Naging abala sila sa pag hire ng ilang staff para sa restaurant namin. Marami rin ang nag-apply kaso wala masyadong nagustuhan sina dad at tito Yuric sa mga nag-apply. Gusto ko sana tumulong pero ang sabi ni tito Yuric na sila na lang daw ang bahala bago pa siya bumalik sa Paris at asikasuhin ko na lang daw ang nag-ina ko ngayon habang wala pang ginagawa sa restaurant.
Dahil sa gusto pumasyal ni Eina ngayon kaya pinasyal ko ang mag-ina ko sa mall. Kita nga sa mukha ni Isaac ang saya dahil first time namin pumasyal sa mall na magkakasama.
"Nagenjoy ka ba, little guy?" Tanong ko kay Isaac habang karga ko siya.
"Opo!" Masiglang sagot ng anak ko.
Dumaan kami sa isang toy store para bilihan ng bagong laruang kotse si Isaac. Tuwang tuwa nga si Isaac noong sinabi kong bibilihan ko siya ng bagong laruan."
"Huwag mo naman masyadong i-spoil ang anak natin, Gael. Baka lumaki iyan na spoiled dahil sa ginagawa mo ngayon sa kanya."
"Ayos lang iyon. Minsan lang naman tayo maging bata kaya dapat enjoyin niya." Nakangiting sagot ko kay Eina. Totoo naman kasi dapat enjoyin ni Isaac habang bata pa siya. Napailing lang ng ulo si Eina sa akin. Binaling ko ang tingin kay Isaac noong nandito kami sa toy car section. "Ano ang gusto mo, little guy? Kahit anong gusto mo bibilihin ko pero isa lang ah. Baka magalit sa akin ang mommy mo."
Pinagiisipan pa talaga ni Isaac kung ano ang gusto niyang kunin pero iba ang tinuro niya. Si Bumblebee ng Transformers ang tinuro niya. Sabagay, pwede naman mag-transform si Bumblebee para maging kotse rin siya.
Tiningnan ko ang presyo para malaman kung magkano ang Bumblebee na ito. Napalunok ako dahil ang mahal pala.
"Magkano iyan?" Tanong ni Eina sa akin.
"Ah, mura lang." Naiilang akong tumawa. Pagbabawalan ako ni Eina na bumili ng mahal para kay Isaac kaya sinabi ko na lang mura ito. Hindi ko pwedeng ibalik dahil nangako ako kay Isaac na bibilihan ko siya ng kahit anong gusto niya.
Nang iniscan na yung laruan sa cashier ay pakiramdam kong tinitingnan ako ng masama ni Eina.
"Iyan na pala ang tinatawag mong mura ngayon, Gael. Almost 4,000 ang laruan na binili mo para sa anak mo."
"It's okay. Last na ito." Sabi ko at lumabas na kami sa toy store.
"Akala ko ba nagiipon tayo para sa kasal natin?" Tanong niya sa akin. Hindi pa nga ulit ako nagpropose sa kanya pero kasal agad ang topic. Malamang kailangan rin naman ang magipon para sa kasal. Ang gusto ko sana yayain si Eina magpakasal sa Venice, Italy kung saan unang nagpakasal sina papa at mama bago sila nagpakasal dito sa Pilipinas. Sa totoo lang, pangatlong kasal nila noong nagpakasal sila dito. "Ano ang iniisip mo ngayon? Bigla ka na lang tumatimik."
"Nagugutom na ako. Tara kain na tayo at sigurado akong gutom na rin si Isaac." Pagiwas ko sa tanong niya. Hindi ko kasi alam kung paano ko ba sasabihin kay Eina kung ano ang plano ko sa kasal.
Kumain kami sa isang restaurant dahil gutom na rin naman si Isaac at mabuti na lang ay wala masyadong tao sa restaurant kaya nakaupo kami agad.
"May problema ka ba, Gael? Sabi ko nga sayo huwag mong solohin ang problema." Binaling ko ang tingin kay Eina habang hawak ang menu booklet na tinitingnan ko kanina.
"Wala naman akong problema. Bakit mo naman naitanong?"
"Dahil ang tahimik mo. Hindi kasi ako sanay na tahimik ka. Kaya naisip ko baka may problema ka."
"Ah yun ba? Iniisip ko lang ang tungkol sa kasal. Eh, hindi pa nga ako nagpropose sayo."
"Hindi ba nagpropose ka na sa akin?"
Nagtawag na ako ng waiter pero kunot ang noo kung sino ang lumapit sa table. Shit, ang kaibigan ni Tiffany.
"Hello, detective pogi." Bati niya sa akin. I like the way he called me.
"Uh, hindi ko alam dito ka pala nagtatrabaho." Sabi ko. Sarap sapukin ang sarili ko ngayon. Nawala sa isip ko sa isang restaurant pala nagtatrabaho si Cameron. Siya din nagpapasok kay Tiffany sa trabaho noong umalis siya sa DL Corp.
"Yes. Dito ako nagwowork. Busy ang mga waiters kaya ako na lang ang lumapit sa inyo."
Sinabi ko na kay Cameron ang order namin and after that umalis na siya at tumingin ulit kay Eina.
"I don't know kilala mo rin pala siya."
"She is a good friend of Tiffany." Sabi ko. Pero tangina naalala ko na naman yung panahong gusto pakilala sa akin ni Red si Cameron. Kinakalibutan ako.
"Nakita ko nga siya noong birthday ni Mason."
"Selos ka? Don't worry, hindi ako pumapatol sa kapwa ko kahit may pusong mamon si Cam. Kinakalibutan ako sa tuwing naalala ko na may balak pakilala sa akin ni Red ang kaibigan ni Tiffany."
"Baka naman type ka niya." Natatawamg sambit ni Eina. Grr.. Tumaas yata ang balahibo ko sa katawan.
"Yeah, type kami pareho ni Dave pero sabi ko nga hindi ako pumapatol sa kapwa ko."
"Sabi na nga ba. Halata naman may gusto sayo iyon. Anyway, may balak ka pa bang magpropose sa akin?"
"Oo naman. Binalik mo kaya sa akin yung singsing."
"Sorry talaga. Ang akala ko kasi may anak kang iba maliban kay Isaac kaya nasaktan ako doon."
"Ayaw mo naman kasi makinig sa akin noon. Pumunta pa nga siya sa bahay kasama yung bata na anak ko daw kaya hiningian ko siya ng pruweba na patunay anak ko yung batang babae. Sinabi ko rin nga magpa DNA kami ng bata pero hindi pumayag."
"Yeah, sinabi nga sa akin ni tito Nick ang tungkol diyan." Kumunot ang noo habang nakatingin sa kanya. Nagkita sila ni dad noon? Bakit hindi ko alam ang tungkol doon? "Isang beses lang kami nagkita ni tito Nick dahil pumunta siya sa DL Corp. at sinabi niya sa akin ang lahat. Alam kong mali ako dahil hindi ako nakinig sa paliwanag mo sa akin. Sorry talaga, Gael."
"It's okay." Hinawakan ko ang kamay niya nakapatong ko sa table habang pinipisil iyon.
Pagkatapos namin kumain ay nagpasya na kami ni Eina na umuwi na pero may nadatnan akong familiar sa akin.
Si Dave ba iyon?
Hindi ako pwedeng magkamali at sigurado akong si David ang nakita ko kanina. May kasama siyang babae. Sino kaya iyon? Himala yata may kasamang babae ngayon ang kaibigan ko na hindi ko inooffer sa kanya ang isa mga naging babae ko noon. Kilala ko ang kaibigan kong iyon dahil hindi naman siya nakikipag date kung kani-kanino lang. Hindi ko naman siya katulad.
Sabagay, mabait naman si David na kahit kanino.
BINABASA MO ANG
Her Stalker
RomanceSiya si Gael Albani, kilala siyang certified playboy dahil paiba iba ang nagiging babae nito at wala sa vocabulary nito ang salitang commitment dahil hindi siya naniniwala sa forever simulang naghiwalay ang mga magulang niya. Isa siyang magaling na...