Chapter 3

1.6K 46 1
                                    

Eina's POV

Bumaba na ako ng hagdanan pagkagising ko sa umaga pero laking gulat ko kung sino ang nandito.

"Kuya?" Hindi ako makapaniwala nandito ang kapatid ko. He is Jake Suarez, my elder brother. Isa siyang magaling na doctor kaya bihira ko lang siya nakikita umuwi sa bahay.

"Hey, sis. Musta na kayo ni mama?"

"Ayos naman kami ngayon."

"Ano na ang balita? Wala ka pa rin bang ideya kung sino ang ama ni Isaac ngayon?" Kunot noo tanong ni kuya Jake. Sa tuwing umuuwi si kuya Jake ay iyan ang tintanong. Ewan ko ba kung bakit gusto niya malaman ang tungkol sa ama ni Isaac.

"I don't know his name. Hindi ko na kasi natanong ang pangalan niya noong panahon na iyon, kuya. Kapag nakita ko siya ay ikaw agad ang sasabihan ko dahil mukhang gusto mo talaga malaman kung sino ang ama ni Isaac."

"Never mind. Kakausapin ko na lang ang kilala kong Detective para hanapin siya."

"Paano mo naman iyon gagawin? Ni hindi mo nga rin alam kung ano ang pangalan o itsura ng nakabuntis sa akin."

Nakita kong natigilan bigla si kuya Jake. Kailangan na niya muna alamin ang pangalan ng ipapahanap bago niya puntahan ang detective na kilala niya.

"Paano naman si Jay? Alam ba niya ang tungkol sa bata?"

"Wala. Hindi ko rin masabi kay Jay ang tungkol kay Isaac. Baka kasi magalit siya sa akin kapag nalaman niyang may anak na ako sa ibang lalaki." Malungkot kong sagot sa kapatid. Hindi ko kayang wala si Jay sa akin.

"Eina, alam kong mali ang nangyari sa inyo ng ama ni Isaac pero kailangan mo mamili sa kanilang dalawa. Si Jay o ang ama ng anak mo. Alam ko rin mahirap pero kung ako sayo piliin mo ang ama ni Isaac dahil hindi mo matatago sa bata ang katotohanan."

"Kung makapagsalita ka para naman may experience ka na umibig, kuya."

"Siguro naman alam mong engaged na ako kahit hindi pa ako pinapanganak. Pinagkasundo ako sa anak ng kaibigan ni papa."

Oo nga pala. Engaged na si kuya Jake ngayon sa babaeng hindi pa naman niya kilala hanggang ngayon. Sana nga kung makilala ni kuya Jake yung babae ay mahalin niya katulad ng pagmamahal niya sa amin ni mama. Tungkol kay papa naman nasa Paris siya ngayon dahil nandoon ang trabaho niya pero umuuwi rin naman siya dito once a year.

"Pero kuya, hindi ko nga kilala ang ama ni Isaac kaya malabong mamahalin ko siya. Ayaw ko rin naman masaktan si Jay."

"Alam kong mahirap magdesisyon, Eina."

Gusto kong umiyak dahil naguguluhan na talaga ako. Hindi ko naman inaasahan ganito ang mangyayari sa akin ngayon, eh. Dumating sa buhay ko si Isaac. Kahit hindi ko kilala ang ama ng anak ko ay minahal ko naman si Isaac dahil sa akin siya nanggaling.

"I have to go, sis. Mukhang tulog pa rin si mama ngayon at may kailangan pa akong tapusin na trabaho ngayon."

Nalungkot ako dahil hindi na talaga umuuwi ng bahay si kuya Jake. Masyado na talaga siyang busy sa trabaho niya.

Kaming dalawa na nga lang ang magkapatid tapos wala na siyang oras sa amin.

"Kung may emergency ay tawagan mo lang ako ah." Tumango ako sa kanya at lumabas na siya ng bahay.

Pagkatapos ko kumain ay inasikaso ko na muna si Isaac. Pinainom ko na muna siya ng gatas at pinalitan ko ang kanyang diaper.

Nagpaalam na rin ako kay mama na papasok na ako dahil mahuhuli na ako sa pagpasok. Lagot ako kay sir Red. Ayaw pa niyang may empleyadong late pumasok. Hindi naman habang buhay ay tutulungan ako ni Tiffany para hindi mawala ang trabaho kong ito. Nakakahiya naman kami, eh. Baka isipin ng ibang empleyado ay paborito ako ng big boss namin.

During my lunch break ay tinext ko si Jay huwag niya ako sunduin mamayang gabi. Hindi ko kasi alam kung paano ko sasabihin sa kanya ang totoo. Meron akong anak sa ibang lalaki pero hindi ko naman siya kilala kahit ang pangalan niya. Nabuntis lang ako ng isang estranghero.

"Huy, alam mo ba nakasalubong ko si sir Gael kanina sa elevator." Napatingin ako sa dalawang officemates ko. Kung malaman lang ni sir Red ito paniguradong tanggal na sila sa trabaho. Bawal kasi ang gossips sa oras ng trabaho.

"Nakita ko rin siya kanina. Mukhang binibisita niya ang big boss natin."

Si Gael Albani ay isang kaibigan ni sir Red. Matinik daw siya sa mga kababaihan. In other word, babaero.

Noong uwian na ay bumaba na ako sa babaan ng jeep at naglakad na lang ako. Malapit na lang kasi dito ang bahay ko kaso nakaramdam ako para bang may sumusunod sa akin. Lumingon naman ako sa likuran pero wala namang tao.

Ang creepy ah!

Sa bawat nakakaramdam ako ng parang may sumusunod sa akin ay napapalingon ako kaso bigo palagi. Tumakbo na rin ako ng mabilis para makauwi na dahil takot na takot ako sa creepy nangyayari ngayong gabi.

"Mommy, okay lang po kayo?" Tanong ni Isaac noong umupo na ako sa sofa. Nilalaro niya ang toy car noong nagbigay sa kanya ng isang lalaki. May duda na ako ang nagbigay sa kanya ang ama ni Isaac.

Ginagawa ba niya ito para makuha ang loob ng bata?

No, wala siyang alam anak niya si Isaac. Kaya imposible ginagawa niya iyon para makuha ang loob ng bata.

Hindi ko rin kaya mawala sa akin ang anak ko. Hindi ako papayag makuha siya ng kanyang ama.

"Yes, baby. Pagod lang ako pero okay si mommy."

"Para po mawala pagod niyo." Niyakap ako ng anak ko kaya napangiti na lang ako. Palagi ko kasi sinasabi sa kanyang nawawala ang pagod ko sa tuwing niyayakap ko siya.

"Aw, thank you. Kaya mahal na mahal kita, baby."

"I wuv you too." Hindi mawala ang ngiti sa mga labi ko. Sobrang sweet kasi ni Isaac. "Pwede po ba magtanong?"

"Sure, baby. Ano iyon?"

"Saan po ang daddy ko? Iniwanan po ba niya tayo? Hindi niya po ba tayo wuv?" Sunod-sunod ang tanong niya kaya iyon ang dahilan para natigilan ako. Nanigas ang buong katawan ko lalo na noong nakita ko ang ama niya isang araw. Pero hindi pa niya maiintindihan ni Isaac ang nangyayari ngayon.

"Nasa malayong lugar ang daddy mo ngayon, baby."

Sorru, Isaac kung kailangan ni mommy magsinungaling sayo.

"Bakit hindi po siya bumalik sa atin?"

"Sobrang layo niya kaya wala rin siyang pera para makabalik."

"Ganoon po ba? Gusto ko pa naman pong makilala si daddy."

Malabong makilala mo ang daddy mo, Isaac.

Her StalkerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon