Chapter 4

1.4K 48 0
                                    

Ilang buwan na ang lumipas ay sobrang dami kong ginagawa sa trabaho. Paguwi nga sa bahay ay pinapatulog ko na muna si Isaac pero hindi pa ako matutulog pagkatulog sa anak ko dahil may inaasikaso pa akong trabaho. Mahalaga ang trabaho ko kaya gagawin ko ang lahat para hindi mawala sa akin at bumabawi ko lang yung mga araw na absent ako noong pinagbubuntis ko pa si Isaac.

Napatingin ako sa phone ko dahil tumunog iyon. Sino naman kaya tatawag sa akin sa ganitong oras? Nakita ko rin ang pangalan ni Jay.

"Hello?"

"Musta ka na, babe? Ang tagal mo na hindi nagpapakita sa akin. I missed you."

"Sorry. Busy lang ako sa trabaho ko. Alam mo naman kailangan natin magipon ng pera para sa kasal natin." Iyon na lang ako lagi kong dinahilan kay Jay sa tuwing tumatawag sa akin.

"Baka naman pinapabayaan mo na ang sarili mo ah."

"I'm okay, baby."

"Bakit gising ka pa sa ganitong oras? You should sleep, Eina."

"May tinatapos lang ako. Alam mo naman ang big boss ko, kailangan ipasa ang pinapagawang report sa oras."

"Kung ako lang ikaw, babe ay matagal na akong umalis sa DL Corp. ako na lang sana ang nagtatrabaho para sa atin. Ako ang lalaki."

"Pinagusapan na natin ang tungkol diyan, diba? Gusto kong tulungan ka."

"Sige, matulog ka na pagtapos mo diyan."

"Okay. Good night."

"Good night." Siya na rin ang nagbaba ng tawag.

Wala man lang I love you?

Sabagay, hindi rin naman ako nag-I love you sa kanya.

Kahit na. Siya palagi unang nagsasabi noon sa akin. Argh, huwag ko na nga muna isipin iyon. Kailangan ko pang tapusin ito.

Nagising na lang ako noong may yumuyugyog sa akin.

"Eina. Anak, gumising ka na at baka mahuli ka pa sa trabaho mo." Agad ako napaupo ng tuwid. Hindi ko namalayang nakatulog pala ako.

"Huh? Anong oras na po ba, mama?"

"Malapit na mag-alas siete, anak."

Oh my! Late na ako! Wala na akong oras maligo kaya sa katawan na lang at mas lalong wala na rin akong oras kumain ng agahan.

Nagmamadali na ako papunta sa terminal ng jeep pero ito na naman pakiramdam ko na para bang may sumusunod sa akin. Wala na akong oras para doon kung sino man iyon. Sumakay na rin ako ng jeep at nagbayad.

Bumaba na rin ako bago lumiko ang sinasakyan kong jeep. Wala naman kasi babaan ng jeep malapit sa DL Corp kaya maglalakad pa ang gagawin ko ngayon. Lakad takbo na nga ang ginagawa ko para hindi ako mahuli sa trabaho.

"Good morning, Eina." Bati sa akin ni Giovanni at bumalik na siya sa kanyang table.

Nagsimula na ako sa trabaho ko pero napansin kong bumaba sa department namin ang big boss. Nakakapagtataka dahil hindi naman siya pumupunta dito noon. Pumunta si sir Red sa opisina ng head ng department namin at mukhang importante ang paguusapan nila. Hindi naman pupunta dito si sir Red kung hindi importante ang pinunta niya.

"Ms. Suarez." Napaangat ako ng tingin noong tinawag ako.

"Yes, ma'am?" Tumayo ako nang tawagin ako para lumapit.

Pumasok ako sa opisina ng boss ko. Wala naman akong ginawang mali para patawagin dito sa opisina niya.

"Natapos mo na ba ang report na pinapagawa ng big boss natin?"

"Yes po, ma'am."

"Good. Ang gusto ko ikaw mismo ang magbigay ng report kay sir Red at hinihintay na niya iyan. Kaya pumunta ka na sa opisina niya."

"Okay po." Lumabas ako agad para kunin ang report ko sa table.

Napalunok ako ng ilang beses noong nakasakay na ako sa elevator. First time ko pa lang kasi makapunta sa opisina ni sir Red.

Pagbaba ko ay dumeretso ako sa sikretarya ng big boss namin.

"Excuse me, Hans. Nandiyan ba si sir Red ngayon?" Tanong ko kay Hans, ang sikretarya ni sir Red.

"Nandiyan siya pero may bisita siyang kausap ngayon." Sagot naman nito.

"Okay. Maghihintay na lang ako dito pagtapos nila sa loob." Umupo na muna ako sa sofa dito sa labas ng opisina ng big boss. Hindi pa rin talaga mawala ang kaba sa dibdib ko. Ngayon pa lang ako haharap sa big boss namin. Noong dati kasi humingi ako ng tulong kay Tiffany na magbabakasyon na muna ako pero tinanong niya ako kung bakit kaya sinabi ko sa kanya ang totoo at isa si Tiffany ang may alam tungkol kay Isaac maliban sa pamilya ko.

"Sige, pre. Babalik na ako sa trabaho ko." Biglang bumilis ang tibok ng puso ko noong marinig ko ang isang familiar na boses. Tiningnan ko ang isang lalaki pero nakalikod siya sa akin. Hindi ako pwede magkamali.

"Eina." Bumalik ako sa katinuan noong tawagin ako ni Hans. "Tinatawag na kayo ni sir Red. Pwede ka na pumasok sa loob."

"A-Ah, salamat." Tumayo na ako para pumasok sa loob ng opisina ng big boss. "Good morning, sir."

"Morning." Tiningnan ako ni sir Red para bang inoobserban niya ako. "Ang report na pinapagawa ko ay tapos na ba?"

"Yes po." Hindi talaga mawala ang kaba ko sa dibdib para bang nakipag karera ako sa kabayo ngayon. "Heto na po yung report."

Nanginginig ang kamay ko pagabot ko kay sir Red sa report. Hindi ko nga alam kung bakit ako nanginginig.

"You're trembling. Are you okay, ms. Suarez?" Tanong ni sir Red sa akin.

"Huh? Y-Yes po."

Hindi mawala ang panginginig ko habang binabasa niya ang report na pinasa ko.

"Okay. Good. Wala kahit anong errors sa report na pinapagawa ko." Nilapag na niya ulit ang folder sa table niya at tumingin sa akin. "You may go now, ms. Suarez."

"Thank you po." Lumabas na ako agad sa opisina ni sir Red at nakahinga ako ng maluwag. Kahit pa paano ay solved na ang report na pinapagawa niya. Naiihi na kasi ako sa kaba kanina baka rejected ang ginawa kong report.

Pagtapos ng trabaho ko ay lumabas na ako para umuwi pero sa hindi inaasahan ay makikita ko ulit si Jay.

"Jay?" Lumingon siya sa akin. "Ano ang ginagawa mo rito?"

"Sinusundo kita. Matagal na rin ang huling sundo ko sayo at naiintindihan ko naman busy ka sa trabaho mo, babe."

Yumuko ako dahil hindi pa ako handang harapin si Jay ngayon. Paano ko ba kasi sasabihin sa kanya ang tungkol kay Isaac? May anak ako sa ibang lalaki. Natatakot ako magalit at lumayo sa akin si Jay.

"May problema ba, Eina?" Bakas sa boses ng boyfriend ko ang pagaalala kaya tumingin ako sa kanya.

"Huh? Pagod lang ako ngayon kaya gusto ko na matulog para magpahinga." Ngumiti ako ng pilit sa kanya.

Her StalkerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon