Nandito lang ako sa bahay namin noong pagkalibing na kay mama. Ni hindi na nga ako lumabas ng bahay o pumapasok sa trabaho simula nawala siya.
Kami na lang talaga ni dad ang magkasama ngayon.
"Gael, nasa ibaba ang mga kaibigan mo." Sabi ni dad sa akin. Bumangon na ako sa pagkahiga ko sa kama para puntahan ang mga kaibigan ko.
Nandito nga talaga sila. Kahit si Red nandito rin kahit akam ko naman busy siya sa trabaho at pamilya niya.
"Ano ang ginagawa niyo rito?" Umupo ako sa harapan nilang dalawa.
"We want to give you this, pre." May inabot na isang folder sa akin si David dahilan kumunot ang noo ko. "Sorry kung hindi namin sinabi ni Red ang tungkol diyan sayo."
"What is that?" Kunot noo akong nakatingin sa kanila.
"Open it to know what's inside of that folder, Gael." Sabi ni Red sa akin. Kinuha ko na ang folder para alamin ang laman nito. Mas kumunot ang noo ko sa mga nababasa ko.
"How can this happen? Wala akong alam na mayaman pala ang pamilya ni mama." Nilingon ko si dad sabay tango niya sa akin. Ibig sabihin totoo ang lahat na ito. Isang mayaman ang pamilya ni mama. "Can you tell me the truth, dad?"
"I'm sorry, son. Hindi namin sinadyang itago namin ang tungkol diyan sayo. The truth is, her father doesn't like me for his daughter dahil isa lang naman kusinero ang ama ko at mahirap lang kami. Kaya siguro ang iniisip ng lolo mo na baka pera lang ng pamilya nila ang habol ko. Hindi ako ganoong klase ng tao dahil minahal ko ng buong buo ang mama mo at hindi ko iniisip na langit siya, lupa naman ako. Isang gabi ay tinakas ko ang mama mo at pinakasalan ko siya na walang alam ang mga magulang namin. Bumalik kami noong pinanganak ka na niya kaya wala na rin magagawa ang lolo mo at pinakasal na kami ng mama mo sa simbahan. Kaso hindi tinanggap ng mama mo ang pamana niya kaya sayo na lang pinangalan pero nilihim namin pareho sayo ang totoo."
Wala ako masabi pagkatapos kong marinig kay papa ang katotohanan.
Nagpaalam na ang mga kaibigan ko dahil iyon lang daw ang pinunta nila rito. Ang sabihin ang katotohanan. Sa haba ng panahon ay nilihim nila sa akin ang tungkol doon. Naghirap kami dahil ang akala ko ganito ang buhay namin pero iyon pala mayaman rin kami.
Kinagabihan ay nakaupo lang ako sa dining room habang nakapatay ang mga ilaw. Gusto ko rin siguro ang magisip na muna at umiinom ng beer pero may nagbukas ng ilaw kaya lang hindi ko inabala dahil alam ko naman si dad iyon.
"Shit!" Napaangat ako ng ulo noong nagmura si dad. "Aatakihin ako sa puso sayo, bata ka! Bakit ka ba nandito? At umiinom ka na naman ng beer na magisa."
"I want to be alone. That's all."
"May problema ba, Gael?" Umupo sa tabi ko si papa at kinuha ang isang can ng beer at binuksan niya iyon.
"After I heard the truth... I don't know." Sagot ko sabay inom sa beer. "Baka gusto niyo rin malaman ang katotohanan ang tungkol sa akin."
"Anong katotohanan iyon? May tinatago ka ba sa akin?" Huminto sa pagiinom si dad ng lumingon siya sa akin. Seryoso ang mukha niya ngayon.
"Who knows?" Kibit balikat lang ako sa kanya.
"Gael!" Bakas sa boses ni dad ang pagbabanta. I sighed.
"I have a son." Sabi ko at muling uminom ng beer.
"You have a son? Ako ba ang pinagloloko mo?"
"I'm serious. May anak na ako and I'm sorry for not telling you about this before. Natatakot lang akong aminin sayo baka ipakasal mo ko sa ina ng anak ko. You know how I hate commitments."
"Gael, pinagusapan na natin ang tungkol sa bagay na ito, diba? Bakit mo ito ginawa sa akin? Nauna pa talaga ang bata kaysa ang pagpapakasal mo." I know my father is mad at me. Mali naman kasi ang ginawa ko noon pero hindi naman ako nagsisi dumating sa buhay ko si Isaac dahil maliban kay Eina ay masaya rin akong makasama siya.
"I'm sorry. Isang aksidente lang naman ang lahat."
"Kahit isang aksidente ang nangyari ay kailangan mo pa rin pakasalanan ang ina. Who is the mother?" Seryosong tanong ni dad sa akin.
"Si Eina." Sagot ko. Bakas din sa mukha ni dad ang pagkagulat.
"I know how you love her kahit hindi mo sabihin sa akin, Gael. Hindi rin naman ako tutol kung ano ang meron sa inyong dalawa ni Eina at kaibigan ko naman ang ama niya. But are ready to get married with her?"
"Give me some time to think. Ang importante ay ginagawa ko naman ang responsibilidad ko bilang ama ng anak ko. And yes, I love her. I'm madly in love with her but I'm too scared."
"Natatakot ka saan?"
"Natatakot akong umamin sa kanya lalo na maraming kalalakihan ang umaaligid."
"Before it's too late. Pakasalanan mo na siya agad."
Napayuko ako dahil hindi ko alam kung magagawa ko nga ba ang sinabi ni papa sa akin ngayon. Ang pakasalan si Eina. Siguro nga inamin niya sa akin na mahal niya ako pero ako. Ni minsan hindi ko masabi sa kanyang mahal ko rin siya.
"Pwede bang palipasin na muna ito? After your wife died, I think it's not best idea to talk about marriage. Kung kami talaga ang para sa isa't isa ay doon ko na lang siya yayain magpakasal sa akin."
"Ano ang plano mo ngayon?"
"Babakasyon na muna ako."
"Saan ka naman pupunta?"
"Italy. Gusto ko puntahan ang lugar kung saan kayo lumaki ni mama."
"Venice?" Tumango ako kay papa dahil ayon sa kwento ni mama sa akin noong maliit pa ako ay lumaki sila ni dad sa Venice, Italy. Kaso pinanganak naman ako sa Rome, Italy at lumaki naman ako dito sa Pilipinas. Dito ko na rin nakilala sila Red.
"Pero huwag niyong sabihin kung may magtatanong kung saan ako matatagpuan." Tumango naman sa akin si dad bilang pag sasang ayon niya sa akin.
"Hanggang kailan ka doon?"
"I don't know. Maybe weeks, months or years. Depende na rin siguro kung gusto ko na bumalik."
"Kakaladkarin kita pabalik ng Pilipinas, Gael. Tama na ang ilang buwan." I chucked. Sineryoso naman ni dad ang sinabi ko. "I'm serious."
BINABASA MO ANG
Her Stalker
RomantiekSiya si Gael Albani, kilala siyang certified playboy dahil paiba iba ang nagiging babae nito at wala sa vocabulary nito ang salitang commitment dahil hindi siya naniniwala sa forever simulang naghiwalay ang mga magulang niya. Isa siyang magaling na...