Pagkauwi ko sa bahay ay dumeretso ako sa kusina para kumuha ng beer sa refrigerator namin dahil gusto ko maglasing buong gabi at alam ko rin tulog na si dad sa ganitong oras.
Nagising na lang ang diwa ko noong may tumatapik sa akin pero hindi ko kayang imulat ang mga mata ko at sobrang sakit ng ulo ko ngayon dahil sa hangover.
"Gael, bakit ka dito natulog?" Narinig ko ang boses ni dad kaya kinusot ko na ang mata ko. "Ano nangyari? Bakit ka rin naglasing kagabi?"
"Sobrang sakit dito." Tinuro ko ang aking dibdib at pumatak na naman ang luha ko. Akala ko mawawala na ang sakit pero nandito pa rin. "Parang sinasabi na hindi ako karapat dapat mahalin dahil sobra akong nasaktan."
"Hindi totoo iyan. Nandito naman ako palagi para sayo at sinusuportahan pa kita sa lahat na bagay na gusto mo gawin sa buhay. Maybe she is not the one for you, son."
"I don't know what to do. After I found out my mother was ill." Nakita ko ang pagkunot ng noo ni dad. Right, he doesn't know I saw his ex wife.
"What are you saying? Glenda was ill?"
"Yes, may kumausap sa aking doctor kahapon na may cancer siya at stage 3 na. And I talked with him na i-diagnose siya para lumalakas lakas pero dad, hindi ganoon kadali kumuha ng malaking pera para ipangbayad sa hospital at diagnose."
Sakto lang ang pera ko para pangbayad ng hospital bill ni Isaac. Hindi ko inaasahan may sakit ang sarili kong ina.
"Magtulungan tayo para ipagamot si Glenda."
"Kahit hindi niyo sabihin sa akin pero sa nakikita ko mahal niyo pa rin si mama hanggang ngayon."
"Yes, because she is my first love. Siya lang ang babaeng minahal ko kaya ko nga siya pinakasalan noon."
"Alam ko rin nasaktan kayo sa nangyari noon kaya nakipag hiwalay ka kay mama."
"It's not literal separated. Wala akong annulment na binigay sa kanya dahil iyon ang hindi ko magawa ang tuluyang mawala siya sa akin."
"Paano niyo nalaman na si mama na ang babae para sa inyo?"
"I told you, she is my first love. Katulad mo, hindi ka naman masasaktan ng ganyan kung hindi mo naman mahal si Eina. Kilala kita, Gael. Ako na ang kasama mo for 15 years." Tinulungan na ako ni papa tumayo. "And look at you. You look wasted. Maligo ka na nga dahil nangangamoy alak ka na."
"Thanks, dad."
"Ang gawin mo na lang ay kausapin mo siya. Kailangan niyo pagusapan kung ano man ang naging problema kagabi ah."
"Maybe later. Pagtapos ko maligo at babalik ako sa pagtulog dahil masakit ang ulo."
"Ayan kasi. Inom pa. Hindi naman sa lahat na problema ay alak ang solusyon, anak. Pwede niyo naman pagusapan kung ano man iyang problema niyong dalawa. Sige na. Maligo ka na."
Pagtapos ako pagsabihan ng sarili kong ama ay naligo na ako para mabawas bawasan ang sakit ng ulo ko ngayon.
Nang natapos na ako maligo ay pinatuyo ko na ang buhok ko bago humiga sa kama. Isang gabi lang naman ako hindi humiga sa kama pero parang sobrang miss ko na ang malambot kong kama.
15 years ago noong nagkahiwalay ang mga magulang ko dahil nahuli ni dad na may katalik si mama na ibang lalaki. 16 years old pa lang ako noong panahong iyon at sumama ako kay dad dahil ayaw ko makita o maalala ang nangyari. Kahit nagiisa lang si dad ay nakikita kong nagsikap siya para lang pagtapusin ako sa pagaaral and I know he's proud because I graduated college kahit wala namang honor pero ang importante ay nakagraduate ako. Hindi naman ako katulad nina Red at David na matalino. Ako kaya yung tipong tamad magaral pero sa tuwing nakikita ko si dad naghihirap magtrabaho para lang may pangbayad ako sa tuition ko at may makain lang kaming dalawa. Doon na rin ako sumikap magaral para makagraduate at makahanap ng magandang trabaho. Bago ako nagkaroon ng sariling detective agency ay nagtrabaho na muna ako sa isang restaurant bilang chef. Pero noong nakaipon na ako ng pera ay doon ako nagpatayo ng detective agency dahil iyon talaga ang gusto ko gawin sa buhay. Ang maging isang detective. Kung hindi dahil sa akin ay hindi malalaman ni Red na si Tiffany pala ang babaeng hinahanap niya noon.
Nagising na lang ako medyo madilim na sa labas at napasarap ang tulog ko kaya bumangon na ako baka kasi nakauwi na si dad galing sa trabaho niya.
Pagbaba ko ng hagdanan ay kumunot ang noo ko sa aking nakita.
"What are you doing here?" Alam kong sinabihan ako ni dad na kausapin ko siya tungkol sa nangyari kagabi kaso hindi pa ako handa harapin siya dahil sa nangyari sa bar.
"I'm here because I want to talk with you. Hinintay kita sa lobby ng ospital kaninang umaga pero hindi ka pumunta. Kaya hinanap ko yung binigay mo sa aking calling card para puntahan ka rito but I saw your father at pinapasok niya ako rito."
"Where is he?"
"Nandoon sa may kainan dahil ang sabi niya ay para makausap tayong dalawa. Gael, I'm sorry kung naging pabigat na kami sayo. Alam kong may problema ka pa dahil nalaman kong may sakit pala ang mama mo."
"Kahit kailan ay hindi naging pabigat sa akin si Isaac dahil anak ko siya. Responsibilidad ko ang lahat dahil gusto ko bumawi sa kanya sa tatlong taon akong wala sa tabi niya."
Lumapit siya sa akin at hinawakan ang dalawa kong kamay. Hindi ko pinahalatang nagulat ako noong may nakita akong luha pumatak sa mga mata niya. Shit, ayaw ko pa naman makita siyang umiiyak.
"I'm sorry. Sorry sa lahat na kasalanan ko sayo. Kung nasaktan kita kagabi. Kaya ko lang naman kasama si Jay kagabi para makausap kami."
"Makausap? Sa bar? Sino niloloko mo, Eina? Hindi ako tanga. Ang dami pwedeng puntahan para magusap sa bar pa talaga." Nakangisi kong sabi pero naging seryoso na ulit ang mukha ko. Ayaw ko na magsinungaling sa sarili ko dahil ako rin pala ang masasaktan. Karma ko na rin siguro ito.
"Dahil malapit lang siya doon sa bar kaya naisipan ko doon na lang kami magusap. Maniwala ka sa akin, Gael, wala na kami ni Jay dahil humingi na siya ng closure para sa aming dalawa." Hinawakan niya ang magkabilaang pisngi ko pero mas kinagulat ko ay noong dumikit ang labi niya sa akin. Nang makabawi na ako ay tumugon na ako ng halik sa kanya. Pinalibot ko ang mga braso ko sa kanya para mas lumapit siya sa akin pero pinalo niya ang isang kamay ko.
"Oww.."
"Ang manyak mo talaga. Hinahawakan mo pa talaga ang pwestan ko." Ngumisi ako sa kanya bago hinalikan sa noo niya.
BINABASA MO ANG
Her Stalker
RomanceSiya si Gael Albani, kilala siyang certified playboy dahil paiba iba ang nagiging babae nito at wala sa vocabulary nito ang salitang commitment dahil hindi siya naniniwala sa forever simulang naghiwalay ang mga magulang niya. Isa siyang magaling na...