Gael's POV
Sobrang abala namin ni dad rito sa karinderya. Mas lalong tumatagal ay mas lalong dumadami ang mga customers namin dito.
"Hindi mo ba susunduin si Eina ngayon?" Tanong sa akin ni dad.
"Marami pa tayong customers, dad. Hindi ko naman pwede kayo iwanan magisa dito kung ganito karami ang kumakain ngayon." Nagpupunas ako ng pawis dahil ang init dito sa kusina.
"Kahit sabihin ko naman na kaya ko naman ito pero kung matigas talaga ulo mo."
"Mana lang sa inyo." Natatawang sambit ko kay dad.
Lumabas na sa kusina si dad para nilinisin ang mga table sa labas.
"Gael, may bisita ka!" Tawag sa akin ni papa kaya kumunot ang noo ko. Wala naman akong inaasahang bisita ngayon ah.
Lumabas na ako ng kusina para alamin kung sino ang bisita na tinutukoy ni dad. Napangiti ako ng makita ko kung sino.
"Ano ang ginagawa mo rito? Ang aga mo naman lumabas sa trabaho mo ngayon."
"Maaga talaga ako nag-out ngayon dahil may pupuntahan tayo." Sabi niya na kinataka ko. Saan naman kami pupunta? Binaling naman ni Eina ang kanyang tingin kay dad. "Kasama rin po kayo, tito Nick."
"Huh? Ayaw ko maging 3rd wheel sa inyo, hija." Sabi ni dad na kinatawa naman ni Eina.
"Hindi naman po kami magde-date ni Gael. May pupuntahan lang po tayo."
Pagkatapos namin sa karinderya ay nagasikaso na kami ni dad para sa pupuntahan daw namin. Sumakay na kami sa kotse ko para punatahan na iyon kung saan man. Nakapagtataka dahil ang pinupunta naming direksyon ang dati kong agency. O baka may iba pa kaming pupunta na kapareho lang ng daan.
Bumaba na kami sa isang tabi dahil ang sabi ni Eina ay dito na lang daw kami bumaba.
"Pikit niyo ang mga mata niyo." Kumunot ang noo ko sa inasal ni Eina ngayon. Kung pipikit namin ang mga mata namin ay wala kami makikita.
"Hija, saan mo ba kami dadalhin? Papakidnap mo ba kami?" Napailing ako ng ulo.
"Hindi po. secret. Malalaman niyo rin po kung saan. Basta isara niyo na ang mga mata niyo." Sinunod na lang namin ang sinabi ni Eina baka kasi tumagal pa kami rito sa pinagtatayuan namin. "Wala sililip ah."
Ramdam ko ang paghawak ni Eina sa isang kamay ko at siguro hawak din niya ang kamay ni dad para alalayan kami kung saan man kami dadalhin ni Eina ngayon.
"Okay. Pwede niyo na buksan ang mga mata niyo." Sabi ni Eina kaya binuksan ko na ang mga mata ko. Napatingin ako sa isang building. Hindi siya literal na building lang dahil sa itong restaurant. "Surprise! Nagustuhan niyo ba?"
"Eina, what's this?" Takang tanong ko sa kanya. Bakit niya kami dinala ni dad sa isang restaurant?
"Actually, kinausap ko si papa noong isang araw na bilihin yung lupang binebenta mo." Napakurap ako sa sinagot ni Eina.
"Kayo ang nakabili? Dahil naalala ko yung nakausap ko noon ay binili daw ng kanyang boss. Ang akala ko nga siya ang bumili noon. Pero bakit?"
"Dahil doon sa sinabi mo na gusto mong magpatayo ng restaurant para kay tito Nick."
"Plinano mo iyon na hindi mo lang sinabi sa akin. Hindi mo naman kailangan ibenta ang agency mo para lang sa restaurant."
"Ayos lang iyon, dad. Alam ko naman gusto niyo rin magkaroon ng sariling restaurant." Tumingin ulit ako kay Eina at niyakap ko siya. "Thank you."
"Wala iyon." Hindi ko mapigilan ang sarili ko na halikan si Eina ngayon. Wala akong pakialam kung nandito si dad. Biglang may tumikhim kaya napahiwalay ako kay Eina at laking gulat ko ng makita si tito Yuric.
"Yuric, salamat dito ah." Masayang pagsasalamat ni dad kay tito Yuric.
"Huwag ka sa akin magpasalamat, Nick. Plano lahat ito ni Eina."
"Hija, maraming salamat dito. Sobrang saya ko dahil magkakaroon na ako ng sariling restaurant siyempre sayo rin, Gael."
"Anything for you, dad. Gagawin ko lahat para makabawi sa inyo sa lahat na paghihirap para makapag tapos lang ako sa pagaaral."
"Pasok na tayo para makita natin ang loob." Sabi ni dad at nauna na siyang pumasok sa loob.
Nilibot na namin ang loob ng dati kong agency na ngayo'y restaurant na. Kumpleto na rin sa kagamitan kahit ang loob ng kusina ay kumpleto na. May kalan, refrigerator, mga utensils. Maliban na lang sa mga laman ng refrigerator.
"We should hire some staff dahil hindi na ito isang karinderya, Nick." Rinig kong sabi ni tito Yuric habang kausap niya si dad.
"Dapat konti pa lang ang kunin natin dahil nagsisimula pa lang ako sa restaurant."
"Yes. Doon naman nagsisimula ang lahat. Pakonti konti ay doon ulit kayo dumagdag ng ilang empleyado niyo. Kung nagkaroon ng problema don't hesitate to call me. Kahit bumalik na ako sa Paris. Handa akong tulungan ka."
"Hindi ko alam paano ako magpapasalamat sayo."
"Wala iyon. Malakas ka sa akin, Nick. Kahit noon pa man."
Masaya akong makitang masaya si dad dahil naabot na niya ang pangarap niya magkaroon ng sariling restaurant.
"Thank you." Masayang pagsasalamat ko kay Eina.
"Ilang beses ka na nagpasalamat sa akin."
"I can't thank you enough kahit marami ako naging kasalanan sayo at sa pamilya mo." Hinaplos ko ang pisngi ni Eina habang nakangiti.
"Papakita ko sayo ang magiging opisina ng boss." Hinawakan na niya ang kamay ko nasa pisngi niya at hinatak ako paakyat.
Ito ang dati kong opisina. Hindi ako makapaniwala na magiging maganda ang kalalabasan ng dati kong agency.
I can't thank her enough.
Parang gusto kong bumawi sa mga kasalanan na nagawa ko noon sa kanila. Nasaktan ko si Eina pero pinatawad naman niya ako.
"Eina." Pareho kami napalingon ni Eina noong marinig namin ang boses ni tito Yuric. "Can I talk to him for a moment?"
"Sige po pero huwag niyong sasaktan si Gael ah."
"Hindi naman ako ganoon."
Nagpaalam na si Eina sa amin at bumaba na siya para puntahan si dad.
"Ngayon napatutunyan kong mahal mo talaga ang anak ko. Umaga pa lang ay pumupunta ka ng ospital pa bisitahin si Eina habang hindi pa kami dumadating. Sorry sa mga salita na binitawan ko sayo noon."
"Ayos lang iyon, tito. Tinanggap ko naman ang mga masasakit na salita na binabatawan niyo sa akin dahil nasaktan ko noon si Eina. Nagsisi na rin ako sa nangyari."
"Kalimutan na natin ang nangyari noon."
"Pero isasama niyo pa rin ba sina Eina at Isaac pagbalik niyo ng Paris? Please, tito. Hindi ko kayang hindi makasama ng matagal ang mag-ina ko."
"Napag isipan ko ng mabuti ang sinabi ng asawa ko. Mas mabuti si Eina ang magdesisyon kung gusto ba niya talaga sumama pero sa tingin ko ay mas pipiliin niya nandito siya dahil kasama ka niya. She really loves you, Gael."
Hindi na ako nakasagot noong yakapin ako ni tito Yuric.
"Welcome to our family." Sabi niya habang tinatapik ang likuran ko.
"Thank you." Nakangiting sabi ko.
Siya na rin ang humiwalay sa amin.
"So, kailan niyo balak magpakasal na dalawa?"
"Magpopropose ulit ako sa kanya."
"Okay, inform me kung kailan baka kasi bumalik na ako sa Paris sa makalawa."
BINABASA MO ANG
Her Stalker
RomanceSiya si Gael Albani, kilala siyang certified playboy dahil paiba iba ang nagiging babae nito at wala sa vocabulary nito ang salitang commitment dahil hindi siya naniniwala sa forever simulang naghiwalay ang mga magulang niya. Isa siyang magaling na...