Chapter 5

1.4K 66 4
                                    

Gael's POV

It's already more than a months kaya nakuha ko na rin ang matagal ko ng gustong malaman. Ang resulta ng pagiimbestiga ko kahit nga rin ang DNA test result. And damn, ayon sa DNA test result ay positive lahat na resulta namin ng batang iyon. Ibig sabihin ay anak ko nga talaga siya.

Napahilamos ako ng mukha gamit ng palad ko ng may kumatok sa pinto.

"Come in." Sabi ko kaya bumukas ang pinto.

"Sir." Napaangat ako ng tingin. Ang assistant ko lang pala ang kumatok. "May gusto pong kumausap sa inyo. Papasukin ko ba?"

"Okay. Papasukin mo na siya." Utos ko sa assistant ko.

"Sir, pwede na po kayo pumasok sa loob." Rinig kong sabi ng assistant ko.

"Salamat." Narinig ko rin ang boses ng kausap niya. Hindi familiar sa akin ang boses na iyon at nakita ko na siyang pumasok sa loob pero laking gulat ko makita kung sino ang nasa harapan ko ngayon.

"How may I help you, mr. Suarez?"

Damn! Ano ang ginagawa ng kapatid ni Eina dito?

"May gusto ako pahanap sayo pero wala akong alam kung ano ang pangalan niya o kung ano itsura." Napalunok ako ng ilang beses. Ako ba iyon? Kung ako iyon ay baka balatan niya ako gamit ang scalpel.

"Paano naman kita matutulungan kung hindi mo kilala ang taong pinapahanap mo sa akin?" I need to be act normal. Sana nga lang hindi niya mahalatang kinakabahan ako ngayon. Baka nga magkatotoo ang iniisip na babalatan niya ako gamit ang scalpel kapag nalaman niya ako ang nakabuntis sa kapatid niya.

"You're right. Hindi rin kasi alam ng kapatid ko kung sino ang ama ng anak niya." Napalunok ulit ako.

Oh my fucking shit! Ako nga ang pinapahanap niya.

Inabot ko sa kanya ang blue folder nakapatong sa table ko kaya iyon ang dahilan ang pagkunot ng kanyang noo. Hindi ko rin alam kung bakit ko binibigay sa kanya ito.

"What's this?" Kinuha na niya ang blue folder na inabot ko.

"Open it para malaman mo ang nilalaman niyan." Sabi ko. Bahala na kung ano ang magiging resulta kapag nabasa na niya ang laman ng imbestiga ko.

Sinunod naman niya dahil binabasa na niya ang bawat nakasulat na impormasyon sa investigation ko tungkol kay Eina Suarez at sa anak nitong si Isaac Suarez.

"So, you're telling me ikaw ang nakabuntis sa kapatid ko?" Kunot noo nakatingin sa akin ang kapatid ni Eina.

"I'm sorry--"

"Sorry? That's bullshit, detective Albani. Hindi ko alam ang lalaking gusto kong mahanap ay nasa harapan ko na pala."

"Wait. Kumalma ka na muna, okay? Wala akong alam na may anak ako sa kapatid mo. Matagal na rin ang una at huling pagkikita namin and I think 3 years ago pa iyon. Alam kong may nangyari sa aming dalawa pero wala akong ideya may bunga. Maniwala ka sa akin, mr. Suarez."

"Kailangan mong pakasalan si Eina."

What?! Papakasalan ko? Anak ng... Wala sa plano ko magpakasal sa mga babaeng nakatalik ko pero damn, may anak ako sa kanya.

"I-I don't know if I can do that." Umiwas ako ng tingin sa kanya dahil mas lalo akong kinakabahan, eh. "Kung ang sarili mong kapatid pa ang umiiwas sa akin."

"I thought my sister doesn't know you. Pero kahit na!" He slammed his both hands on my table kaya napakurap ako at tumingin sa kanya. "Kailangan mo pa rin pakasalan ang kapatid ko kung ayaw mo ipapakulong kita."

"W-W-Wait a minute. Give me some time to talk with your sister first. Kasal ang pinaguusapan na dito pero handa naman ako tumayong ama ni Isaac."

"Fine. Pero kapag nalaman kong may ibang babae kang kinakasama lagot ka sa akin."

"Siguro nga ako ang ama ng anak niya pero paalala ko lang sana sa inyo wala kaming relasyon ni Eina ka--" Hindi natapos noong himanpas niya ulit ang table. Yung table! Mahal ang bili ko nito.

Nakahinga na ako ng maluwag noong umalis na siya. Grabe naman ang pagbanta sa akin ng kapatid ni Eina para bang papatayin na ako noon. Mabuti nga lang wala siyang dalang scalpel kundi binabalatan na niya ako ng buhay kanina.

"Hi, sir. May kailangan po ba kayo?" Malanding tanong ng assistant ko. Inaamin kong maganda siya kahit ang sarili kong assistant ay ginalaw ko. Ganoon ako, eh. Isang dakilang babaero at hindi seryoso sa mga babae.

"Umalis ka sa harapan ko. Kung ayaw mo ikaw ang papatayin ko." Sumimangot ito dahil sa inasal ko ngayon. Wala ako sa mood makipag landian na kahit sino.

Matagal na nga rin ako walang babae kasama kaya 3 years na akong tigang.

Pumunta ako sa club ngayon para uminom at makalimutan ang nangyari kanina sa detective agency ko. Damn it. Kung hindi lang kilala ang pangalan ng Jake Suarez na iyon bilang isang doctor ay baka isipin kong professional killer siya na hindi alam ng kapatid niya.

Marami rin magagandang babae ang lumalapit sa akin pero tinatanggihan ko sila. Damn, ano ba itong nangyayari sa akin ngayon? Hindi naman ako ganito dati bago may nangyari sa amin ni Eina. Inaamin kong kasalanan ko ang nangyari sa amin dahil hindi ko alam virgin pa siya. Ang akala ko binigay na niya sa boyfriend niya. Mas hindi ko rin alam may bunga ang gabing iyon.

"Boss, isa pa ngang vodka." Sabi ko doon sa bartender.

"Coming up, sir."

Habang naghihintay ako sa inorder kong vodka ay napatingin ako sa bagong dating na dalawang babae. Shit, what she's doing here? At nakatingin rin siya sa akin. Hindi lang iyon namumutla pa ang kanyang mukha.

"Giovanni, pwede bang lumipat na lang tayo ng ibang pwesto?"

"Bakit? Maganda naman dito, Eina at saka occupied na lahat na table dito maliban rito." Sagot ng kanyang kasama.

"Sir, here's your vodka." Inabot na sa akin ng bartender ang inorder kong vodka.

"Thanks." Nagsimula na ako uminom pero biglang uminit ang katawan ko lalo na magkatabi lang kaming dalawa. Nakita kong umiinom lang siya ng orange juice. "Why you didn't tell me?"

"What are you talking about, mister?" Humarap siya sa akin. Sa dami kong nakilalang babae pero sa kanya lang ako naattract ng ganito.

"Oh, right. You don't know my name yet. I'm Gael Albani." Nilahad ko ang kamay ko for asking a handshake pero tiningnan lang niya iyon. "Nangangalay na ako, ms. Eina Suarez."

"P-Paano mo nalaman ang pangalan ko? Sino ka ba?"

"Nagpakilala na ako sayo kanina kinalimutan mo na agad ang pangalan ko." Sabi ko habang umiinom ulit ng vodka.

"No, I mean--" Hindi ko tinapos ang gusto niyang sabihin dahil alam ko naman ang gusto niyang tanungin sa akin.

"I'm a detective. Ako lang naman ang may ari nagiisang detective agency dito sa Pilipinas. Ang Albani Detective Agency."

"Pwede bang magusap na lang tayong dalawa yung hindi ka na lasing."

"Sure. Siguraduhin mo lang sasabihin mo sa akin ang lahat dahil kapag nagsinungaling ka sa akin ay hindi mo magugustuhan kung paano ako magalit." Nakita ko ang paglunok niya. Kinuha ko na rin ang wallet ko para kunin ang calling card at inabot sa kanya. "Here's my calling card. Tawagan mo na lang ako kung kailan mo ko gusto kausapin."

Nagiwan na rin ako ng pera sa counter bago pang umalis ng tuluyan sa club. Gusto ko na rin kasing umuwi at matulog. Maybe I should leave my car here for tonight dahil hindi naman ako pwede magmaneho ng lasing.

~~~~

Kaway kaway sa nagbabasa ng Agent series! 👋👋👋

Kasama rin si Jake sa Agent series ah. But his story is not available yet.

Her StalkerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon