Chapter 18

1.2K 43 0
                                    

Pagkarating sa ospital ay hindi binibitawan ni Gael ang kamay ko hanggang makarating kami sa isang hospital room pero hindi dito ang kwarto ni Isaac. Nakita ko ang pangalan nakapaskal sa tabi ng pinto.

Glenda Albani.

Dito siguro nakaconfined ang mama niya.

"Ano ang ginagawa natin dito?"

"Gusto kita pakilala sa kanya." Binuksan na niya ang pinto at nauna na siyang pumasok sa loob. May isang babae ang nakahiga sa hospital bed at maraming apparatus ang nakakabit sa kanya. Grabe rin dahil buto't balat na lang siya.

"Siya ba ang mama mo?"

"Yes." Maiksing sagot ni Gael sa akin. Noong panahon wala pang sakit ang mama niya ay sigurado akong maganda siya kaya siguro siya ang pinakasalan ni tito Nick kaso ang kwento ni Gael sa akin noon ay nahuli siya ng papa niya na may nakatalik na ibang lalaki.

Napansin kong dumilat siya at tumingin sa gawi namin ang mama ni Gael.

"Nandito ka pala, Gael." Nahihirapan siyang magsalita at tumingin naman siya sa akin. "Sino iyang kasama mo? Girlfriend mo?"

"She is not my girlfriend." Grabe naman ang lalaking ito. Sana naman sinabi na lang niyang girlfriend. Pero sino pa nga naman ang niloloko ko? Wala naman kaming relasyon ni Gael. "But she is the mother of my son."

"Mother of your son? Hindi ko alam may apo na pala ako. Alam na ba ng dad mo ang tungkol diyan?" Mabilis naman umiling si Gael.

"Not yet. Hindi ko pa sinasabi sa kanya tungkol sa anak ko dahil ayaw ko ng commitment."

Bakit ako nasasaktan sa mga binibitawang salita ni Gael sa mama niya? Bakit ba ako umaasa na papasok siya sa isang seryosong relasyon? Ang sakit pala umasa. Sana hindi na lang bumalik sa buhay ko si Gael para hindi ako nasasaktan ng ganito.

"Naiintindihan ko kung bakit ka ganyan ngayon. Dahil sa nangyari noon."

"Yes, it's all your fault." Napatingin ako bigla kay Gael dahil sa sinabi nito. Sinisisi niya ang kanyang ina sa nangyari. "Pero pasalamat ka ay hanggang ngayon mahal ka pa rin ni dad. Kung hindi ay baka tuluyan na kayong hiwalay na dalawa."

"Hindi ba siya naghanap ng ibang babae?"

"Ni minsan ay wala ibang babae si dad dahil trabaho at bahay lang ang ginagawa niya araw-araw. Hindi siya katulad mo."

"Gael, ano ka ba." Saway ko sa kanya. Hindi naman ito ang tamang panahon para ilabas niya ang lahat na sama ng loob sa mama niya.

"It's okay, hija. Naiintindihan ko naman kung bakit galit ngayon sa akin si Gael."

"Pero ito lang ang sasabihin ko sayo mas hindi kita mapapatawad kapag hindi ka gumaling sa sakit mo. Ngayon pa ay alam ni dad ang nangyari sayo ngayon kaya gagawa siya ng paraan para mapagamot ka lang." Sabi niya sabay hila sa kamay ko palabas ng kwarto.

"Bakit ka ba ganyan ah?" Tanong ko sa kanya kaso wala akong nakuhang sagot mula sa kanya. Napansin kong nagpahid siya ng kanyang mata. Umiiyak ba siya? Unang beses ko siya nakitang umiyak ay kagabi lang. "Gael.."

"I'm fine."

"You're not fine. Alam ko kung gaano ka nasaktan sa nangyari but still she is your mother. Siguro nga marami siya pagkukulang sayo pero dapat hindi mo iyon sinabi sa kanya."

"You don't know anything, Eina. Hindi mo alam kung gaano kasakit ang maging broken family dahil sa ginawa niya kay dad."

Siguro nga wala akong alam sa nangyari sa buhay niya dahil hindi naman broken family ang meron ako. Pero hindi naman tama ang sinabi niya kanina lalo na sa ganoong sitwasyon. May sakit ang mama niya.

Pumuwesto ako sa harapan niya at niyakap siya. Binaon niya ang kanyang mukha sa leeg ko. Naawa rin ako sa sitwasyon niya ngayon.

"It's okay to cry. Tandaan mo ay palagi ako nandito sa tabi mo." Hinaplos ko ang kanyang buhok. Para tuloy ako yung ina niya na dinadamayan ang anak ko ngayon.

"I'm sorry kung umiyak ako ngayon."

"Ayos lang ang umiyak dahil alam ko naman nasasaktan ka sa nangyari ngayon." Pinunasan ko na ang kanyang luha at halatang umiiyak nga talaga siya dahil nagmumugto ang mga mata nito.

Tumuloy na nga kami sa kwarto ni Isaac at pinauwi ko na muna si mama sa bahay dahil kami na muna ang magbabantay sa anak namin. Binigay na nga ni Gael ang mga damit na dapat ibibigay niya kay Isaac noon.

"Salamat po, kuya Gael."

Kuya Gael? Bakit hindi tito?

Napatingin naman ako sa kanya at kitang kita sa mukha niya kung gaano siya kasaya. Umupo ako sa gilid ng kama ni Isaac habang hinahaplos ko ang pisngi niya.

"Isaac, hindi ba tinatanong mo ko kung saan ang daddy mo?"

"Opo." Masiglang sagot sa akin ni Isaac. "Pewo ang sabi niyo po sa akin noon ay nasa malayong lugar si daddy."

Binaling ko ang tingin kay Gael habang nakaupo ito sa couch. Nakatingin rin pala siya sa akin at binalik ko ulit ang tingin kay Isaac.

"Actually, wala sa malayong lugar ang daddy mo."

"Saan po siya?"

Tumingin ulit ako kay Gael na ngayon ay lumalapit na siya sa amin.

"Isaac." Tawag niya sa anak namin kaya nilingon naman siya ni Isaac.

"Kayo po ba ang daddy ko?" Dahan-dahan naman tumango si Gael at iyon ang kinatuwa ni Isaac. Nakilala niya rin niya ang kanyang ama.

Nagising na lang ako kinaumagahan ay nakahiga na ako sa couch. Hindi ko namalayan nakatulog pala ako habang binabantayan ko si Isaac.

Nakangiti lang ako habang pinagmamasdan ang mag-ama ko ngayon. Kitang kita sa mukha ni Isaac ang saya.

"Ano ang ginagawa niyong dalawa?" Tanong ko sabay upo sa couch.

"Ano po tawag dito, daddy."

"Origami. Tinuturuan ko si Isaac kung paano gumawa ng origami." Nilagay naman ni Gael ang hawak niyang origami sa isang bilog na table. "Bumili ako ng breakfast kaya kumain ka na."

Kinuha ko ang phone ko ay laking gulat ko noong makita ang oras. Shit! Late na ako sa trabaho.

"Tinawagan ko si Red kanina na hindi ka makakapasok ngayon dahil nasa ospital ngayon si Isaac." Napatingin ako sa kanya. Talaga bang ginawa niya iyon? Hindi ako makapaniwala mapapayag niya si sir Red. "At gusto ko rin naman makasama ng matagal ang anak natin."

Lumapit na ako sa table kung nasaan ang binili niyang pagkain. Napatingin ako sa mga origami na gawa niya. Puro flower origami ang mga ito. May isang swan origami.

"Kinausap ko na rin pala ang doctor ni Isaac." Tumingin ako sa kanya habang kumakain. "Ang sabi niya ay pwede na daw lumabas si Isaac mamaya."

Mabuti naman kung ganoon dahil kapag tumagal pa kami rito ay mas mapapamahal ang bayad namin sa hospital bills ni Isaac.

"Talaga po?" Napatingin naman siya sa kay Isaac.

"Yes pero hindi ka pa pwede maglaro sa labas at baka bumuka ang sugat mo sa ulo. Magpagaling ka na muna ah."

Napangiti ako sa nakikita ko ngayon dahil maging mabuting ama si Gael kay Isaac.

Her StalkerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon