Chapter 21

1.2K 37 0
                                    

Nandito ako ngayon detective agency habang nakaupo sa swivel chair. I still don't know what to do. Alam kong hindi ganoon kalaki ang kinikita ni dad sa trabaho niya para ipagamot lang si mama at minsan lang ako magkaroon ng kliyente kaya iniisip ko kung umalis na lang ako sa pagiging detective ko at maghanap ng ibang trabaho na malaki ang makukuhang pera. Pero sino naman ang tatanggap sa akin? Sa panahon ngayon ay mahirap na makahanap ng trabaho.

"Come in." Sabi ko ng may narinig akong katok mula sa pinto at niluwan noon ang isang magandang babae. Umupo ako ng tuwid at inayos ang suot ko. "Hey. Wala ka bang pasok ngayon?"

"It's weekend, Gael." Sagot niya sa akin.

Nawala sa isipan kong Sabado pala ngayon kaya wala siyang pasok sa trabaho. Grabe na rin kasi ang problema ko kaya nakakalimutan ko na ang bagay-bagay sa paligid.

"Ikaw, hindi ba dapat wala ka rin pasok kapag weekend?"

"I need to earn money. Pero hindi ko alam kung paano ako kukuha ng malaking pera para patuloy tuloy ang diagnose ni mama. Isa lang kasi ang naiisip ko ngayon. Kundi ang mangholdap sa bangko."

"Huy! Huwag mong gagawin iyan. I will lend you some money kahit pa paano ay makatulong sa problema mo." Ngumiti ako ng pilit kay Eina dahil nahihiya rin ako sa kanya. Hindi naman niya ako boyfriend para tulungan ako sa problema ko.

"Hindi mo naman kailangan gawin ito, Eina. Alam ko ang mga ipon mong pera ay para kay Isaac."

"No, it's okay. Mas kailangan ng mama mo ang diagnose para gumaling siya. Pwede pa naman ako makaipon ulit para kay Isaac." Sabi niya at lumapit na rin siya sa akin kaya niyakap ko siya.

"Thank you dahil palagi ka nandiyan kung kailangan ko ng karamay. Thank you."

"Sabi ko nga sayo noon nandito lang ako para tulungan ka. Huwag mo solohin ang lahat na problema." Hinawakan niya ang magkabilaang pisngi ko at dumampi ang labi niya sa akin. Siya pa mismo ang humalik sa akin ngayon. "Mukhang wala ka yatang assistant ngayon ah."

"I fired her. Pero hanggang ngayon ay hindi ko alam kung maghahanap pa ba ako ng kapalit niya. Iniisip ko rin kung aalis na rin ba ako sa pagiging detective ko."

"Huwag mo iyan gagawin, Gael. Ikaw lang ang magaling na detective dito sa Pilipinas."

"Talaga? Hindi mo pa nga ako nakikitang nagtrabaho noon. Paano mo naman nasabi sa akin na ako ang magaling na detective sa Pilipinas?" Sinandal ko ang likod ko sa backrest ng swivel chair. "At saka ako lang naman ang detective dito."

"Siyempre, para sa akin ay ikaw ang magaling." Napangiti ako sa sinabi niya. Para tuloy supportive girlfriend si Eina ngayon dahil grabe ang pagkasuporta sa akin. Kung mas maaga ko lang siguro nakilala si Eina ay siguro hindi ako makikilala bilang isang babaero. Masaya siguro ako tuwing kasama niya. "At malinis ka magtrabaho."

"Ang sabi niya ni Red ay hindi daw ako marunong mag-stalk ng tao dahil nagpapakita ako."

"Kung ganoon ang sinabi ng kaibigan mo ay may improvement na ngayon. Hindi ko alam na ikaw pala ang sumusunod sa akin noon."

"Aba, siyempre. Ayaw ko naman magpahalata sayo na sinusundan kita kahit saan ka pumunta. Bago mo malaman na ako ang sumusunod sayo, ang gusto ko makakuha na muna ang kailangan ko. Kung magagalit ka kapag nalaman mong sinusundan kita ay mas magagalit rin ako sayo dahil hindi mo lang ako hinanap para sabihin sa akin na may anak tayo." Ngumisi ako sa kanya. Hindi naman ako nagalit sa kanya noong nalaman kong may anak ako sa kanya. Tinatakot ko lang siya na kukunin ko si Isaac sa kanya pero ayaw ko naman kung pati sa akin ay nagalit ang bata. Ni hindi pa nga niya ako kilala bilang ama noon.

"Kahit gusto ko ay hindi ko alam saan ako magsisimula. Wala akong alam tungkol sayo. Ang naalala ko lang ang mukha mo." Nagulat na lang ako sa biglang pagupo niya sa kandungan ko. Shit.

"Alam mo bang malakas ang epekto mo sa akin. Mukhang may nagising dahil sa bigla mong pagupo sa akin." Ngumisi ako ng nakaloko sa kanya. "Fuck, Eina."

"Ang manyak mo talaga, Gael." Sumimangot ako noong tumayo na siya. "Uwi na ako baka kasi hinahanap na ako ni Isaac."

"Hindi ako makakasama sayo ngayon. Ingat ka na lang sa paguwi mo." Tumayo na rin ako para bigyan siya ng halik sa noo bago nagpaalam muli sa akin.

That woman. Ano ba ang ginawa niya sa akin kung bakit ako nagkakaganito ngayon?

In love? Posible.

Napatingin ako sa phone ko noong tumunog ito at nakita ko ang tumatawag sa akin ang doctor ni mama. Kumunot ang noo ko dahil hindi naman tumatawag ang doctor niya kung hindi emergency.

"Hello." Kabado akong sinagot ang tawag.

"Mr. Albani, this is an emergecy. About your mother."

"What happened to her?"

"You have to come here. ASAP!"

Nagmamadali akong umalis sa agency para makarating agad sa ospital.

Pagkarating ko sa ospital ay lumapit ako agad sa ICU dahil doon dinala ngayon si mama.

Naluluha ako habang tinitingnan ko kung paano nirerevive ng doctor si mama. Bakit ganoon? Ngayon ko nga lang ulit siya nakita pero kinuha naman siya sa amin ni dad. Umalis ako sa ICU para tawagan si dad.

"Dad..." Tuloy pa rin ang pagpatak ng luha ko noong sagutin ni dad ang tawag ko.

"Oh? Bakit ka umiiyak? Ano nangyari sayo, Gael?"

"She... She's gone."

"Huh? Sino ang nawala?"

"Si mama. Wala na siya, dad."

"What?! Okay, pupunta ako diyan ngayon din!"

Sumandal ako sa pader habang tuloy pa rin ang pagtulo ng luha ko. Bakit niyo kami iniwan ni dad? Ang daya naman kasi.

"Mr. Albani." Napatingin ako sa doctor.

"Gael!" Napalingon ako ng marinig ko ang boses ni dad at lumapit na siya sa amin. "Doc, ano nangyari sa asawa ko?"

"I'm sorry. Ginawa na namin ang lahat."

"Sabihin mo nagbibiro ka lang!" Hinawakan ni papa ang balikat ng doctor. Ngayon ko lang ulit nakitang umiyak si dad. "Buhay ang asawa ko! Alam kong malalagpasan niya ang lahat na ito!"

"Sir, ginawa na namin ang lahat na makakaya namin para iligtas siya."

"No! This can't be happen! Buhay ang asawa ko!" Tumakbo papasok si dad sa ICU para puntahan si mama.

Hindi ako makapaniwala na may mas masasakit pa pala mangyayari sa buhay ko. Ang akala ko ang mas masakit noong araw na niloko ni mama si dad pero ang pinaka masakit ngayon. Wala na siya at hindi na namin siya makikita pang muli. Ni hindi ko man lang siya nakausap para patawarin. Ang huling bisita ko sa kanya noong kasama ko si Eina at sinisi ko siya sa lahat na ginawa niyang mali kay dad.

I'm sorry. I'm really sorry.

Her StalkerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon