Chapter 28

1.1K 37 1
                                    

Dahil wala pa naman bumibili ng lupa ng dati kong agency ay tinutulungan ko si dad sa karinderya namin. Malapit lang na kainan ito pero marami naman kumakain dahil masarap naman ang mga luto ni dad.

"Hindi mo pa ba susunduin si Eina sa trabaho niya?" Tanong ni dad sa akin habang nagpupunas ako ng table.

"Tumawag siya sa akin na mago-overtime daw siya sa trabaho ngayon. Kilala niyo naman si Red na kailangan matapos ang pinapagawang report sa oras ng deadline." Huminto ako sa ginagawa ko at humarap kay dad. "Susunduin ko naman siya mamaya."

"Ang laki na talaga ng pinagbago mo simulang nakilala mo si Eina, Gael." Nakangiting sabi ni dad sa akin.

"Mahal ko, eh. Ayaw kong mawala sa akin si Eina para bang hindi ko kayang mawala siya sa akin."

"That's good, anak."

Tinulungan ko na rin si dad dalhin sa bahay ang mga kaldero na pinaggamitan sa karinderya at nagpaalam na rin ako sa kanya na susunduin ko na si Eina.

Pagkarating ko sa DL Corp ay nakita ko na siya agad kaso may kausap siyang babae. Baka kasamahan lang niya sa trabaho yung kausap niya. Noong umalis na ang kausap ni Eina ay bumaba na ako ng kotse.

"Hi." Hinalikan ko siya sa pisngi pero hindi ako kinibo ni Eina. "What's wrong?"

"Ilang babae ang binuntis mo?"

"Huh?" Kunot noo ko siyang nilingon. Ano ang ibig niyang sabihin?

"Ilang babae ang binuntis mo?" Inulit niya ang kanyang tanong sa akin.

"Ikaw pa lang." Sagot ko. Si Eina pa lang naman talaga ang babaeng nabuntis ko at saka maingat ako sa lahat na ginagawa ko noon bago ko siya nakilala.

"Liar! May lumapit sa akin kanina at sabi niya may anak na daw kayo!" Kumunot ang noo ko habang pinaghahampas niya ang dibdib ko.

"Who?"

"Cheska ang pangalan niya."

Cheska?

Wala akong maalala na Cheska. Dahil siguro marami akong babae noon kaya hindi ko na maalala ang mga pangalan nila maliban kay Eina.

"Believe me, wala akong anak sa kanya at mas lalong--" Nagulat na lang ako noong binato niya sa akin ang singsing na binigay ko sa kanya noong nagpropose ako.

"Ang tanga tanga ko dahil nahulog ako sa isang katulad mo! Oo nga naman, isa ka nga namang babaero kaya imposibleng magseseryoso ka sa isang babae. Sino nga naman ako, diba? Isa lang naman akong nabuntis mo noon!"

"Eina, please. Makinig ka na muna sa akin."

"Save your excuses, Gael. Ayaw ko na marinig pa ang kahit anong kasinungaling mo! Mas mabuti pang huwag ka na magpapakita sa akin kahit kay Isaac."

"Eina!" Tawag ko sa kanya nang umalis na siya sa harapan ko.

Ano ba ang nangyari sa akin ngayon? Karma ko na siguro ito.

Bumalik ako sa bahay na sobrang frustrated nangyari ngayon. Hindi ko naman kilala kung sino ang Cheska na iyon. Kailangan kong alamin ang totoo kung sino ba talaga ang Cheska na iyon.

Kinaumagahan ay nagluluto na ako ng almusal namin ni dad ng may nagdoorbell.

Sino naman kaya ang magdodoorbell sa ganitong oras? 6:47 AM pa lang kaya.

Agad kong binuksan ang gate namin at isang babae ang bumungad sa akin. Who the hell is she?

"Gael Albani?"

"Yes?" Walang gana kong tugon sa kanya sabay pinag krus ang mga braso ko.

"Hindi mo na ba ako naalala? Ako ito si Cheska." Kumunot ang noo ko habang nakatitig sa kanya. Wala talaga akong maalala. Kahit ilang babae na ang nakasama ko noon ay maalala ko pa rin ang mga mukha nila pero kaso mahina naman ako magmemoryado ng mga pangalan. "Kaya ako nandito para pakilala sayo ang anak mo."

Napatingin ako sa batang babae habang nakatago ito sa likuran ng Cheskang ito. Wala ako naramdaman na kahit ano sa batang ito, hindi katulad kay Isaac nakaramdam ako agad na magaan ang loob ko sa kanya. Ngayon masasabi ko hindi ko anak ang batang ito.

"Do you have any proof na anak ko nga ang batang ito?" Tiningnan ko ang babae nasa harapan ko ngayon. Wala akong nakuhang sagot mula sa kanya.

"Bakit kailangan pa--"

"Wala kang proof na pwedeng ipakita sa akin kung anak ko ba talaga, miss. Okay, fine. Kung anak ko nga talaga siya papayag kang ipa DNA test siya."

"No." Kumunot ang noo ko habang nakatitig sa kanya. "I mean bakit kailangan mo pa gawin iyan?"

"Isa lang naman ang pwede mangyari. She is not my daughter. Pumunta ka pa sa kumpanya kung nagtatrabaho ang fiancee ko para sabihin sa kanyang may anak ako sayo kahit wala naman talaga. Nang dahil sayo nasira ang tiwala niya sa akin. What do you want? Money? Pasensya ka na dahil hindi kita mabibigyan ng pera kung iyon lang naman ang kailangan mo kung bakit ka nandito ngayon. Pati ang bata ay ginamit mo para sabihin sa aking anak ko siya. Kaya kung ako sayo, miss umalis na kayo bago pa ako tumawag ng pulis." Sinarado ko na ang gate at napahilamos ko ang mukha ko dahil umagang umaga ay nasira na ang araw ko.

"Gael, sino iyon?" Napatalon ako sa gulat biglang pagsulpot ni dad sa likuran ko. Gising na pala siya.

"It's nothing. That woman is crazy. Pinapalabas niyang anak ko yung batang kasama niya at noong hiningian ko siya ng proof na papatunay kung anak ko nga pero wala naman siya maipakita sa akin kahit yung sinabi kong ipapa DNA ko para malaman na wala akong anak sa kanya. Kay Eina lang."

"Alam ba ni Eina?" Tumango ako kay dad.

"Lumapit siya kay Eina kagabi, dad. Nagalit nga rin sa akin si Eina kagabi noong sinabi niyang may anak ako sa ibang babae."

"Ito na nga ba ang sinasabi ko sayo, hijo. Hindi lang isa ang pwede mong mabuntis. Hindi lang si Eina ang babaeng nabuntis mo."

"Dad! I'm sure si Eina lang ang babaeng nabuntis ko noon. Maingat ako sa mga ginagawa ko."

"Naniniwala naman ako sayo dahil alam ko naman na si Eina ang mahal mo. Subukan mong kausapin siya at sabihin ang totoo sa kanya."

"Ginawa ko na iyan kagabi, dad kaso ayaw naman niyang makinig sa akin at binalik pa niya ang singsing na bigay ko sa kanya noong nagpropose ako."

"Puntahan mo siya ngayon at suyuan mo. Ganoon ang gusto ng mga babae."

Hindi ko alam kung magandang ideya ba ang sinabi ni dad pero bahala na nga.

"Bago pa ka pumunta sa kanila ay magpagupit ka na muna at mag-ahit na rin ng balbas mo. Nagmumukha kang caveman sa itsura mo ngayon."

"Si dad talaga. Makapag insulto wagas. Pero ito lang ang masasabi ko sa inyo kung mukha akong caveman, ano tawag sa inyo?" Natatawang tanong ko kay papa. Mas natawa ako noong hindi na siya nakasagot sa akin.

"Ewan ko sayo bata ka. Ayusin mo na ang gulo nangyari sa inyong dalawa ni Eina."

Her StalkerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon