ng dugo."
"Ewan. Wala pa naman akong anak kaya wala akong alam diyan. Kakausapin mo na lang kaya si Red."
"No need. Ayaw ko na maisturbo ang kaibigan natin. He is happy with his family now."
Masaya naman ako para sa kaibigan ko dahil ang pangarap niyang magkaroon ng anak ay natupad na. Iyon nga lang wala siyang ideya na may anak siya sa ibang babae.
"Tatanungin mo na lang kung paano siya nagkaroon ng ideya na anak niya--"
"Wala siyang ideya. Hindi ba humingi pa siya ng tulong sa akin noon? Sa akin pa nga niya nalaman na may anak sila ni Tiffany."
"Oo nga pala. Sorry, masyado kasi ako busy kaya nawala na sa isip ko."
"Alam ko kaya nga hanggang ngayon wala ka pang girlfriend. Dave, you are not getting younger."
"Hindi ko pa nakikita ang tamang babae para sa akin. That's all."
Ako, Red at David ay magkakaibigan na simulang mga bata pa lang kami. Nakilala naman namin si Gold ang traydor naming kaibigan noong pinakilala siya sa amin ni Red. Una pa lang ay nakaramdam ako ng hindi maganda ang mangyayari tuwing kasama namin si Gold pero dinedma ko lang dahil wala naman nangyayaring masama until one day nalaman kong sinuntok ni Red si Gold dahil sinasaktan nito si Tiffany. At doon na nagsimula ang lahat. He tortured my best friend at siyempre hindi ko mapapatawad ang ginawa ni Gold kay Red noon kaso ang bilis ng karma sa kanya dahil namatay din siya noong dumating ang team ni David.
"This is final, Dave. Bibilihin ko na itong mga damit napili ko." Sabi ko at naglakad na papuntang cashier para mabayaran na ang mga damit.
"Bahala ka."
BINABASA MO ANG
Her Stalker
RomansaSiya si Gael Albani, kilala siyang certified playboy dahil paiba iba ang nagiging babae nito at wala sa vocabulary nito ang salitang commitment dahil hindi siya naniniwala sa forever simulang naghiwalay ang mga magulang niya. Isa siyang magaling na...