Umuwi na ako muna ako sa bahay dahil si mama na muna ang nagbabantay kay Isaac ngayon kaso hindi naman ako masyado makatulog kasi iniisip ko ang kalagayan ng anak ko ngayon. At hindi lang iyon may utang na loob pa tuloy ako sa ama niya na kailangan kong gawin para lang hindi mawala sa akin si Isaac. Tsk.
Sinusumpa ko talaga ang lalaking iyon! Sa daming lalaki sa mundo, bakit siya pa kasi ang naging ama ng anak ko?! Bwesit. Bwesit!
"Mukhang hindi maganda ang gising ng princess ko ah." Napakurap ako ng makarinig ng isang familiar na boses. Kumusot na rin ako ng mata baka sakaling nagmamalik mata lang ako ngayon. "Hindi ka nagmamalik mata, Eina. Nandito ako sa harapan mo ngayon."
"Papa!" Niyakap ko si papa sa sobrang sabik akong makita siyang muli. "I missed you."
"I missed you too. Nasaan pala ang mama mo ngayon?" Napalunok ako nang bumitaw ako sa pagyakap kay papa. "May problema ba?"
"Ano po kasi... um, nasa ospital si mama ngayon." Kumunot ang noo ni papa sa akin.
"Bakit? Ano nangyari sa mama mo?"
"Wala po. I mean, ayos naman si mama." Hindi ako makatingin ng maayos kay papa ngayon dahil kinakabahan ako kapag sinabi ko sa kanya ang tungkol kay Isaac.
"Ano naman ginagawa ng mama mo doon?"
"Um, sorry po." Mas lalong kumunot ang noo ni papa sa akin. "Huwag po kayo magalit sa akin kapag sinabi ko sa inyo ito. May anak na po kasi ako."
"What?! Bakit hindi ko alam ang tungkol diyan? Kasal ka na ba? Gusto kong makilala ang ama ng anak mo."
"Papa, huminahon na muna kayo. Aga-aga high blood na agad kayo. Breath in, breath out." Sinunod naman ako ni papa dahil huminga siya ng malalim. Pero kailangan ko ba sabihin kay papa kung sino ang ama ni Isaac? Kaso kilala ko si papa, eh. Kapag sinabi ko sa kanya kung sino baka ipakasal kaming dalawa. Ayaw ko! Si Isaac ang masasaktan dito kapag nalaman niyang maraming babaeng kasama ang ama niya. Papanindigan ko pa rin ba na hindi ko alam kung sino? Bahala na nga. "Hindi ko po kilala kung sino ang nakabuntis sa akin, papa."
"Ano? Eina naman. Hindi ka namin pinagtapos ng mama mo para mabuntis lang kung sinu-sinong lalaki diyan."
"Sorry po, papa."
"Wala na ako magagawa diyan dahil nandiyan na ang apo ko. Puntahan natin siya mamaya pero ngayon ay magbihis ka. Mamasyal tayong dalawa."
"Hindi po ba kasama si kuya?"
"Tinawagan ko si Jake kanina at ang sabi niya ay marami pa daw siya kailangan gawin sa ospital. Umuuwi ba ang kapatid mong iyon?" Mabilis akong umiling kay papa. "Inuubos na talaga ang oras niya sa trabaho. Baka pinapabayaan na niya ang sarili. Balak ko pa naman sana pakilala na sa kanya ang magiging asawa niya pero mukhang wala ng oras ang batang iyon. Oh siya, magasikaso ka na."
Namasyal kami ni papa sa mga lugar na madalas namin pinupuntahan noon maliit pa ako. Nakakahiya nga, eh. Tinuturing pa niya akong bata, may anak na nga ako lahat lahat pero bata pa rin ang turing sa akin ng sarili kong ama.
Pagtapos namin mamasyal ay pumunta na rin kami sa paborito naming restaurant kaso napansin kong huminto sa paglalakad si papa.
"Si Nick ba iyon?" I tilted my head. Sinong Nick? Nilagpasan ako ni papa para lapitan ang isang lalaki. Siya ba yung Nick? Siguro nga. "Nick?"
Humarap ang lalaking na hindi naman ganoon katanda kay papa pero teka, may kahawig siya ah. Hindi ko maalala kung sino.
"Yuric! Kailan ka pa nakabalik ng Pilipinas?"
"Kaninang madaling lang ako dumating. Ano pala ang ginagawa mo dito?"
"Niyaya kasi ako ng anak ko manood ng live basketball kanina at nagpasya na rin kami kumain ngayon pero may tumawag sa kanya kanina."
"Kasama ko pala ang bunso ko." Tinawag ako ni papa kaya lumapit na ako sa kanila. "Ito pala si Eina, ang bunso kong anak."
"Napakaganda talaga ng anak mo, Yuric."
"Siyempre, nagmana sa ama." Sabay tawa ni papa. Proud talaga siya kapag may nagsasabing gwapo o maganda sa amin ni kuya Jake.
"Dad, sorry kung natagalan ako." Napasinghap ako ng mahina noong marinig ko ang isang familiar na boses at napakagat labi ako nang makita kung sino. Huwag mong sabihin anak ng kaibigan ni papa ay si Gael?! Albani?!
"It's okay, son. Anyway, this Yuric Suarez and his daughter." Nakatingin lang sa akin si Gael na may ngisi sa mga labi nito. Pero in fairness, ang gwapo niya sa porma niya ngayon ah. Nagayos talaga siya ng itsura niya. Noon kasi mukha siyang caveman. "Ito naman ang nagiisang anak ko, si Gael."
"Hello, sir." Nilahad ni Gael ang kamay niya para makipag kamay kay papa.
"Nice to meet you, Gael."
"It's my pleasure."
Wala akong kaalam alam na magkakilala ang mga ama namin. May alam kaya si Gael tungkol dito? Kailangan ko siyang kausapin. At sana nga lang hindi niya sabihin kay papa na siya ang ama ni Isaac. Sisipain ko siya sa itlog.
Dahil ngayon lang daw ulit nagkita sila ng papa ni Gael ay niyaya na rin sila ni papa sumabay sa amin sa pagkain. Ako naman ay wala akong choice kahit ayaw kong makita ang pagmumukha ng lalaking ito.
"So, Gael, ano ang trabaho mo?" Tanong ni papa sa kanya.
"I'm a detective and I owned a detective agency."
"Hindi ka pala naging isang magaling na chef katulad ng iyong ama."
"Hindi ko naman pinigilan ang batang ito kung ano ang gusto niya sa buhay. Basta hindi sayang ang paghihirap ko para lang makapagtapos siya sa pagaaral."
"May asawa? O girlfriend?" Tanong ni papa kaso ako ang nahihiya sa tanong niya kay Gael, eh.
"No, sir. I'm still single. Ineenjoy ko pa po kasi ang buhay isang binata at wala pa sa plano ko ang pumasok sa isang relasyon o magpakasal."
"My daughter is single too. Bakit hindi na lang ka--" Hindi ko tinapos ang sasabihin ni papa dahil alam ko na ang gusto niyang mangyari.
"Stop it, papa. Nagsimula na naman po kayo."
"Why? Bagay naman kayong dalawa." Sabi ni papa. Tumingin naman ako kay Gael na may ngiting tagumpay sa mga labi nito ngayon. Humanda ka sa akin mamaya!
Nakaka gigil ka talaga, Gael Albani! Sarap mong ilibing na buhay!
"No! Ayaw ko po. Ang gusto kong pakasalan yung lalaking rerespetuhin ako at yung mamahalin niya rin ako."
"Wala naman masama kung kilalanin niyo ang isa't isa." Sabi naman ng papa ni Gael.
Napailing na lang ako at binaling ko ulit ang tingin kay Gael. Ano ba ang maasahan ko sa lalaking ito? Hindi nga mawala ang ngiti nito sa mga labi.
"Girlfriend na kita ngayon." He mouthed. Inikot ko ang mga mata ko sa inis. Kainis! Kadiri siya. Wala may gusto maging girlfriend niya. Yuck!
Kung isa itong panaginip. Sana magising na ako dahil ayaw ko na sa bangungot na ito.
BINABASA MO ANG
Her Stalker
RomanceSiya si Gael Albani, kilala siyang certified playboy dahil paiba iba ang nagiging babae nito at wala sa vocabulary nito ang salitang commitment dahil hindi siya naniniwala sa forever simulang naghiwalay ang mga magulang niya. Isa siyang magaling na...