Maaga akong umalis sa detective agency para pumunta sa isang toys store dahil gusto kong bilihan ng isang toy car si Isaac.
Pumunta na rin ako agad sa ospital at dumeretso na sa hospital room ni Isaac pero nakasalubong ko ang mama ni Eina.
"Good evening po, ma'am." Magalang bati ko sa mama niya. Napalunok na lang ako para bang inoobserban niya ako mula ulo hanggang paa.
"Magandang gabi rin sayo. Pwede ba magtanong sayo, hijo?"
"Sige po."
"Dederetsuhin na kita ah. Ikaw ba ang ama ng apo ko?" Wala ngang paligoy ligoy dahil tinanong niya talaga ako.
"Alam ko pong malaki ang kasalanan ko noon sa inyo lalo na kay Eina. I'm sorry po pero gusto ko lang bumawi kay Isaac ngayon."
"Naiintindihan ko. Mukhang ngayon mo lang nalaman ang tungkol kay Isaac dahil palagi sinasabi sa amin ng anak kong iyon hindi niya kilala ang ama ng anak niya. At noong unang kita ko sayo ay nakikita ko sayo si Isaac. Dahil siguro may hawig sayo ang apo ko." Ngumiti lang ako ng tipid. Kahit pa paano ay nabawasan ang kaba sa dibdib ko. "Pasok na muna tayo sa loob."
Pagpasok namin sa loob ay nakita ko si Isaac nanonood ng cartoons sa TV. I think it's We Bare Bears, ang usong cartoons ngayon. Kahit saan kasi ako pumunta ay puro iyon ang nakikita ko.
"Kuya Gael!" Nakikita sa mukha niya ang saya.
"Hey, buddy. How are you?"
"Okay na po ako ngayon."
"Good to hear. May regalo pala ako sayo." Inabot ko sa kanya ang isang paper bag pero ayaw niyang tanggapin. Nawala sa isip ko binilin pala ni Eina huwag tumanggap na kahit ano mula sa akin. "It's okay. Ako ang bahala sa mommy mo."
Ngumiti naman ako noong tinanggap na niya ang maliit na regalo ko sa kanya.
"Salamat po." Agad naman niyang kinuha ang laman at kitang kita kung paano kuminang ang mga mata niya sa tuwa. "Lola, tingnan niyo po! Toy car po ulit!"
I'm glad he really likes a small gift for him.
"Mukhang nakuha mo ang kiliti ng batang iyan ah. Mahilig talaga siya sa mga laruang kotse." Nilingon ko ang lola ni Isaac. Kung ganoon pala ay may pinagmanahan sa akin si Isaac dahil mahilig rin ako sa mga kotse.
"Sige po. Kailangan ko na rin umalis." Nagpaalam na rin ako kay Isaac na aalis na. He doesn't want me to leave pero ayaw ko naman maabutan ni Eina dito.
Naglakad na ako papuntang elevator na may ngiti sa mga labi ko. Kahit iba ang tawag sa akin ng anak ko ay okay lang sa akin. At least hindi iba ang pakitungo niya sa akin.
Kung ayaw ng ina ay ang anak na lang namin ang liligawan ko para magkaayos lang kami ni Eina.
Pagbukas ng pinto ng elevator ay sumakay na ako para makababa na. Nasa 8th floor kasi ang hospital room ni Isaac at mabuti na lang naging mabuti ang kalagayan niya ngayon.
Bawat palag ay huminto ang elevator dahil maraming sumasakay. May mga staffs din ang sumasakay sa elevator kaya medyo siksikan na ang loob.
Pagkarating ko sa ground floor ay naglalad na ako palabas na ako ng ospital dahil nasa labas ako naka park ang kotse ko.
"Mr. Albani?" Napalingon ako ng may tumawag sa akin. Isang doctor para dahilan kumunot ang noo ko. "I'm dr. Roque."
"Yes, doc? Do you need something from me?"
"Not me but someone needs you." Kumot ang noo ko sa sinagot niya. Sino naman ang may kailangan sa akin? "Glenda needs you. Your mother."
Nanigas ang buong katawan ko noong marinig ko ang pangalan na iyon. Sobrang tagal na ang huli ko narinig ang pangalan niyang iyon, like 15 years ago. Ganoon na pala katagal ang lahat.
"What happened to her?"
"I need to tell you but she has a cancer. Stage 3." Namilog ang mga mata ko sa binalita ng kausap ko.
Kahit niloko niya si dad noon ay siya pa rin ang ina ko.
"M-May iba pa bang paraan para gumaling siya?"
"Hindi ko masasabing gagaling siya pero makakatulong sa kalagayan niya. Kailangan niya mag-dianose but she always rejected our offer." Bumuntong hininga ako. Ano ang gusto niyang gawin sa buhay niya? Ang mamatay na hindi nagparamdam sa amin? Kahit hindi sabihin sa akin ni dad ay alam kong mahal pa rin niya si mama. "Pero hindi rin biro ang mga gastusin."
"Gawin niyo ang lahat para lumalakas siyang muli. Ako na ang bahala sa gastusin niya." Tumango sa akin si dr. Roque at tinapik niya ang balikat ko bago pa siya nagpalam sa akin.
Pagkatalikod ay nagulat ako sa nakita ko pero nilagpasan ko na rin si Eina at lumapit sa front desk.
"Excuse me, miss. Saan dito si Glenda Albani?" Tanong ko sa babae nasa front desk at tumingin naman siya sa monitor.
"Nasa room 8019 po."
"Okay. Salamat." Naglakad na ulit ako patungo sa elevator.
Nandito na ako sa tapat ng hospital room niya kaya kumatok na muna ako bago binuksan ang pinto. May nakita ako isang babae nakahiga sa hospital bed. Ang laki ng pinayat niya noong huling kita ko sa kanya. Ganoon na ba kalala ang sakit niya? Mukhang napansin niyang nandito ako.
"G-Gael." Nahihirapan siyang magsalita.
"Buhay ka pa pala." Bigla kong sabi sa kanya at iyon para napangiti siya kahit nahihirapan.
"Ang laki mo na." Pinilit niyang abutin ang kamay ko. "May asawa ka na ba?"
"I don't have. Wala pa ako nakilalang babae para sa akin na hindi ako lolokohin katulad ng ginawa mo kay dad noon." Sabi ko pero ngumiti lang siya sa akin. Tinitigas ko ang loob ko na hindi umiyak sa harapan niya.
"I'm sorry. Please tell your father I'm sorry for what I did before. Pinagsisihan ko ang lahat noong nawala kayo ni Nick."
"Magpahinga na lang kayo. Kailangan ko na rin ang umalis."
"Magiingat ka, anak."
Paglabas ko sa hospital room ni mama ay sumandal na muna ako sa pader at nagtakip ng bibig dahil doon na rin pumatak ang luha ko. Sa buong buhay ay ngayon lang ako umiyak ng ganito. Kung noon ay hinding hindi ako umiyak. Pero iba ang sitwasyon ngayon. Buhay ng ina ko ang nasa panganib.
Kung kailan kailangan mo ng karamay ay wala pwedeng maging karamay mo.
BINABASA MO ANG
Her Stalker
RomanceSiya si Gael Albani, kilala siyang certified playboy dahil paiba iba ang nagiging babae nito at wala sa vocabulary nito ang salitang commitment dahil hindi siya naniniwala sa forever simulang naghiwalay ang mga magulang niya. Isa siyang magaling na...