Chapter 20

1.2K 48 0
                                    

Gael's POV

Nakatingin ako kay Eina at doon sa kausap niyang lalaki sa kabilang table. Ang ayaw ko sa lahat ang may lumalapit sa kanyang lalaki pero wala naman akong karapatang magselos. Tsk.

Damn it!

"Grabe ka naman makatingin kay Eina, bro." Tumingin ako kay David sabay inom sa beer nasa baso niya.

"In love ka na sa kanya, no? Kilala ka namin, Gael. Hindi ka basta basta nagkakagusto sa isang babae. O hindi ka nga stick to one." Sabi naman ni Red. Hala, sige. Pagtulungan niyo kong dalawa.

"Mga gago kayo. Paguuntugin ko mga ulo niyo." Inis kong sambit sa kanilang dalawa.

"Bakit kasi hindi mo buntisin ulit o kaya yayain magpakasal para hindi ka na makatingin sa malayuan. You can call her mine dahil may karapatan ka na kahit anong gawin sa kanya." Kunot noo kong nilingon si Red. Ganoon ba siya kay Tiffany? I don't think so. Kilala ko ang mga kaibigan ko. "I know that look. Hindi ko iyan ginawa kay Tifa kahit kailan. Mahal ko na siya noong may nangyari ulit sa aming dalawa."

"Paano mo nalaman na mahal mo na pala ang asawa mo noon?" Biglang tanong ko sa kanya.

"Sa tuwing kasama ko si Tifa ay bumibilis ang tibok ng puso ko. Hindi ko nararamdaman iyon sa tuwing kasama ko si Bianca noon, kay Tifa lang talaga. Siguro alam ng puso ko na si Tifa ang babaeng matagal ko ng hinahanap noon."

Napatingin ako sa baso ko nakapatong sa table. Hindi ko naramdam ang ganoong bagay kay Eina pero alam kong masaya ako sa tuwing kasama ko siya at nandiyan siya lagi kapag kailangan ko ng karamay. Eina is different woman I ever met.

"Napaisip ka sa sinabi ni Red?" Tanong ni David kaya napaangat ako ng tingin. I saw how Eina looks happy when she talked with that guy. Nagtiim ang bagang ko dahil ayaw ko ang nakikita ko talaga.

"I know ms. Suarez, Gael. Sa tatlong taon ko siyang empleyado sa DL Corp ay alam kong masipag siyang taon dahil siguro para sa anak niyo. Kaya puntahan mo na."

"Bunti--" Sinapok ko ng malakas si David. Kung anu-ano kasi ang sinasabi nito. "Aray!"

"Gago ka ba? Kung bubuntusin ko siya, sa tingin mo ba matutuwa siya? Pinanganak kang matalino, Dave. Hangin naman ang laman."

"Grabe ka naman magsalita, pre. Puntahan mo na nga baka magsisi ka pa sa huli kung yung lalaking kausap siya ay yayain siya hatid sa kanila."

"Unahan mo na." Sabi naman ni Red.

Wala na rin naman ako magagawa kaya tumayo na ako para lapitan ang table ni Eina.

"May boyfriend ka na ba?" Narinig kong tanong ng lalaking kausap ni Eina."

"Actually, wa--" Hindi ko tinapos ang sasabihin ni Eina.

"Oo, neron na. I am her boyfriend." Pareho silang napatingin sa akin. Bakas din sa mukha ni Eina ang pagkagulat noong sinabi kong boyfriend niya ako. Tumabi na rin ako kay Eina sa kabilang side. "May gusto ka pa bang tanungin sa girlfriend ko, pare?"

"Wala na. Sige, alis na ako baka kasi hinahanap na ako ng kapatid ko." Tumayo na siya sa kinauupuan niya at umalis na rin sa harapan ko. Tsk. Mas hamak namang gwapo ako doon. Lamang din naman ako ng ilang ligo sa lalaking iyon.

"Bakit mo sinabi sa kanyang boyfriend kita? Hindi naman talaga kita boy--"

"Okay lang sa akin na makipag landian ka kung wala tayong anak ah." Gigil kong sabi sa kanya. Naiinis talaga ako. Sira na rin naman ang araw ko ngayon.

"Ano ba ang problema, Gael?"

"Ikaw. Kung makipag landian ay sana hindi harap-harapan ko ah. Ayun lang ang table namin, oh!" Tinuro ko sa kanya kung saan ang table namin magkakaibigan. "At kitang kita ko ang lahat na ginagawa niyo."

"Hindi naman ako nakipag landian kay Art. Naguusap lang kaming dalawa."

"Damn. Hindi ako tanga, Eina. Alam ko ang mga kilos ng mga lalaki at alam ko rin may gusto sayo iyon."

"Ano naman sayo kung meron siyang gusto sa akin? He is a nice guy." Hindi ko na sinagot si Eina dahil tumayo na ako sabay hila sa kanya patayo. "Saan mo ko dadalhin."

Hindi ko na siya kinibo habang hila ko siya papunta sa kotse ko kung saan ko pinarada kanina.

Hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito ngayon. Hindi naman ako ganito noon and besides I don't care about women.

In love na ba talaga ako?

Ang alam ko lang ay ayaw kong mawala sa tabi ko si Eina at handa ako magbago para sa kanya. Para na rin sa anak namin.

"Ano ba kasi ang problema mo, Gael? Hindi iyong hihilain mo ko papunta dito." Galit na sabi niya sa akin. Nasa tapat na kami ng kotse ko.

"Nagseselos ako, Eina. Masaya ka na dahil nasagot ko na ang tanong mo." Walang gana kong tugon sa kanya at nakasandal ang likuran ko sa kotse ko.

"Ikaw? Nagselos? Bakit naman? Noong isang gabi ka pa ah. Iyan din ang sinabi mo noong nagalit ka sa akin dahil kasama ko si Jay sa bar." Hindi ko na siya sinagot dahil sinunggaban ko na siya ng halik. Wala na akong pakialam kung marami pang tao ang dumadaan. Tumugon na rin siya sa halik ko kaya nilagay ko ang isang kamay ko sa likod ng ulo niya para mas lumalim ang halikan naming dalawa. Kaso ako na rin naman ang humiwalay. "Huwag naman ganito, Gael."

"Ang alin?" Kunot noo kong tanong sa kanya.

"Sa tuwing hinahalikan mo ko ay mas lalo akong nahuhulog sa katulad mo." Kinagat niya ang kanyang labi. "Inaamin kong mahal kita, Gael pero alam ko rin namang masasaktan lang ako kapag ikaw ang minahal ko."

Wala ako masabi na kahit ano sa kanya pagkatapos kong marinig ang pag amin niya sa akin. Shit, shit. She loves me.

Imbes na sagutin ko siya ay niyakap ko na lang. May tao pa rin pala kaya akong mahalin maliban kay dad.

"I don't know what to say, Eina. Ikaw pa lang nagtapat sa akin na gusto ako galing sa puso. Siguro nga maraming babae ang nagsasabing mahal nila ako kaso hindi ko nakikitang mahal talaga nila ako o iba ang gusto nila sa akin. Ikaw pa lang."

"Kahit hindi pa kita kilala noon ay minahal na kita. Simulang dumating ka sa buhay ko ay ginulo mo na ang puso't isipan ko. Minahal kita hindi dahil may anak tayo. Minahal kita dahil iyon ang sinasabi ng puso ko kahit masasaktan ako balang araw kapag nakahanap ka ng ibang babae."

"Hindi ba nangako ako sayo noon?" Hinawakan ko ang magpabilaang pisngi niya. "Ikaw na ang huling babae gusto ko."

"Dahil ba ako ang ina ni Isaac? Paano naman kung hindi ako yung babae nabuntis mo?"

"Eh di, bubuntisin kita hanggang sa may bunga."

"Kainis ka! Ang manyak mo talaga!" Natawa ako dahil ang cute talaga ni Eina sa tuwing naiinis.

"Pero seryoso na talaga, Eina. Siguro nga hindi ko pa talaga alam kung ano ang nararamdamam ko para sayo pero masaya ako sa tuwing kasama kita at ayaw kong mawala kayo ni Isaac sa akin."

Her StalkerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon