Pagkagising ko kinaumagahan ay napahawak ako sa ulo ko dahil sobrang sakit. Naparami yata ang inom ko kagabi kaya sumakit ng ganito ang ulo ko. Damn.
Bumaba na ako para magluto ng agahan at sigurado akong hindi pa gising si dad ngayon dahil anong oras pa lang. Nagigising siya around 8. Alam ko na daily routine ng sarili kong ama pagkagising niya sa umaga.
Habang umiinom ako ng kape ay nagbabasa ako ng random articles sa internet. Nakahanda na sa mesa ang niluto kong eggs, bacons at nag-toast na rin ako ng bread kanina.
"Gising ka na pala, Gael." Tiningnan ko si dad na kakagising pa lang. "Nagluto ka na rin pala ng agahan natin ngayon."
"Alam kong pagod kayo kahapon." Sabi ko habang ang mata ko ay nasa phone ko. Nagbabasa pa rin ako ng article at kumunot ang noo ko sa isang article nakita ko ngayon.
Albani-Suarez partnership?
Ang sabi dito ang tungkol sa Albani-Suarez partnership pero bigla na lang nawala ang samahan ng dalawang chef at hindi na muli bumalik. Hindi rin alam kung anong dahilan kung bakit na lang sila nawala na parang bula.
"Can you tell me about this article, old man?" Pinakita ko kay dad ang binasa kong article. "Totoo ba ito?"
"Oo, totoo iyan at ilang beses ko bang sabihin sayo huwag mo ko tatawaging matanda! Ang tigas talaga ng ulo mong bata ka."
"When this happened? Why I don't know this?"
"Matagal na iyan. Hindi ko na maalala kung kailan pa iyan. Basta hindi pa ako kasal noong panahon na iyan.."
"Ano ba ang dahilan kung bakit nawala ang samahan niyong dalawa?" Tanong ko habang kumakain ng toasted bread with egg.
"May mga bagay talaga na kailangan lumayo. I mean, may pangarap kasi si Yuric na gusto niyang tuparin. At sa nalaman ko nasa Paris siya ngayon."
Kung ganoon pala matagal na magkakilala ang pamilya namin dahil sa mga ama namin. What a small world.
"Wala ka bang balak tuparin ang mga pangarap mo, dad? Maging isang world chef at makikita ang pangalan niyo sa bansa natin pero hindi lang pala sa Pilipinas. Sa buong mundo."
Simula noon ay namuhay na kami ni dad kami lang nagtutulungan. Sabagay kami lang naman ang magkasama sa bahay kaya kami lang ang magtutulungan para makakain ng tatlong beses sa isang araw. May maliit kaming kainan malapit lang sa bahay namin at siyempre may sarili rin kaming detective agency dahil sa akin. Hindi naman ako mayaman katulad ni Red kaya kapag bumitaw ng malaking pera ang lalaking iyon ay hindi ko tatanggihan. Minsan lang magbitaw ang kaibigan kong iyon.
"Hindi ko na pinangarap ang ganyang bagay. Ang gusto ko lang makita kang ikakasal at makita rin ang magiging apo ko." Nasamid ako sa sinabi ni papa. Kasal? Bakit ba gusto ng mga tao ikasal na ako ah?! Kahapon pa iyan.
"Alam niyo naman ayaw ko sa ganyang bagay. Pero kung apo lang eh, pwede ko naman kayo big--" Hinampas ako ni papa ng dyaryo sa ulo. "Aray ko naman."
"Hindi kita pinagaral na magisa para makabuntis ng babae na hindi pa kinakasal. Aatakihin ako sa puso kapag ginawa mo iyan."
"Paano kung nakabuntis nga ako ng babae?"
"Umayos ka, Gael! Ang gusto ko lang naman maging masaya ka at hindi ka makatulad sa akin."
"Tsk. Alam niyo naman wala akong balak pumasok sa isang seryosong relasyon, dad."
"Hindi ka na bumabata at mas lalong hindi na ako bumabata para masamahan kita habang buhay."
Paano ko ba sasabihin kay dad? Kung mukhang bibig lang ng matandang ito ang pagpapakasal ko. Ayaw ko nga kasi makasal. Wala sa vocabulary ko ang salitang kasal o kahit nga forever.
Nagpaalam na ako kay dad na aalis na dahil kailangan ko pa kunin ang kotse ko sa club na pinuntahan ko kagabi.
Pagsakay ko ng kotse ko ay nakatanggap ako ng message galing sa unregistered number. Sa tingin ko si Eina na itong nag-message sa akin at pinapupunta niya ako sa Italian restaurant. Tsk. Sawa na kaya ako kumain ng Italian food kung simulang bata pa lang ako ay iyon palagi niluluto ni papa. Mabuti nga ngayon hindi na.
Pagpunta ko sa Italian restaurant ay hinanap ng paningin ko si Eina kung nandito na ba siya pero may isang waitress ang lumapit sa akin.
"Benvenuto. Good for two, sir?"
"Ah, no. I'm looking for someome." Nilibot ko pa rin ang paningin ko hanggang nakita ko na siya kaya lumapit na ako sa table niya. "Sorry, I'm late. Still have hangover from last night."
"Sorry din dahil pinapunta na kita agad ngayon."
"It's okay." Umupo na ako sa harapan niya. "Gusto ko na rin naman malaman ang totoo. Okay, speak."
"Matagal mo na bang alam? Dahil ikaw palaging kinuwento sa akin ni Isaac."
"Wala akong ideya noong unang beses ko siya nakita sa park pero ang gaan ng pakiramdam ko sa kanya." Inabot ko sa kanya ang blue folder. "At kahapon ko lang nalaman ang lahat kaya gusto rin kita makausap pero hindi ko alam kung paano. Kung palagi mo naman ako iniiwasan."
"Paano ka nakakuha nito?" Tanong niya habang nakatingin pa rin sa mga files ng investigation ko.
"I followed you everywhere you go."
"So, ikaw pala ang sumusunod sa akin araw-araw."
"Sorry about that. Isa lang kasi ang naiisip kong paraan para malaman ang katotohanan kung ayaw mo kong kausapin. Ang sundan ka kahit saan pumunta. Kahit rin ang pagpasok mo sa DL Corp ay sinusundan kita kaya nga madalas rin ako pumupunta sa DL Corp."
"Wala akong ideya ikaw pala ang kaibigan ni sir Red." Sinarado na niya ulit ang folder at binalik sa akin. "Ngayon alam mo na ang lahat. Ano ba ang gusto mong malaman?"
"Bakit hindi mo sinabi sa akin ang tungkol sa bata?"
"Dahil hindi ko naman alam ang pangalan mo. Itsura mo lang ang naalala ko."
"Lumayo ka sa akin noong nagkita tayo dati."
"Natakot lang ako baka kunin mo sa akin si Isaac. Hindi ko kayang mawala sa akin ang anak ko."
"Anak natin." Pagtama ko sa kanya. "Okay, naiintindihan ko at mapapatay ako ng sarili kong ama kapag nalaman niya ang tungkol dito. Ang gusto niya maikasal ako sa babae. At kung alam mo hindi ako pumapasok sa isang seryosong relasyon."
"Wala naman akong balak magpakasal sa katulad mo."
Tangina. Nasaktan ako doon ah. Parang inapakan ang ego sa sinabi ng babaeng ito. Kung wala lang tao dito sa restaurant ay gahasain ko ito. Tsk.
"Isaac, right?" Tumango naman siya sa akin. "Wala rin naman akong balak magpakasal kaya hindi talaga natin mabibigyan ng buong pamilya si Isaac. I know you're planning to married your boyfriend pero hindi ako papayag na tumayo siya bilang ama ng anak ko. Simple lang naman ang gusto ko mangyari."
"Ano iyon?"
"Ang makilala ako ni Isaac bilang ama niya. Pero kung hindi ka payag sa kagustuhan ko..."
"Ano ang gagawin mo?"
"Custody. Kaya kung ayaw mo umabot doon pumayag ka na lang sa kahilingan ko na makilala ako ni Isaac."
"W-Wala na rin naman ako magagawa kaysa mawala sa akin si Isaac."
BINABASA MO ANG
Her Stalker
RomanceSiya si Gael Albani, kilala siyang certified playboy dahil paiba iba ang nagiging babae nito at wala sa vocabulary nito ang salitang commitment dahil hindi siya naniniwala sa forever simulang naghiwalay ang mga magulang niya. Isa siyang magaling na...