Chapter 14

1.2K 42 1
                                    

Tinawagan ko ang dalawa kong kaibigan kung pwede ba sila ngayon na sumama sa akin sa bar. I just want to drink. Nauna na rin ako sa kanila dito sa bar dahil wala pa kahit sino kila Red ang dumating. Umupo na rin ako sa bar stool malapit sa counter. We're always sit here everytime we are going to club or bar.

"Boss, isa ngang vodka." Sabi ko doon sa bartender.

"Coming up, sir."

"Bakit bigla yata ang pagtawag mo sa amin?" Napalingon ako na narinig ko ang boses ni David. He's here already.

"Why? Did I disturb your date with Sarah today?"

"It's not a date. We're having an early birthday celebrate and she also have a husband." Napakurap ako sa sinabi niya. Si Sarah may asawa na? All I know, bantay sarado siya ng mga kuya niya. Sino naman kaya ang naglakas loob lumapit sa tatlo niyang kuya?

"She's already married? Wow, I never expected to hear that. Ang alam ko bantay sarado ang tatlo niyang kuya sa kanya. Wala nga nagtatangka lumapit sa unica hija ng mga De Luca." Sinerve na sa akin ng bartender ang inorder kong vodka.

"Yes. If I remember correctly, his name is Rocco Hernandez. Naging kasama ko rin siya sa team ko pero bigla na lang siya umalis na hindi ko alam ang dahilan. And he is too old for Sarah."

"Whoa, ilang age gap?"

"Sa tingin ko 15 years ang age gap nilang dalawa."

Hindi ako makapaniwalang papayag ang mga kuya niya magpakasal ang kanilang magiisang kapatid na babae sa isang lalaki na malaki ang age gap. I know there is a reason. Kilala ko si Red dahil hindi siya agad papayag maikasal ang kapatid nilang iyon.

"Sorry I'm late. Ayaw kasi ako paalisin ni Tifa." Gusto ko matawa kay Red at mukhang under ang gago sa asawa.

"Pula, may alam ka na sa biglang pagpapakasal ni Sarah?" Tanong ko sa kanya.

"Yeah, si Theo ang may gusto ipakasal siya kay Rocco dahil nabuntis niya si Sarah." Namilog ang mga mata ko sa aking narinig. Seryoso? Tumingin naman si Red sa gawi ni David. "Musta naman ang pagsama niyo kanina ng kapatid ko?"

"Everything is fine. She always talks about her husband at sa nakikita ko naman inaalagaan siya nito."

"Kilala ko naman si Rocco dahil noong bata pa lang ako ay kilala ko na siya at matalik na kaibigan siya ni Theo."

"Ayos lang sayo, Pula?"

"Kahit ayaw ko ay wala na rin ako magagawa. Para maging buo ang pamilya ng magiging anak nila." Natigilan ako sa pagiinom noong naging topic na namin ang tungkol sa pamilya at mukhang napansin naman ni Red. "May problema ba, Gael? Hindi ako sanay na tahimik ka."

"Hindi rin ako sanay na wala kang kasama sa tuwing pumupunta tayo ng bar." Dugtong naman ni David.

"Mga gago. Gusto ko magbago para sa anak ko. Ayaw ko masaktan siya kapag nalaman niyang isa pa lang babaero ang ama niya."

"Kumpirma na ba iyan?" Tanong naman ni David sa akin.

"Matagal na, Dave. Kinausap ko na rin ang ina tungkol doon pero nagalit rin siya sa akin.."

"Ano naman ang ginawa mong kagaguhan ah?" Tanong ni Red habang umiinom. Hindi ko napansin nagorder pala siya ng maiinom niya.

"I don't want to remember. Let's not talk about it. Kaya ko kayo pinapunta ngayon dito para sabihin sa inyo nakita ko kanina si mama."

"Whoa, it's already 15 years. Musta na siya?" Pangungusta naman ni David.

"Ang laki nagbago sa kanya because she has a stage 3 cancer. Noong nakita ko siya kanina sa ospital ay laki ng pinayat niya and to help her. She needs diagnose as soon as possible."

"Malaking pera ang kailangan para sa diagnose ah. Saan ka naman kukuha ng pera? Hindi naman malaki ang nakukuha mong pera sa pagiging detective."

Exactly, isa pa iyan ang pinoproblema ko ngayon. Hindi ko alam kung saan ako kukuha ng pera para mapa diagnose ko si mama. Ayaw ko naman humingi ng tulong sa mga kaibigan ko lalo na kay Red dahil nahihiya rin naman ako.

"Kung pwede lang magnakaw ng pera sa bangko ay gagawin ko na." Biro ko sa kanila.

"Galunggong ka talaga. May kasama tayong police chief, oh!" Tumingin naman ako kay David. Nakalimutan ko na isa pa lang police chief ang isang ito. Nag-peace sign na lang ako sa kanya.

"Joke lang yun, pare. Hindi ko iyon gagawin."

"Kung gagawin mo talaga iyon ay ako mismo ang magpapakulong sayo, gago." Sabi nito sabay talikod sa bar counter at sumandal doon. "Gael."

"Hmm?" Tumingin ulit ako sa kanya.

"Hindi ba siya yung ina ng anak mo?" Lumingon ako para tingnan kung saan ang tinuro ni David. Kumunot ang noo ko dahil kasama niya lang naman ang ex boyfriend niya. "Bakit may kasama siya?"

"That's her boyfriend." Sagot ni Red.

"Correction, Pula. Her ex boyfriend. Nagkahiwalay na sila noong nalaman ng boyfriend na may anak na siya sa ibang lalaki. Sabi ko sayo dati maghihiwalay din silang dalawa."

"Plinano mo bang maghiwalay sila?"

Sana nga plinano ko ang lahat kahit ang pagkakaroon ng anak sa kanya. Pero hindi ko naman talagang plano ang lahat na ito. Masaya ang buhay ko noon kasama ang iba't ibang babae.

Sasagot na sana ako sa tanong ni Red pero kinalabit ako ni David sabay may tinuro na naman kaya napalingon ako at kumunot ang noo ko sa aking nakita. Fuck shit!

"Gael, saan ka pupunta?" Hindi ko na pinansin ang tanong ni Red dahil tuloy lang ako sa paglalakad palapit sa kanila.

Hinawakan ko ang balikat ng lalaking kasama ni Eina at noong paglingon sa akin ay sinalubungan ko siya ng isang suntok sa mukha. Pinagsusuntok ko pa siya ng ilang beses kaso inawat na ako ng dalawa kong kaibigan.

"Pre, tama na iyan. Panget na nga mas pinanget mo pa." Mahina lang ang huling sinabi ni David.

May isang bouncer ng bar na lumapit sa amin at si Red na mismo ang kumausap doon sa bouncer na ilayo sa akin ang kasama ni Eina kanina. Habang hawak pa rin ako ni David.

"Gael, ano ba ang problema mo?!" Galit na tanong ni Eina sa akin.

"Tsk." Hindi ako makapagsalita. Imbes ay may luhang pumatak sa mga mata ko. Sobrang sakit ng nararamdam ko ngayon para bang binibigyan niya ako ng dahilan para bumalik sa dati kong buhay. Kahit ang mga kaibigan ko ay nagulat noong makita nila akong umiiyak dahil ni minsan ay hindi pa nila ako umiyak.

"Ano?! Bakit hindi ka masagot ngayon?! Wala naman ginawang mali yung tao tapos bigla mo na lang siya sinu--"

"Dahil nagseselos ako kapag kasama mo ang ex mo! Oo, inaamin kong wala akong karapatan magselos dahil wala naman tayong relasyon! Pero sana man lang iniisip mo may anak ka na!" Binawi ko ang mga braso kay David at saka dinuro siya pero wala na naman lumalabas na kahit ano sa bibig ko. Pakiramdam ko tuloy hindi ako karapat dapat mahalin ng isang tao.

Bumalik na ako sa bar counter para magiwan ng pera at umalis na ako sa bar. Sobra sobra na ang sakit naramdaman ko ngayon.

Her StalkerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon