Gael's POV
After what happened before ay hindi na ako nagparamdam kay Eina. Nakikita ko talaga sa mga mata niya noon na galit siya sa nangyari. Sino ba ang hindi magagalit sa ginawa ko? She's different from the women that I sleep with. Not because she is the mother of my son but it really hard to explain.
Abala ako kumakain ng agahan kasama si dad. Abala naman siya sa pagbabasa ng dyaryo. Isa kasi iyon sa routine niya tuwing umaga, ang magbasa ng dyaryo.
"Dad.." Pagtawag ko sa kanya.
"Hmm?" Hindi man lang ako inabalang tingnan ng sarili kong ama.
"Paano ba mangligaw sa isang babae?" Hindi ko alam ang dahilan kung bakit ko iyon tinanong kay dad. Sabihin na lang natin I never court someone before. Ang mga babae ang nangliligaw sa akin para makuha lang ako pero hanggang kama lang naman sila. Nakita kong binaba ni dad ang hawak niyang dyaryo at tumingin sa akin.
"You're planning to court someone? Aba, binata na ang anak ko." Sumimangot ako sa sagot ni dad. "Sino naman ang malas na babae ang gusto mong ligawan?"
"Geez, thanks for supporting your own son." Bahagya natawa si dad sa sinabi ko. Minsan iniisip ko kung paano ko naging ama ang isang Dominique Albani.
"Sino ba ang gusto mong ligawan?"
"Wala naman ako sinabing may gusto akong ligawan. I just asked how to court someone." Nakita ko nirolyo na niya ang dyaryo at akmang hahampasin sa akin kaya sinangga ko na ng mga braso ko. "Okay, okay. Sasabihin ko na kung sino. Si Eina, dad."
"Seryoso na ba diyan? Alam mo naman anak siya ng matalik kong kaibigan."
"Yes, I'm sure of it. Gusto ko siyang ligawan ngayon."
"Do you love her?"
"I can't tell I love her but I think I like her. It's different kaya huwag niyo bigyan ng malisya."
"Binata na talaga ang anak ko. Sawakas. Okay, tuturuan kita kung paano mangligaw ng isang babae. First, you have to give her a flowers or chocolates. Second, dapat hatid-sundo mo siya sa trabaho. And more important dapat iparamdam mo sa kanya kung gaano siya ka-importante sayo." Patango tango lang ako habang nakikinig kay dad. "But Yuric told me may anak si Eina sa pagkadalaga. Are you willing to be the father of her child?"
Paano ko ba sasabihin kay dad ako ang ama ni Isaac?
"Handa naman ako tumayo bilang ama ng anak niya. I can stop being a playboy and make a serious relationship with her." Ngumiti ng malawak si dad na akala mo nanalo sa lotto.
"I'm so thankful because you met Eina. You are going to change your life."
Pagkatapos ko mag-agahan ay bumili ako ng chocolate para ibigay kay Eina. Sana nga patawarin niya ako sa ginawa ko noon. Papatunayan ko sa kanya na handa ako magbago para sa kanila ni Isaac.
Pagkarating ko sa DL Corp ay binati ako ng guard bago pumasok sa loob. Sumakay na rin ako sa elevator papunta sa department nila Eina. Pagbaba ko ay nakita ko siyang papasok sa loob pero hindi ko magawang tawagin siya. Alam kong galit pa rin siya sa akin. Until I saw her friend. Siya kasi ang madalas ko nakikitang kasama ni Eina.
"Excuse me." Humarap naman siya sa akin.
"Yes po, sir Gael?" Hindi na ako nagulat kung paano niya ako nakilala. Sigurado akong kilala sa kumpanya ni Red ang mga kaibigan niya lalo na papadalas ang punta ko rito noon para makita lang si Eina.
"Can you give this to Eina?" Inabot ko sa kanya ang isang box ng chocolate.
"Okay po."
Pumasok na rin siya noong kinuha niya sa akin ang box ng chocolate. Sana nga lang tanggapin niya yung chocolate. It's not expensive chocolate dahil wala naman akong pera para bumili ng mamahalin. Nakita ko sa glass wall na tinuro ako ng kaibigan niya at nakita ko rin kung paano niya ibigay doon ang chocolate. She still hate me.
My courting plan failed...
Pagtapos nangyari sa DL Corp ay bumalik na muna ako sa detective agency ko kasi ilang araw na rin ako hindi pumapasok.
"Good morning, sir." Bati ng assistant ko sabay kagat sa labi niya. I know she wants to seduce me. Tumango na lang ako sa kanya at pumasok sa loob.
Sumandal ako sa pader pagpasok ko sa loob. Fuck, lalaki lang ako at may needs din. Tatlong taon na ako walang kinakamang babae.
"Come in." Sabi ko nang may narinig akong katok.
"Hi, sir. Do you like some coffee? Or me?" Malanding tanong niya sa akin kaya kunot noo akong napatingin sa kanya. Napalunok na rin ako ng makita ko ang cleavage niya.
"Tigilan mo ko." Binalik ko na ang tingin sa binabasa kong magazine. "Kung ayaw mo mawalan ng trabaho ay umalis ka na sa harapan ko."
"Hindi mo pwedeng gawin iyan dahil alam ko naman napapaligaya kita. I know you want me too."
Pumikit ako habang huminga ng malalim bago tingnan siyang muli.
"You're fired!"
"What?!" Halata sa mukha niya ang pagkagulat.
"I said you're fired. Kaya makakaalis ka na dito at ayaw ko ng makita ang pagmunukha mo."
Lumabas na nga siya sa opisina ko at padabog pa ngang sinarado ang pinto. Ang lakas pa ng loob magdabog ng pinto. Tsk.
Hinilot ko ang sentido dahil kailangan ko tuloy maghanap ng bagong assistant ngayon.
Napatingin ako sa phone ko noong tumunog iyon. A message from Red. Himala nag-text sa akin si Pula.
From Pula;
Hey, bukas na ang birthday ni Sarah. Wanna come with us?
To Pula;
Sino naman ang kasama?
From Pula;
Theo, Blue at ako. At saka pagkaalam ko kasama na ni Dave si Sarah ngayon dahil busy daw siya bukas.
Ang tatlong knight in shining armor ni Sarah. Si Sarah ang kapatid ni Red at nagiisang babae sa kanila kaya todo bantay ang mga kuya nito sa kanya.
From Pula;
I'm not sure if I can join. May kailangan pa akong asikasuhin bukas.
From Pula;
Babae?
To Pula;
No, matagal na rin naman ako walang babae. Mas priority ko na lang ang anak ko.
From Pula;
What a big word. Si Gael Albani ba itong kausap ko ngayon?
To Pula;
I'm serious, Pula. Gusto ko magbago para hindi masaktan si Isaac kapag nalaman niyang isa pa lang babaero ang ama niya.
From Pula;
So, your child's name is Isaac. Good luck for that.
BINABASA MO ANG
Her Stalker
RomansaSiya si Gael Albani, kilala siyang certified playboy dahil paiba iba ang nagiging babae nito at wala sa vocabulary nito ang salitang commitment dahil hindi siya naniniwala sa forever simulang naghiwalay ang mga magulang niya. Isa siyang magaling na...