Nagpasya na kami ni Gael na bumaba baka kasi hinahanap na kami ni Isaac kaso hindi pala. Napangiti ako dahil tinulungan niya ang kanyang lolo Nick sa pagluluto. Si Isaac nagaabot sa lolo Nick niya ng mga kailangan sa pagluluto.
"Nandiyan na pala kayong dalawa. Maupo na kayo at malapit maluto itong niluluto namin ng little assistant ko." Sabi ni tito Nick pero tumawa lang si Isaac. Mukha ngang enjoy siya sa pagtulong.
Nilapag na ni tito Nick ang mga niluto nila kaya nagsimula na kaming kumain. Ang sarap ng luto ni tito Nick. Namiss ko tuloy si papa.
"Itong apo ko ay naalala ko sa kanya si Gael noong kasing edad pa lang siya ni Isaac. Mahilig rin tumulong sa akin sa kusina."
"Dad." Singhal ng katabi ko.
"Why? Totoo naman ang sinabi ko, anak."
"Ibig sabihin marunong ka rin magluto?" Tanong ko kay Gael.
"Yeah, simulang maliit pa lang ako ay tinuturuan na ako ni dad magluto."
"Gusto ko matikman ang lutong gawa mo. I'm sure Isaac want to try it too."
"Kapag kinasal na tayo." Napangiti ako sa sagot niya. Hindi talaga ako makapaniwala engaged na ako sa lalaking ito.
"Kasal?" Binaling ko naman ang tingin kay tito Nick na ngayon ay nakatingin pala sa aming dalawa.
"Yes. I proposed to Eina a while ago."
"Congrats for the both of you."
"Makakasama na po ba namin kayo, daddy?" Tanong ni Isaac kaya tumango sa kanya si Gael. "Yaay!"
"Sasabihin mo ba sa dalawa mong kaibigan?" Tanong ni tito Nick.
"Maybe later kung hindi sila busy. Alam niyo naman si Red busy na rin sa pamilya niya and Dave sa trabaho. Kung hindi baka bukas ko na lang sila kakausapin."
Pagkatapos namin kumain ay ayaw pa ni Isaac umuwi sa bahay kaya tinutulungan pa niya ang kanyang lolo Nick sa paghuhugas ng mga pinagkainan.
"Alam mo ba ngayon ko lang nakitang tumutulong si Isaac. Sa bahay kasi nood at laro lang ang ginagawa niya." Sabi ko habang pinapanood ang mag-lolo.
"May secret word kasi si dad kaya napapasunod niya ako dati." Napaharap ako kay Gael para bang gusto ko malaman kung ano iyon. "Bibilihan niya ako kung ano ang gusto ko. Sigurado ako ganoon din ang sinabi niya kay Isaac."
Nakita ko ang nag-lolo na tapos na sa paghuhugas kaya lumapit na sa amin si Isaac at pumagitna sa amin.
"Mommy, daddy and baby." Nakangiting sabi ni Isaac habang nakatingin sa amin. Alam ko naman sabik ang anak namin maging buo ang pamilya niya na may mommy at daddy. Ngayon nalaman kong mahal rin ako ni Gael.
"Eina, tingnan mo ito." Napatingin ako kay tito Nick na may inaabot siya sa aking album.
"What's that, dad?"
"Picture album mo noong maliit ka pa." Sagot ni tito Nick at namula naman ang mukha ni Gael sabay agaw sa album.
"No! Nakakahiya kung makita ni Eina ang mga pictures ko noong maliit pa ako."
"Gael naman. Gusto ko makita ang itsura mo noong maliit ka pa."
"No. Ayaw ko." Pulang pula pa rin ang mukha ni Gael ngayon.
"Please?" Lumapit ako sa tenga niya. Kahit ayaw ko sabihin ito ay wala ako magagawa dahil gusto ko makita ang mga pictures niya. "Kapag pinakita mo sa akin ang mga pictures mo ay bibigyan kita ng kahit ilan mo gustong anak."
"Talaga?" Tumango ako sa kanya. Sabi ko nga kahit ayaw ko gawin iyon para lang pakita niya sa akin ang mga pictures niya. Binigay na niya sa akin ang album kaya tiningnan ko na ang mga pictures.
Napangiti ako sa mga pictures niya dahil ang cute. Kamukhang kamukha nga ni Isaac noong maliit pa siya.
"Ikaw ito?" Tanong ko. Gusto ko matawa dahil nakasuot siya ng pink dress.
"Y-Yeah. Kaya nga ayaw ko pakita sayo ang mga pictures dahil nakakahiya kung makita mo ko habang nakasuot ng dress."
"Ang ganda mo nga, eh. Pero bakit ka pala nakasuot ng dress?"
"Pinangarap ni mama na magkaroon ng anak na babae. Kaso wala, eh. Kaya ako na lang ang pinagtripan ni mama noon."
"Teka, kukuhanan ko ito ng picture." Kinuha ko ang phone ko para kuhanan ng picture.
"Hoy!" Pagpigil sa akin ni Gael kaya lumabi ako. "Don't pout kung ayaw mong halikan kita."
"Kainis ka. Pinigilan mo ko kuhanan ng picture."
"Aba siyempre, kakahiya kaya ang picture na iyan. Baka isipin ng iba bakla ako kaya nagsusuot ng dress."
"Alam ko naman hindi ka bakla dahil meron na tayong anak at ikakasal na rin tayo. At saka hindi ka naman papatol sa mga babae kung bakla ka." Binitawan na niya ang kamay ko kaya tuloy na ako sa pagkuha ng picture. Nakita ko rin tumitingin sa picture album si Isaac. "Gusto mo rin bihisan ka ni mommy ng dress, baby?"
"Ayaw ko po." Natawa na lang ako sa sagot ng anak ko. Hindi ko naman gagawin iyon sa kanya.
Tinuloy ko na ang pagtingin sa mga pictures hanggang sa may nakita akong tatlong lalaki.
"Kaming tatlo iyan." Napatingin ako sa kanya kahit wala pa ako tinatanong. Marunong pala magbasa ng isip si Gael ngayon.
"Saan ka nakatingin dito?" Tanong ko. Para naman kasi may tinitingnan siya.
"Hindi ko na maalala kung saan ako nakatingin sa oras na iyan. Sobrang tagal na rin para maalala ko."
Napangiti na lang dahil kahit mga bata pa lang sila ay hindi na talaga marunong ngumiti si sir Red habang si Gael ay nakatingin kung saan at yung isang kaibigan nila na hanggang ngayon hindi ko pa alam ang pangalan dahil siya lang ang nakangiti sa camera.
Nakita kong humihikab na si Isaac kaya nagpasya na ako umuwi pero hindi ako tinigilan ni Gael na hindi niya kami i-hatid sa bahay.
"Bakit mo nga pala binenta ang agency mo? Kasi noong pumunta ako doon kahapon ay may nakalagay na for sale." Tanong ko sa kanya habang seryoso siya sa pagmamaneho.
"Kapag may bumili ng lupa ay magpapatayo na lang ako ng sariling restaurant para kay dad."
"Talagang mahal mo si tito Nick, no?"
"Of course. Palagi nandiyan si dad para suportahan ako sa mga bagay na gusto kong gawin. Hindi niya ako pinigilan na maging detective. At iniisip ko rin bigyan siya ng isang restaurant dahil iyon ang pangarap ni dad noon pa lang."
Napangiti ako dahil ang sweet ni Gael. At may naisip ako para mabigyan niya ng restaurant si tito Nick.
BINABASA MO ANG
Her Stalker
RomanceSiya si Gael Albani, kilala siyang certified playboy dahil paiba iba ang nagiging babae nito at wala sa vocabulary nito ang salitang commitment dahil hindi siya naniniwala sa forever simulang naghiwalay ang mga magulang niya. Isa siyang magaling na...