Chapter 32

1.1K 37 1
                                    

Pagkauwi ko galing ospital ay nakita ko si dad nakaupo lang sa may dining table habang may baso ng tubig sa harapan niya.

"Ayos lang kayo, dad?" Tanong ko kay dad nang makalapit na ako sa kanya. Inangat naman ng tingin sa akin ni dad.

"I'm fine. Nahilo lang ako kanina." Sagot niya sa akin kaya kumunot ang noo ko.

"Pagpahinga na kayo. Ako na ang bahala rito." Tinulungan ko na si dad tumayo para dalhin siya sa kwarto niya. I can't leave my father like this. Siya na lang ang natitirang pamilya ko. Wala ako ibang kamag anak dito sa Pilipinas at wala naman ako kilalang kamag anak sa Italy. "Kung nakaramdam pa kayo ng hilo ay dadalhin ko na kayo sa ospital."

"Ayos lang ako."

"No, kayo na nga lang natitirang kamag anak ko kaya huwag na kayo matigas ang ulo."

"Mana lang sayo." Tumawa ng mahina si dad sa akin. Nagawa pang magbiro sa kalagayan niya ngayon. "Ayaw ko naman kasi maging pabigat sayo, anak."

"Si dad talaga. Ako na nga ito ang naging pabigat sa inyo sa simula pa lang. Sige na pahinga na muna kayo at ako ang bahala sa karinderya ngayon."

Kainis nga hanggang ngayon ay hindi pa rin binibili yung lupa na dati kong agency. Gusto ko na kasi pagawa ng sariling restaurant si dad.

Abala ako ngayon sa karinderya ni dad dahil ang daming kumakain ngayon. Sabagay, tanghalian na kaya siguro maraming kumakain dito at saka sikat ang karinderya ni dad.

Habang naglilinis ng table ay nakita ko si dad naglalakad papunta rito kaya agad ko siya nilapitan.

"Bakit pa kayo pumunta rito? Sabi ko naman sa inyo ako na ang bahala."

"Alam ko. Gusto ko lang makita kung paano ka magtrabaho."

"Si dad talaga." Inalalayan ko si dad para maupo sa isang bakanteng table kung saan ako naglilinis kanina. "Para na rin ako nagtrabaho ulit sa isang restaurant nito. Imbes sa lahat ang trabaho ko sa restaurant ay taga luto ako doon pero dito lahat ng trabaho. Taga luto, hugas at linis."

"Wala ka magagawa dahil lahat iyan ay ginagawa ko."

"Bakit kasi ayaw niyo maghanap ng tutulong sa inyo rito sa karinderya?"

"Bakit hindi na lang ikaw?" Napatingin ako bigla kay dad sa tanong niya. "Wala ka rin naman ginagawa simulang binenta mo ang agency mo. Bakit mo kasi binenta yung lupa? Sayang yung ginastos mo para ipagawa lang yun."

"Ayos lang iyon. Gusto ko rin naman kayo makasama, eh." Ngumiti ako ng pilit kay dad. Mas close kasi ako kay dad kasi siya palagi ang kasama ko simulang naghiwalay sila ni mama. "Sige, simula ngayon ay tutulungan ko na kayo dito. Pero sa ngayon ay magpahinga na muna kayo ah."

"Okay na ang pakiramdam ko ngayon."

"Sige kayo. Kakausapin ko si mama na puntahan kayo sa panaginip para sermunan kayo." Biro ko kay dad. Sa tuwing matigas ang ulo ni dad ay palagi siya pinapagalitan ni mama.

"Huwag ganoon, anak. Mamimiss ko lang ang mama mo kapag dinalaw niya ako panaginip."

"Sus, miss niyo lang si mama sa tuwing sinesermunan kayo kapag matigas ang ulo niyo." Tumalikod na ako kay dad para bumalik sa loob. "Mana talaga ako sa inyo, dad."

"Aba. Siyempre, anak kaya kita. Alam ko naman iniidolo mo ko." Sabay tawa pa niya. Napailing ako ng ulo habang nasa loob ako ng kitchen.

Pero tama naman si dad. Iniidolo ko talaga siya kaya nagaral rin ako maging isang chef noon.

Kinaumagahan ay maaga ako nagising para magluto ng agahan namin ni dad pero bigla ko naalala ang pinangako ko kay Eina na lulutuan ko siya para matikman niya ang luto ko. Napailing na lang ako dahil masakit sa akin kapag naalala ko ang nangyari sa kanya.

"Good morning, anak." Napalingon ako sa likod dahil gising na si dad.

"Good morning, dad. Maupo na kayo diyan. Malapit na maluto itong pancake."

"Pancake for breakfast?"

"Of course. Ito lang ang madaling lutuin ngayon."

"Hindi ka ba pupunta sa ospital ngayon?" Tanong ni dad sa akin at nilapag ko na ang isang plato ng pancakes.

"Later. Pagkatapos ko kumain magaasikaso na ako mamaya. Saglit lang naman ako doon para makauwi ako agad para tulungan kayo." Kumuha na ako ng isang pancake para ilagay sa plato ko. "Musta na kayo?"

"Okay na ang pakiramdam ko ngayon kumpara kahapon. Pagod lang talaga." Napangiti ako kay dad dahil nagagalak akong marinig iyon.

Pagkatapos kumain ay dumeretso na muna ako sa flower shop para bumili ng bulaklak para kay Eina.

Almost 7 months na siyang walang malay ngayon. Pero hindi ako susuko sa kanya hanggang hindi pa siya gising.

Pagkarating ko sa tapat ng kwarto ni Eina ay bubuksan ko na sana yung pinto pero narinig kong may mga boses nasa loob.

"How's my daughter, doc?" Tanong ni tito Yuric sa doctor.

"Isang miracle ang nangyari sa anak niyo ngayon dahil nagising na siya." Napasinghap ako dahil gising na pala si Eina ngayon. Hindi ko kayang humarap sa kanya. "Sa ngayon ay hindi pa niya maigagalaw ang mga muscles dahil halos pitong buwan siyang coma. Hindi pa siya pwede tumayo o maglakad dahil mahina pa ang katawan niya."

Pagkatapos magsalita ng doctor ay lumabas na siya ng kwarto at napalingon naman ang doctor sa akin.

"Everything's fine, mr. Albani." Sabi ng doctor sa akin.

"Maraming salamat, doc."

"Kailangan ko ng umalis dahil marami pa akong pasyente." Tinapik niya ang balikat ko at umalis na rin siya.

"Papa, si Gael po?" Tanong ni Eina. God, I missed her voice. Ang akala ko ay hindi ko na maririnig pang muli.

"Why are you looking for that guy, Eina? Malaki ang kasalanan niya sayo. Kung hindi dahil sa kanya ay wala ka ngayon rito."

"Wala pong kasalanan si Gael sa nangyari. It's my fault kung bakit ako naaksidente noon."

"Pero iyon ang sinabi niya sa amin, Eina. Bakit parang pinapatawad mo na ang lalaking iyon? Pinatay niya ang bata nasa sinapupunan mo."

"Alam ko pong mahirap makalimutan nawala na yung bata sa sinapupunan ko ngayon pero ang importante ay buhay ako ngayon, papa."

Umupo ako sa upuan dito sa labas dahil hindi ko talaga kayang harapin si Eina ngayon. Bakit ako ang una niyang hinanap? Malaki ang kasalanan ko sa kanya.

Her StalkerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon