Eina's POV
Pumunta kami ni Isaac sa isang park dahil wala naman akong pasok ngayong araw at dito gusto pumunta ng anak ko.
Hinahayaan mo lang siya maglaro sa ibang bata at ako naman ay nakaupo lang sa malapit habang nakatingin sa phone ko. Ni minsan ay hindi na nagtetext o tumatawag sa akin si Jay. Sana nga hindi na lang totoo ang sinabi niyang hiwalay na kami. Tatanggapin sana kung gusto na niya muna lumayo at magisip dahil mas naiintindihan ko iyon pero ang hiwalay. Hindi ko maintindihan. Gusto niya nakipag hiwalay sa akin dahil may anak na ako sa ibang lalaki at kasama ko pa ang ama ni Isaac noong araw na iyon. Kaya sinabi sa akin ni Jay na mas mabuti na lang ang piliin ko ang ama ng anak ko. Bakit ganoon ang sinasabi nila sa akin? Kahit si kuya Jake ay gusto piliin ko si Gael. Hindi ba nila iniisip ayaw ko magpakasal sa isang babaerong katulad niya at kaliwa't kanan ang mga babaeng kasama niya palagi. Ayaw ko naman kasi masaktan ang anak ko kapag nalaman niyang maraming babae kasama ang kanyang ama.
Nakarinig ako ng sigaw sa malapit kaya napalingon ako sa paligid para hanapin si Isaac at may nakita ako daming tao nakapalibot sa isang pwesto. Nagmamadali akong pumunta doon baka sakaling nandoon rin si Isaac pero mas kinagulat ko sa aking nakita.
"Isaac!" Lumapit ako sa anak ko at ang dami ng dugo ang nawala sa kanya. "Tumawag kayo ng ambulansya!"
Pumatak na ang luha ko habang nakatingin sa walang malay kong anak. Hindi ako makapag isip ng maayos ngayon. Hindi ko kayang mawala sa akin si Isaac. Siya na nga lang ang nagbibigay ng lakas sa akin.
"We better bring to the hospital immediately." Nakarinig ako ng isang familiar na boses at kinuha niya sa kamay ko si Isaac kaya sumunod na lang sa kanya.
Sumakay na kami sa kotse niya at pinalipad na nga niya ang kanyang kotse para lang makarating kami agad sa malapit na ospital.
Pagkarating namin sa ospital ay dinala na agad si Isaac sa operation room. Sobrang bata pa ng anak ko para mangyari ito sa kanya.
Please, save him.
Napatingin ako sa katabi ko ng hawakan niya ang kamay ko at lumingon rin siya sa akin. Kahit pa paano ay concern rin siya sa anak niya.
"I know everything's fine. Magiging maayos din ang kalagayan ni Isaac."
"A-Ano ang ginagawa mo doon?"
"I'm your stalker, remember? Kahit saan ka pumunta ay nandoon din ako." Kumunot amg noo sa sinabi nito. Wala akong oras makipag biruan sa kanya. Nasa panganib na nga ang buhay ng anak niya. "Kahit alam ko na ang lahat ay sinusundan pa rin kita at iniisip ko kahit sa malayo na muna ako ay makita lang si Isaac. Baka kasi maguluhan ang bata kapag sinabi natin sa kanya ang totoo."
Kaya pala nandoon rin siya sa lugar na iyon.
Tumayo na ako ng may doctor na lumabas mula sa operation room.
"Doc, musta na po ang anak ko?" Hindi mawala ang panginginig ng kamay ko sa takot na pwedeng mangyari kay Isaac.
"He is stable now pero marami ang nawalang dugo sa kanya kaya kailangan ng blood transplant. Kaso mahihirapan tayo makahanap ng kapareho ng blood type niya."
Tama ang sinabi ng doctor. Masyado kasing rare ang blood type ni Isaac at ilan lang ang may ganoon sa mundo. Hindi ako pwede mag-donate ng dugo dahil madalas din akong puyat. Wala na akong choice kaya napatingin ako kay Gael. Siya na lang ang pagasa para gumaling si Isaac.
Lumapit ako sa kanya sabay hawak sa dalawa niyang kamay at napaangat naman siya ng tingin sa akin.
"Gael, ikaw na lang ang pagasa ko para gumaling si Isaac." Sabi ko habang may pumapatak ang luha ko. "Pumayag ka na kasi buhay ng--"
Hindi natapos ang sasabihin ko noong tumayo na siya at lumapit na sa doctor na kausap ko kanina.
"Doc, ako na ang magbibigay ng dugo sa bata." Tumango lang ang doctor bago utusan ang isang nurse at sumunod naman sa kanya si Gael.
Maya maya pa ay nakita ko na si Gael bumalik sa labas ng operation room kung saan ako naghihintay sa magiging resulta.
"S-Salamat." Naiiyak na naman ako sa hindi ko alam ang dahilan. Kusa na lang kasi tumulo ang luha ko ngayon pero nagulat ako ng yakapin niya ako.
"Sabi ko nga sayo kanina ay magiging maayos ang lahat. Kahit hindi ko pa nakakasama si Isaac ay alam kong palaban siyang bata. Kaya tumahan ka sa kakaiyak mo."
Kahit pa paano ay may mabuting puso pa rin pala ang taong ito. Dahil siguro anak niya rin ang nasa panganib.
Lumabas na ulit ang doctor kaya lumapit na ako sa kanya.
"Naging maayos na ang lahat, misis. Dadalhin na lang ang anak niyo sa sem--"
"Sa private room niyo ilagay ang pasyente." Sabi naman ni Gael.
"Okay po, sir." Tumalikod ang doctor para sabihan ang nurse na kasama niya.
"Wala akong pera para sa private room."
"Huwag mo na isipin ang mga babayaran sa ospital. Ako na ang bahala sa lahat na gastusin."
"Alam ko naman hindi ito libre. Huwag ka magaalala kapag nakaipon na ako ay babayaran na kita."
"Hindi ko kailangan ng pera." Kumunot ang noo ko sa kanya. Hindi niya kailangan ng pera? Eh, ano? Maging alipin ako sa kanya? Hindi naman siguro, no. "Gusto ko ikaw mismo ang maging kabayaran."
Napanganga ako doon. Literal nanganga talaga dahil sa sinabi nito. Napaka manyak ng lalaking ito kahit kailangan at hindi ko pa nga nakakalimutan ang ginawa niya sa akin sa kotse niya. Muntik na may mangyari ulit sa amin.
"Ano? Ang manyak mo talaga." Paniguradong namumula na ang pisngi ka.
"Sige ka. Pwede ko ipalabas na isa kang pabayang ina dahil sa nangyari sa bata ngayon."
Kainis talaga ang lalaking ito. Hindi ko naman sinasabing hindi ko kayang labanin si Gael kung umabot man kami sa korte pero wala naman akong kilalang magaling na abogado.
"Oo na. Pumapayag na ako sa kagustuhan mo ngayon. Basta huwag mo lang ilayo sa akin si Isaac." Nakita ko ang pagngisi niya sa akin.
"Madali lang naman akong kausap, Eina. At gagawin ko ang lahat para sa anak natin."
Maliban sa isa. Ang bigyang buo ang pamilya niya.
Iyon lang kasi ang malabong mangyari kung hindi naman namin mahal ang isa't isa. Kaya bakit pa kami magpakasal at magsasama sa isang bahay? Tsk.
BINABASA MO ANG
Her Stalker
Roman d'amourSiya si Gael Albani, kilala siyang certified playboy dahil paiba iba ang nagiging babae nito at wala sa vocabulary nito ang salitang commitment dahil hindi siya naniniwala sa forever simulang naghiwalay ang mga magulang niya. Isa siyang magaling na...