Chapter 17

1.2K 37 0
                                    

Pinagmamasdan ko lang ang mukha ni Gael habang nakapilit ito. Alam ko naman gising siya dahil sumasagot siya kapag kinakausap. At hindi naman ako nagsisi na may nangyari ulit sa amin dahil ginusto ko rin naman kaso ang gusto ko sana yung ako lang babae niya pero alam ko naman isang babaero siya. Hindi ko naman kayang baguhin ang ugali niyang iyon. Tanggap ko na rin kung ano talaga ako sa buhay niya. Katulad rin ako sa mga babae nakama na niya at ina ng anak niya.

"Gael." Tawag ko sa kanya pero isang ungol lang ang sinagot niya sa akin. Pakiramdam ko ay umiinit ang buong katawan ko. Hinaplos ko ang mukha niya at pinagmamasdan ang matangos niyang ilong, kilay, pilik mata at... napalunok ako noong tumingin na ako sa mga labi niya para bang nang aakit na halikan ko. "Gusto ko sana na magtulungan tayo sa bayarin sa ospital ni Isaac. Huwag mong solohin ang lahat. Nandito naman ako at may ipon ako."

"Gusto ko lang naman bumawi sa kanya." Sagot niya habang nakapikit pa rin.

"I know pero alam ko naman kailangan niyo pagamutin ang mama mo." Nakita ko ang pagngiti niya at hinila niya ako para yakapin. Naramdam ko para bang may tumutusok sa may tyan ko.

"Thank you."

"Iyon naman ang dapat natin gawin para suportahan si Isaac. Mga magulang niya tayo."

"Hindi iyon ang ibig kong sabihin kaya ako nagpapasalamat sayo..." Umangat ako ng tingin sa kanya dahil nakadilat na pala siya at nakatingin rin sa akin. "Dahil kung hindi ka dumating sa buhay ko ay siguro ganoon pa rin ang tingin ko sa mga babae."

Iyon pala ang gusto niyang sabihin kaya siya nagpasalamat sa akin. Akala ko pa naman nagpasalamat siya dahil tutulungan ko siya sa gastusin sa ospital na dapat ako ang gumagawa. Siya kasi ang may gusto ilagay ang anak namin sa isang private room. Ang mahal pa naman kasi ng private room.

"At napagdesisyunan ko na ipapakilala na kita kay Isaac."

"Sigurado ka?" Mabilis akong tumango sa kanya dahil siguradong sigurado na ako sa desisyon ko. Ito na rin naman ang tamang panahon para makilala ni Isaac ang ama niya.

"Oo, ito na rin naman ang tamang panahon para makilala ka ni Isaac dahil hindi naman habang buhay ay magsisinungaling ako sa kanya kahit madalas ka naman niya nakikita. Alam ko naman noong huling bisita mo sa kanya ay binigyan mo na naman siya ng laruan."

"I'm sorry. Kahit alam kong sinabihan mo siya na huwag tumanggap ng regalo sa taong hindi naman niya kilala."

"Ayos lang. Nakikita ko naman masaya siya sa mga binibigay mo sa kanya na hindi ko pa kayang ibigay kay Isaac."

"Wait, may kukunin lang ako." Bumangon na siya at naglakad patungo sa cabinet niya.

Tinakpan ko ang katawan ko ng kumot nang umupo na ako sa kama niya at siya naman nakatayo sa harapan ko na wala man lang saplot sa katawan. Hindi lang man nahiya ang lalaking ito parang sanay na sanay maglakad na nakahubad. Napalunok ako noong makita ko ang kanyang pagkalalaki na sumasaludo. My God!

"Gael, magbihis ka na nga muna." Nahihiya kong sabi sa kanya at paniguradong namumula na ang pisngi ko.

"Why? Ngayon ka pa nahiya makita ang katawan ko. Eina, huwag kang umarteng virgin ka pa dahil may nangyari na sa atin at may Isaac pa tayong dalawa."

Aba't bastos talaga ang lalaking ito ah. Sarap kutusan.

"Anyway, here. I want to give this to Isaac pero tinanggihan niya kaya tinago ko na lang." Inabot niya sa akin ang isang paper bag at tiningnan ko ang lahat ng paper bag na iyon. May tatlong damit. "Hindi ko alam kung magugustuhan ba niya iyan o hindi."

"Sigurado akong magugustuhan niya ito dahil paborito niyang cartoons ang design ng damit."

"Really? Hindi lang pala laruang kotse ang gusto niya. Kahit rin pala ang tatlong bears." Tumango ako sa kanya. We Bare Bears rin naman kasi ang paboritong palabas ni Isaac at palagi niya ito pinapanood kahit napanood na niya sa internet. "Masaya ako dahil magugustuhan niya itong ibibigay ko."

"Mukhang magiging spoiled sayo ang anak mo ah."

"Magbihis ka na because I really want to see him." Sabi niya sabay kuha ng damit namin nakakalat sa sahig at nagsuot na rin kami. "Um, Eina."

"Bakit?" Napatingin ako sa kanya habang inaayos ko ang sarili.

"Sana hindi ka nagsisi sa nangyari sa atin kanina. But you have to believe me, hindi ka katulad sa ibang babae." Lihim akong ngumiti sa kanya. Sana nga mabago ko ang isang Gael Albani talaga. Hindi naman ako susuko agad.

Sabay na kami bumaba ng hagdanan pero biglang umingay ang sikmura ko dahil sa naamoy kong pagkain. Nakakahiya.

"Seems like you're hungry. Kain na muna tayo bago tumuloy sa ospital." Hindi na ako sumagot dahil pumunta na kami sa kusina at nakita ko ang papa ni Gael nagluluto ng hapunan nila.

"Gael, siguraduhin mong gumamit ka ng protection kanina dahil kapag may bunga ang ginawa niyong dalawa ay hindi ako papayag na hindi kayo mapakasal." Pakiramdam ko ay umakyat ang dugo ko sa ulo at pulang pula na ako ngayon. Alam ng papa niya ang nangyari sa amin ni Gael kanina.

Pero mukhang wala pang alam ang papa niya ang tungkol kay Isaac. Sabagay, kahit rin naman si papa ay walang alam na si Gael ang ama ni Isaac.

"Si dad talaga."

"Sinasabi ko lang sayo dahil malalagot ka sa akin bata ka." Natawa ako ng mahina at kitang kita ang closeness nilang dalawa.

Pagkatapos namin kumain ay nagpaalam na kami sa papa niya at sumakay na kami sa kotse.

"Wala pa pala alam ang papa mo tungkol kay Isaac."

"Sabi ko nga sayo noon malalagot ako kay dad kapag malaman niyang nakabuntis ako noon. Alam ko kasi kapag nalaman niyang may anak na ako ay ipapakasal niya ako sa ina ng anak ko kaso hindi pa nga ako handa sa ganoong bagay."

Ngayon ba ay handa ka na?

Ayaw ko naman tanungin siya dahil ayaw ko rin namang masaktan kung ano ang magiging sagot niya sa tanong kong iyon.

Her StalkerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon