Chapter 31

1.1K 36 0
                                    

After what the doctor said yesterday ay namatay ang bata sa sinapupunan niya. I wasn't expected she's really pregnant. Ano na lang ang ihaharap ko sa kanya pagkagising niya? I killed an innocent.

Ang sabi rin ng doctor stable na ang kalagayan ni Eina pero comatose siya ngayon. Mas natatakot ako sa pwede mangyari kay Eina ngayon. May chance na hindi siya magising dahil sa nangyari.

Pagpunta ko sa ospital ay dumeretso ako sa private room ni Eina dahil mga ilang araw lang siya sa ICU ay nilipat na siya sa isang private room. Nagdala na rin ako ng flowers.

Pagkabukas na pagkabukas ko ng pinto ay ang walang malay na si Eina ang bumungad sa akin. Binaba ko na muna ang flowers na dala ko sa isang table bago lumapit sa kama ni Eina. Iniisip ko na lang ay natutulog lang siya ngayon at kahit anong oras ay magigising siya.

"Eina." Hinawakan ko ang isang kamay niya. Tanging ingay lang nagmumula sa machine ang maririnig. "I know you can't forgive me for what I did to you. Pinagsisihan ko ang lahat. I'm sorry for hurting you. I'm sorry because of me the baby didn't survived. I'm sorry for everything, Eina. Gumising ka na para kay Isaac dahil hinihintay ka na niya."

Kahit hindi ko pa nakakasama ulit si Isaac ay alam kong hinihintay na siya ng bata. Alam ko rin hinahanap na rin siya.

"I don't want your forgivess pero ang importante ay magising ka na." Tumalikod na ako saka pinunasan ang luha na kanina pang pumapatak. Sana ako na lang ang nasa pwesto niya ngayon.

Kinuha ko na ang vase nasa side ng kama ni Eina para palitan ng flowers at nilagyan ko na rin ng tubig.

Lumabas na rin ako pagkatapos kaso nagulat ako sa nakita ko. I'm not ready for this. Kunot noo lang siyang nakatingin sa akin. Alam kong galit sa akin ang pamilya ni Eina dahil sa nangyari.

"What are you doing here?"

"Yuric." Saway ni tita Marissa.

"No, Marissa. Because of him kung bakit nandito ngayon ang anak natin." Binaling ulit ni tito Yuric ang tingin sa akin kaya yumuko ako. I know he's mad at me. Tatanggapin ko ang galit niya sa akin. "Hindi porket anak ka ni Dominique ay mapapatawad na kita sa nangyari. Pinagkatiwala ko sayo ang anak ko pero ito ang ginawa mo sa kanya! You almost kill her at hindi lang iyon hindi namin alam kung kailan magigising si Eina ngayon. May chansang mawala sa amin ang anak namin!"

"Yuric, tama na."

"Mas mabuti pang ilayo ko na sayo ang mag-ina mo!" Napaangat ako ng tingin kay tito Yuric. Ilalayo sa akin ang mag-ina ko? Hindi ko kayang mawala sa akin si Eina. "Kung alam ko lang ganito ang mangyayari kay Eina ay sana pa lang sinama ko na siya sa Paris."

"Gael, umalis ka na. Ako na ang bahala rito." Sabi ni tita Marissa.

Hindi ako makaimik sa nangyari kanina. Sa akin sinisi ni tito Yuric ang nangyari kay Eina ngayon kaya hindi ko siya masisi. Tama naman siya dahil kasalanan ko naman talaga.

"Yuric, what was that? At talaga bang ilalayo mo si Eina at ang anak nila sa ama niya? Isaac needs his father."

"Dahil iyon ang tama. Isasama ko si Eina at Isaac sa Paris para doon sila magsimula ng kanilang buhay."

"Hindi ako papayag sa kagustuhan mo dahil si Isaac ang mahihirapag kapag pinalayo mo sila mag-ina kay Gael. Si Eina dapat ang magdesisyon kung gusto ba niya lumayo kay Gael o hindi."

Nalaman na kasi ni tito Yuric na ako ang ama ni Isaac dahil sinabi ni dad sa kanya noon. Laking tuwa pa nga si tito Yuric noong nalaman niyang anak ng matalik na kaibigan niya ang ama kaya pumapayag siya noon sa pagpapakasal namin. Pero binigo ko lang naman siya ngayon.

Napapadalas pa rin ang pagdalaw ko kay Eina pero mas inaagahan ko ang punta para hindi ko makasalubong si tito Yuric o kahit sino sa pamilya ni Eina ngayon.

I keep saying sorry on her kahit alam ko naman hindi niya ako mapapatawad sa nangyari. Hindi na rin ako umaasa gagawin ni Eina iyon sa akin.

"I missed you." Hinalikan ko siya sa noo ko bago pinalitan ang flowers sa vase at lumabas na rin agad sa kwarto.

Iyon ang ginagawa ko araw-araw. Ako na rin nagpapalit ng bulaklak sa vase pati tubig.

Sa tuwing dumadalaw ako ay may dala ako palaging bulaklak para kay Eina.

Umaasa ako isang araw ay magigising siya. Alam kong hindi niya iiwanan si Isaac dahil kailangan pa siya ng anak namin. Masyado pang bata si Isaac para mawalan ng ina. Ayaw ko maranasan ni Isaac ang naranasan ko noon. Ayaw ko mapapalitan ng saya sa mukha niya ng lungkot kapag nakita ko iyon ay mas lalo akong nasasaktan.

Pumunta ako sa karinderya ni dad at umupo sa bakanteng table.

Napaangat ako ng tingin noong may humawak sa likuran ko.

"Kumain ka na muna. Hindi ka pa kumakain kaninang umaga." Sabi ni dad at may nilapag siyang risotto sa harapan ko.

"Wala akong gana kumain ngayon." Sabi ko habang nakatingin sa risotto. "At alam niyo naman na ayaw ko ng Italian food tapos ito ang ipapakain niyo sa akin."

"Tumigil ka. Pumunta ka noon sa Italy at sigurado akong Italian food ang kinain mo doon dahil wala ka masyado makakain doon maliban sa Italian food."

Natahimik ako dahil tama naman si dad. Puro Italian food nga ang kinain ko sa Italy noong nagbakasyon ako. Kahit ayaw kong kumain doon ay wala akong choice kundi ang kumain ng Italian food kaysa magutom ako.

"Pero wala pa rin akong gana kumain ngayon." Nilayo ko ang risotto.

"Sakit ba ang hanap mo ngayon, Gael?"

Hindi na ako sumagot pang muli kay dad kaya pinatong ko na lang ang ulo ko sa table.

"Alam kong nasaktan ka sa nangyari pero hindi naman pwede ganito ka na lang lagi."

"What should I do? Ang magkamatay?"

"Don't you dare. Nawala na sa akin ang mama mo kaya ayaw ko kung pati ikaw ay mawala rin sa akin."

"Iyon na lang ang tanging naiisip ko ngayon. Ang magpagasa sa truck, tumalon sa bangin o baka naman mag-suicide na lang ako."

"Masasapok kita, Gael kapag ginawa mo ang bagay na iyan. Sa tingin mo ba matutuwa si Eina kapag nalaman niyang nagkamatay ka?"

"Siguro nga matutuwa pa siya dahil alam ko namang hindi na niya ako mapapatawad sa nangyari. Paano pa kaya kung malaman niyang pinatay ko ang bata sa sinapupunan niya?"

"Siraulo kang bata ka!" Hinampas ako ni papa ng dyaryo nakarolyo. "Hindi mo naman ginusto ganoon ang nangyari kay Eina. At malulungkot din ako kapag iniwanan mo ko. Iniwanan na nga ako ni Glenda tapos ngayon pati ikaw ay iiwanan na rin ako."

Tumingin ako kay dad at kitang kita sa mga mata niya ang lungkot. Alam ko puro sakit lang ng ulo ang binibigay ko kay dad noon dahil pasaway naman talaga akong anak. Palagi rin ako dinadala sa principal's office noong nagaaral pa ako dahil sa kalokohan ko noon.

Her StalkerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon