Hinatid na kami ni Gael sa bahay bago pa gumabi. Enjoy na enjoy nga si Isaac habang kalaro niya ang kanyang daddy kanina at pinakita pa ni Gael kay Isaac ang mga collections niya ng laruang kotse. Ang dami at iba't iba klase ng kotse. Ngayon naiintindihan ko na kung kanino nag-mana si Isaac sa pagkahilig sa mga laruang kotse.
Niyaya ko si Gael na maghapunan dito sa bahay pero tumanggi siya sa imbitasyon ko at palagi niya sinasabi sa akin galit pa daw sa kanya si papa. Hindi pa daw kasi niya kayang harapin si papa ngayon kaya hindi ko na siya pinilit.
"Nakauwi na pala kayong dalawa." Bungad ni papa sa akin kaya hinalikan ko siya sa pisngi.
"Grandpa!" Tumakbo papalapit si Isaac kay papa. "Alam niyo po ang daming collection si daddy ng mga laruang kotse. Ang ganda po!"
Napangiti ako dahil handa talaga makinig si papa sa mga kwento ni Isaac. Si Isaac kasi ang kauna unahang apo nila papa kaya siguro natuwa si papa na may apo na siya kaso hindi pa naman kami kasal ni Gael.
"Hello po, mama." Bati ko kay mama noong pumunta ako sa kusina sabay halik sa pisngi.
"Musta naman ang pagbisita niyo kay Gael kanina?"
"Naging okay naman po. Enjoy na enjoy si Isaac habang naglalaro silang mag-ama at natuwa pa nga po noong nakita niya yung collection ni Gael na laruang kotse."
"Kaya naman pala dalawang beses niya binigyan ng laruang kotse ang bata dahil mahilig rin pala siya. May pinagmanahan ang anak niyo sa ama niya." Napangiti ako kay mama. Tama naman kasi siya. Ni hindi nga nilalabas ni Isaac sa labas ang mga laruang kotse niya dahil ayaw niyang pahiram sa ibang bata. Nilalaro lang niya ang mga laruang kotse dito sa loob ng bahay.
Kinagabihan ay nandito na si kuya Jake kasama ang future wife niya. I'm so excited to meet her at malaman kung ano ang ginawa ni kuya Jake para magkagusto siya sa kapatid ko. Dalawa lang naman kami magkapatid kaya hindi maiiwasan ang asaran. Nagulat na lang ako ng makita kong malaki ang tyan ng kasama ni kuya Jake.
Buntis ba siya?
"Jusko, Jake!" Rinig kong sambit ni mama. Gusto ko matawa dahil alam ko na ang gustong sabihin ni mama kay kuya Jake. "Pati ba naman ikaw, Jake. Nauna pa ang bata kaysa sa kasal niyong dalawa ni Trixie."
So, ako lang pala ang walang alam kung sino ang papakasalan ni kuya Jake. Sabagay, hindi pa nga pinapanganak ang kapatid kong ito ay pinagkasundo na sila ng mga magulang namin.
"Ganoon talaga, ma." Natatawang sagot ni kuya Jake at binaling niya ng tingin sa kasama niya. "Trixie, si Eina pala. My younger sister. At iyong makulit na batang iyon ay ang anak niya, si Isaac."
"Ang cute naman niya. Ilang taon na siya?" Tanong sa akin ni ate Trixie.
"He's 3 years old turning 4 this year." Patango tango lang siya sa akin.
"Eina, this is Trixie Montemayor." Napanganga ako sa aking narinig. Totoo ba ang dinig ko o nagkamali lang ako. "Alam kong reaksyon na iyan, sis. She is the eldest daughter of mayor Alfred Montemayor."
Tama nga ang dinig ko kanina isa siyang Montemayor. Hindi ako makapaniwala isang Montemayor ang papakasalan ni kuya Jake. Wala rin sinabi sa amin na naging kaibigan pala ng mga magulang namin ang dating mayor na si Alfred Montemayor. Isa siyang mabuting mayor kaso namatay siya sa isang ambushed kaya ang mayor na ngayon ang dating vice mayor na si Franco Luciano.
Tinawag na kami ni mama para kumain na kaya pumunta na kami ngayon sa dining room. Katabi ko palagi si Isaac sa harap ng hapag.
"Kailang niyo balak magpakasal, Jake?" Napatingin ako sa kanila habang sinusubuan ko si Isaac. Kahit marunong naman ang anak kong kumain na magisa pero mas gusto niyang sinusubuan siya.
"Hindi pa namin pinaguusapan ni Trixie kung kailan ang kasal. Siguro pagkapanganak na lang niya."
"Kailangan niyo pagusapan dahil hindi na kayo bumabata at mas lalong magkakaroon na kayo ng anak." Napatingin naman ako kay mama. Para ako yung pinapatamaan doon ah. Hindi pa kasi pwede magpakasal kami ni Gael kung may galit pa si papa sa ama ng anak ko.
"Will do, ma. May tinatapos lang po ako sa trabaho ngayon and after that aasikasuhin na namin ang kasal."
"Ate Trixie, ano ang pinakain sayo ni kuya at napapayag ka niya magpakasal?" Tanong ko kay ate Trixie kaya napatingin silang lahat sa akin at pinandilatan pa ako ni kuya Jake ng mata.
"Actually, wala naman siya pinakain sa akin." Tumingin si ate Trixie kay kuya Jake. "Kahit last year lang naman kami nagkakilalang dalawa ay nakikita ko siya na ang lalaki para sa akin."
Napangiti ako sa sagot ni ate Trixie. Inaamin kong kinikilig ako doon. Nakahanap si kuya Jake na babaeng mamahalin at makakasama talaga niya habang buhay.
"Really? Pinagbintangan mo nga ako maraming babae noon." Nasamid ako sa sinabi ni kuya Jake.
Bakit si Gael ang naalala ko kapag maraming babae?
Napailing ako para alisin iyon sa isipan ko. Alam kong hindi ako lolokohin ni Gael kahit isa pa siyang babaero noon bago pa niya ko nakilala.
"Totoo naman. Nakita kita na may kasamang babae noon."
"I just want to enjoy being single. Kapag kinasal na ako ay hindi ko na magagawa ang mga ginagawa ko noong single pa ako, right, papa?" Tumingin pa si kuya Jake papa at tumango pa si papa kay kuya Jake. Nakahanap pa talaga ng kakampi.
"Yuric." Tawag ni mama kay papa.
"What?"
"Baka may iba kang babae habang nasa Paris ka ah."
"Wala ako ibang babae sa Paris. Trabaho at bahay lang ang ginagawa ko doon. Wala akong oras maglibang sa buhay." Napailing na lang ako. Mga lalaki nga naman talaga.
"Ma, kahit may edad na po si papa ay may itsura pa rin siya. Malakas pa rin ang alindog niya sa mga babae lalo na sa Paris. Ang balita ko maraming magagandang French girls doon. Why don't you come with papa pagbalik niya doon? Pwede niyo bantayan ang bawat kilos ni papa o pwede rin kayo magbakasyon." Humarap sa akin si kuya Jake sabay taas baba ng mga kilay nito na may nalolokong ngiti pa. Ano naman kaya ang binabalak ng kapatid kong ito?
"Bastos kang bata ka!" Gusto ko matawa sa naging reaksyon ni papa.
"Yuric, subukan mo lang talaga."
"Honey, naniwala ka naman sa panganay natin. Wala ako ibang babae and you have to believe me." Takot na sagot ni papa kay mama. Natawa na lang kaming dalawa ni kuya Jake pero maya maya pa ay tumawa na rin si ate Trixie.
"Nagbibiro lang ako, mama. Alam naman nating lahat kung gaano kayo kamahal ni papa. Loyal kaya sa inyo si papa. Hindi naman kayo aabot sa ganitong katagal kung hindi."
BINABASA MO ANG
Her Stalker
RomanceSiya si Gael Albani, kilala siyang certified playboy dahil paiba iba ang nagiging babae nito at wala sa vocabulary nito ang salitang commitment dahil hindi siya naniniwala sa forever simulang naghiwalay ang mga magulang niya. Isa siyang magaling na...