Chapter 11

1.3K 39 0
                                    

Naging maayos na ang kalagayan ni Isaac ngayon pero hindi pa siya pinapayagang umalis ng ospital baka daw bumuka ang sugat niya sa ulo. Malikot pa naman ang anak ko talagang bubuka ang sugat niya sa pagkakataon.

Pumasok na rin ako sa trabaho kinabukasan dahil may mga kailangan pa akong asikasuhin ngayong araw.

Napatingin ako ng may nakita ako isang box ng chocolate sa table kaya napaangat ang tingin ko kay Giovanni.

"Bakit ka nagbigay ng chocolate sa akin? Ano meron?"

"Napag utusan lang akong ibigay sayo iyan."

"Sino?" Tinuro niya ang nasa likuran niya kaya tiningnan ko kung sino tinuturo ni Giovanni. Kumunot ang noo ko kung sino. "Hindi ko kailangan iyan. Kung gusto mo sayo na lang."

"Sigurado ka, girl?"

"Oo. At hindi rin naman ako madadala sa chocolates." Binalik ko ang tingin sa monitor ng computer. "Bumalik ka na rin sa pwesto mo bago pa malaman ng big boss natin ang tungkol dito."

Kinuha na nga ni Giovanni ang chocolate at bumalik na siya sa pwesto niya.

Hindi ko alam kung ano hirap intindihin sinabi ko sa kanya noon na ayaw ko na makita ang pagmumukha niya. At sigurado naman akong nakakaintindi siya ng Tagalog.

Alam niyang kung saan ako nagtatrabaho dahil kumpanya ito ng kaibigan niya.

Pagtapos ng trabaho ko ay dumeretso na ako sa ospital para palitan na si mama. Alam ko naman kasing pagod na siya dahil kahapon pa nagbabantay si mama kay Isaac.

"Mommy!" Masayang masaya ang anak ko pagkakita sa akin.

"Nandito ka na pala, Eina." Hinalikan ko sa pisngi si mama.

"Ako na po muna ang bahala rito, mama. Umuwi na muna kayo sa bahay at magpahinga."

"Sige. Pero tawagan mo ko kung may kailangan ka ah." Tumango ako kay mama at nagpaalam muli sa amin ni Isaac.

"Musta ang pakiramdam mo ngayon, baby?" Umupo ako sa isang silya malapit kay Isaac at may napansin akong new toy car. Sino naman bibigay sa kanya niyan?

"Bored na po ako, mommy pero mabuti na lang bumisita si kuya Gael para ibigay sa akin itong bagong toy." Bumuntong hininga ako dahil ngayon lang ako sinuway ng anak ko. Hindi naman ako pwede magalit sa kanya dahil bata pa si Isaac. "Mommy, sowwy po kung sinuway ko kayo."

"No, it's okay. I know how you like cars." Ngumiti ako ng pilit sa anak ko.

I'm glad hindi siya nagpakilala kay Isaac bilang ama nito dahil sa nangyari ay ayaw kong pakilala siya kay Isaac.

Nakaramdam ako ng gutom pero hindi ko naman pwedeng iiwanan magisa si Isaac dito sa hospital room niya.

Napalingon ako sa may pinto nang bumukas iyon at niluwa si kuya Jake. Bumisita ang kapatid ko ngayon ah.

"Alam kong hindi ka pa kumakain, Eina kaya ako na muna ang magbabantay sa anak mo." Sabi ni kuya Jake sa akin pero nakasuot pa siya ng lab coat, ibig sabihin hindi pa tapos ang shift niya.

"Alam ko naman busy ka sa trabaho."

"It's okay. Wala pa naman akong pasyente ngayon kaya kumain ka na muna."

"Salamat, kuya."

Nagpasya na lang ako sa hospital canteen kumain para hindi malayo. Pagtapos ko kumain ay babalik na ulit ako sa hospital room ni Isaac kaso may isang familiar akong nakita. Ano ang ginagawa niya rito? Nakita ko rin may kausap siyang doctor.

Pagkatapos niyang kausapin ang doctor ay nagulat siyang makita ako pero nawala rin agad iyon at nilagpasan ako. Nakita sa mga mata niya kanina para bang malungkot siya.

Bumalik na ako sa hospital room ni Isaac at nakita ko ang mag-tito ay naglalaro. Kitang kita ko kay Isaac kung gaano siya kasaya habang naglalaro silang dalawa.

"Nakabalik ka na pala." Tumango ako kay kuya Jake at binaling niya ang tingin kay Isaac. "Magpagaling ka, Isaac."

"Okay po, tito."

"Kailangan ko na rin bumalik sa trabaho. Kung may kailangan ka tawagan mo lang ako ah." Pinanood ko lang ang pagaalis ni kuya Jake sa kwarto.

Umupo ako sa gilid ng kama ni Isaac at hinahaplos ang buhok niya.

"Baby, gusto mo ba makilala ang daddy mo?"

"Gusto po. Pewo ang sabi niyo sa akin nasa malayong lugar si daddy."

Alam ko naman hindi habang buhay ay maitatago ko kay Isaac kung sino ba talaga ang ama niya. Makikilala at makikilala talaga niya si Gael bilang ama nito.

Soon, anak. Papakilala ko sayo ang daddy mo kapag naayos na ang lahat.

Gusto ko lang malaman kung nararapat ba talaga siya. Ayaw ko naman kasi masaktan ang bata dahil sa pinag gagawa ng kanyang ama. Walang alam sa buhay kundi ang magpasarap lang. Ni hindi nga naging seryoso sa isang relasyon dahil hanggang kama lang naman ang mga babae niya. Hindi ko nga alam kung ilang babae na ba ang nabuntis niya maliban sa akin.

Sa tuwing iniisip ko ang ganoong bagay ay nakakaramdam ako ng kirot sa dibdib ko. Wala dapat akong pakialam sa lalaking iyon kung ano ang gusto niyang gawin sa buhay. Kahit ilang babae pa ang mabuntis niya.

"Mommy, bakit po kayo umiiyak?" Tanong ni Isaac at tumingin ako sa kanya na may namumuong luha sa gilid ng kanyang mata. Hindi ko alam umiiyak na pala ako kanina. Agad ko naman pinahid ang luha ko.

"May dumi lang pumasok sa mata ko." Kahit sa anak ko ay nagawan ko na rin ang magsinungaling. Kay papa nga wala pa rin siyang ideya kung sino ang ama ni Isaac. Kung meron panigurado akong pipilitan niya akong pakasalan ang ama ni Isaac kahit ayaw ko. Hindi ko naman kasi pwede suwayin ang gusto ni papa para sa amin. Mabuti nga lang hindi niya pinakialam ang pangarap namin ni kuya Jake. Kaya nga hindi ko magawang sabihin kay papa ang totoo ang anak ng kaibigan niya ang ama ni Isaac.

"Huwag na po kayo iyak." Hinalikan niya ako sa pisngi kaya napangiti na lang ako sa ginawa mg anak ko.

"Hindi umiiyak si mommy. May dumi lang talaga pumasok sa mata ko, baby."

Hindi ko alam kung bakit ako umiiyak ngayon. Sa anong dahilan? Wala naman akong dahilan para umiyak na lang bigla. Hindi naman ako baliw para umiyak ng walang dahilan.

Her StalkerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon