Chapter 2

1.6K 46 0
                                    

Pagkahatid ko kanina kay David ay pumunta ako sa isang park and this unusual for me dahil hindi ako pumupunta sa isang park katulad nito. Hanggang sa nakita ko yung batang lalaki na binigyan ko ng toy car.

Wala yata ang lola niya.

Nagpasya akong lumapit sa kanya habang hawak ang isang paper bag. Ito ang mga damit na binili ko para sa kanya. Sana nga lang tanggapin niya.

"Hello." Nakangiting bati ko doon sa bata kaya napatingin siya sa akin.

"Hello po."

"May ibibigay ako sayo." Inabot ko sa kanya ang paper bag na hawak ko pero tinitigan lang niya iyon. "Ayaw mo ba?"

"Sowwy po. Ayaw ko naman pong magalit sa akin si mommy. Pinagbawalan niya po ako tanggapin ang binibigay mo sa akin, mista." Napasimangot ako sa sinabi ng batang ito. Tama naman siya. Hindi dapat siya tumatanggap na regalo sa isang tao na minsan lang niya nakilala.

"I'm not a bad guy. Hindi ba nagpakilala na ako sayo noong huling pagkikita natin?" Tumango siya sa akin.

"Pero nakalimutan ko po ang pangalan niyo. Sowwy po." Natawa na lang ako. Nakikita ko talaga ang sarili ko sa kanya.

"Detective Gael Albani. Tawagin mo na lang akong kuya Gael."

"Isaac!" May narinig akong familiar na boses. It is been 3 years at ngayon ko lang ulit narinig ang boses na iyon. Hindi ako pwede magkamali.

"Mommy!" Tumakbo ang batang lalaki na kausap ko. Isaac pala ang pangalan niya.

"Hindi ba ang sa--" Nagtama ang paningin naming dalawa. Para bang nanigas ang buong katawan ko noong malaman kung sino ang ina ng batang lalaki. Walang iba kundi si Eina Suarez ang huling babae na naikama ko dahil wala na akong dinalang babae sa hotel o kahit saan maliban lang sa bahay.

"Mommy?"

"Huh?" Tumingin naman siya sa anak niya.

"Siya po yung sinasabi ko sa inyo nagbigay sa akin ng toy car." Tinuro ako ni Isaac. "May gusto rin po siyang ibigay sa akin pewo hindi ko tinanggap. Sabi niyo po huwag ako tumanggap galing kay mista."

"Hindi ka rin pwede kumausap sa taong hindi mo kilala. Tara na." Hinila niya ang kamay ni Isaac at naglalakad palayo sa akin.

Hindi ako makapaniwalang may anak na siya. Mukhang kailangan ko ng pakialaman ang profile ni Eina Suarez dahil kailangan ko malaman kung sino ang ama ni Isaac ngayon kilala ko na kung sino ang ina niya.

Sana tama ang hinala ko ngayon.

Kinuha ko ang phone ko sa bulsa noong nag-vibrate iyon and I saw Red's name.

"Sup?" Bungad ko pagkasagot sa tawag niya.

"Ang balita ko ay may anak ka na daw." Kumunot ang noo ko. Paano nalaman ni Red ang tungkol doon? Hindi kaya sinabi ni David sa kanya?

"I'm not sure yet. Magsisimula pa lang ako magimbestiga kung anak ko ba talaga siya."

"Paano mo naman gagawin iyon? Ni hindi ka nga marunong sumunod sa taong sinusundan mo na hindi nila mapapansin."

"Fuck you, Red! Magagawa ko ang trabahong ito na hindi malalaman ng ina ng bata! Ako yata si Detective Albani at malinis ako gumawa ng trabaho ko." Hindi ko sinasadyang napataas ang boses ko kanina kaya napatingin sa akin ang mga taong dumadaan.

"Okay. Relax lang, Gael. Good luck. At sino ba yung malas na babae nabuntis mo?"

"Tangina mo! Kung wala kang magandang sasabihin ibaba ko na itong tawag."

"Ang init ng ulo mo. Nagtatanong lang ako."

"Eina Suarez."

"What?! Hindi mo talaga pinatawad ang empleyado ko. Kaya pala humingi ng matagal na leave sa akin and I almost fired her. Kinausap lang ako ni Tifa huwag kong tanggalin si ms. Suarez sa trabaho dahil kailangan niya ito. Gael, payo ko lang sayo kapag nalaman mo ang katotohanan na may anak ka sa kanya ay tumino ka na at huwag ka na maghanap ng ibang babae. Tumayo kang bilang ama ng bata dahil kapag nalaman niyang isang babaero ang ama niya ay baka masaktan lang siya."

Natahimik ako sa sinabi ni Red. Kaya nga ayaw ko ng ganitong sitwasyon kung positive nga ang nagiging resulta ng imbestiga ko. Ayaw ko ng commitment dahil pwede mangyari mabuntis ko ang isang babaeng naikama ko at isa pa hindi ako naniniwala sa salitang forever simulang naghiwalay ang mga magulang ko. Nahuli ni dad na may katalik na ibang lalaki si mama kaya nauwi sa hiwalayan ang mga magulang ko at sumama ako kay dad. Kahit magisa lang si dad ay nagawa pa rin niyang pagtapusin ako sa pagaaral. Kaya simula noon hindi ako nagseryoso sa isang relasyon at hindi ko naman maiiwasan kung sila ang lumalapit sa akin. Ang palay na nga ang lumalapit sa manok. Bakit pa ba ako tatanggi?

But when I met Eina Suarez ay nagbago ang lahat. Hindi na ako umaaliw sa mga babaeng nakakasama ko sa club. Siya na nga ang huling babae nagalaw ko simula na may nangyari sa amin.

"Basta Gael, balitaan mo na lang ako kung may nakuha ka ng impormasyon kung sayo nga yung bata. If not, marami naman diyang babae pwede maging ina ng anak mo."

"Tsk. Hindi ko kailangan ng babae sa buhay ko. Alam mo naman ayaw ko ng commitment."

"I have to go dahil tinatawag na ako ni Tifa."

"Wala ka bang pasok. I know you, Pula hindi ka umaabsent na walang dahilan."

"Hindi ako pumasok ngayong araw dahil ayaw ako papasukin ni Tifa. She is pregnant to our 3rd child."

"Wow. Tibay mo, Pula. Ang akala ko hanggang kay Gaia lang kayo pero nasundan niyo pa rin."

"Siyempre, sharpshooter ito. Pero last na talaga ito dahil ayaw ko naman magalit sa akin si Tifa. Sige na. Ibaba ko na itong tawag." Binaba na nga ni Red ang tawag kaya napabuntong hininga ako.

Pinulot ko na muna ang paper bag nasa lapag bago pa ako sumakay sa kotse ko.

Paguwi ko sa bahay ay nakaamoy ako ng masarap na amoy. Wala naman tao rito sa bahay maliban sa amin dalawa ni dad at isang chef ang ama ko.

"You're here, son. Kumain ka na ba?"

"Not yet pero wala akong gana ngayon." Sabi ko at pumanhik sa taas.

Nilagay ko ang paper bag sa loob ng cabinet. Next time ko na lang ibibigay kay Isaac kapag nalaman kong tama ang hinala ko ngayong araw. May posibilidad anak ko si Isaac kay Eina.

Kung mangyari iyon ay kailangan ko ng iwasan ang pagiging babaero ko.

Hindi ka na rin bumabata, Gael. You're already 31 for fucking sake!

Her StalkerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon