Sa mga nagaabang ng 3rd series ng Agent (Jake's story) wala pa siya. Actually, binabasa ko ulit ang story ni Zion dahil nakalimutan ko na ang pangyayari. 😂
Konektado kasi ang magiging story ni Jake sa story ni Zion at dito rin.
~~~~
Eina's POV
Simulang nagising ako kahapon ay hindi man lang nagpakita sa akin si Gael. Siguro talagang sinisi niya ang kanyang sarili noong naaksidente ako at alam ko rin araw-araw siyang pumupunta para bisitahin ako pero kahapon lang siya hindi bumisita.
Tumingin ako sa side ko kung saan nakalagay ang vase. Alam kong si Gael ang naglalagay ng bulaklak doon araw-araw sa tuwing dumadalaw siya sa akin. Napapangiti ako kahit nasasaktan na siya ay nagagawa pa rin niya mageffort sa tuwing dumadalaw siya. Ganoon ba talaga magmahal ang isang Gael Albani?
Kahit wala akong malay noon ay rinig na rinig ko lahat na sinabi niya sa akin. He keeps saying sorry. Halos araw-araw na siya nagso-sorry sa akin dahil sa nangyari.
May narinig akong katok at bumukas na ang pinto kaya napangiti ako.
"Hi, sis. Sorry kung ngayon lang ako nakadalaw. May inaasikaso lang kasi ako." Sabi ni kuya Jake sa akin.
"Inaasikaso? Ano naman iyon? Mukha kasing importante pa iyon kaysa sarili mong kapatid." Kunwari nagtatampo ako kay kuya Jake ngayon.
"I already met her. Actually, last year ko pa siya nakilala."
"Really? Bakit hindi mo siya pinakilala sa amin?"
"Balak ko naman siya pakilala sa inyo kahit kilala na siya nila papa."
"Mahal mo ba siya, kuya?" Tumango naman sa akin si kuya Jake. I know my brother. Loko-loko siyang tao pero seryoso naman sa mga bagay-bagay. "Kung ganoon ay gusto ko siyang makilala."
"Okay, dadalhin ko siya sa bahay pagkalabas mo rito." Ako naman ang tumango kay kuya Jake. "May kasama pala akong makulit ngayon."
Napangiti ako noong binanggit ni kuya Jake na may kasama siyang makulit. Kilala ko na kung sino ang tinukoy niya.
"Mommy!" Lumapit sa kama ko si Isaac. Oh, I really missed my son. "I miss you."
"Namiss rin kita, baby." Hinalikan ko siya sa pisngi noong nakaupo na si Isaac sa tabi ko.
"Okay na po ba kayo?"
"Okay na ako dahil nakita ko ang anak ko ngayon." Pinag gigilan ko ang chubby niyang pisngi. Natulog lang ako ng halos pitong buwan naging chubby na ang anak ko.
"Makikita ko po ba ulit si daddy?" Napatingin ako kay kuya Jake dahil nakatingin pala siya sa amin. Binaling ko ulit ang tingin kay Isaac. Alam na kasi ng pamilya namin especially papa na si Gael ang ama ni Isaac.
"Soon, baby. Puntahan natin ang daddy mo paglabas ko rito ah."
Hindi ko naman narinig umangal si kuya Jake. Kahit kapatid ko pa siya ay hindi siya pwede umangal dahil iyon ang kahilingan ng anak ko. Ang makita ulit ang daddy niya.
"Sis, kailangan ko na umalis. Hatid ko na muna si Isaac sa bahay bago pa ako pumasok." Tumango na lang ako kay kuya Jake.
"Pero tito, gusto ko pong kasama si mommy." Nagsimula na ang tantrum ni Isaac.
"Hindi ba ang sabi ko sayo kailangan ng mommy mo ang magpahinga pa."
"Sige na, baby. Pwede ka pa naman bumalik dito kung bibisita ang lola mo."
Sumunod naman sa akin si Isaac kaya umalis na sila ni kuya Jake. Kaso hindi mawala sa isip ko kung sino kaya yung tinutukoy ni kuya Jake na future wife niya. Is she a decent woman? Kung anong klase ba siyang tao.
May narinig akong katok at laking gulat ko na lang noong pumasok si sir Red.
"Sir, sorry po kung pitong buwan ako hindi pumasok. Pangako po babalik ako kapag nakalabas na ako rito."
"No it's all right. Kailangan mo rin ang magpahinga."
Simulang kinasal si sir Red kay Tiffany ay ang laki ng pinagbago niya. Sa tagal ko pa naman nagtatrabaho sa DL Corp ay hindi naman ganito ang ugali niya. Hindi uso sa kanya ang ngumiti at kung matagal nang absent ang isang empleyado niya ay sisisante na niya. At hindi lang iyon prinomote pa niya ako as chief financial officer. Pinagkatiwala niya sa akin ang finance ng kumpanya.
"Let me go! Damn it!" Biglang bumilis ang tibok ng puso ko noong makarinig ako ng familiar na boses.
"Hello." Bati ng isa nilang kaibigan kaya ngumiti lang ako sa kanya. Hindi lang pala si sir Red ang dumalo. Kumpleto silang tatlo. "Alam ko hindi ito ang tamang lugar para magpakilala pero I'm David. Siguro narinig mo na ang tungkol sa akin."
"Mabuti naman alam mong hindi ito ang tamang lugar pero tinuloy mo pa rin." Natawa ako ng mahina sa sinabi ni sir Red. Binaling niya ulit sa akin ang tingin. "Iwanan na namin kayong dalawa para naman makapag usap kayo."
Pagkaalis nina sir Red at David ay ang awkward dahil kaming dalawa lang ni Gael ang nandito.
"Hi." Bati niya sabay kamot sa kanyang batok. Hindi rin makatingin sa akin ng deretso. "Musta ka na?"
"Masaya dahil pumunta ka ngayon."
"Hindi naman ako pupunta kung hindi naman ako kiniladkad ng mga gago kong kaibigan kanina." Nalungkot ako sa sinagot niya sa akin. Wala talaga siyang balak bumisita ulit sa akin simulang nagising ako.
"Alam ko naman sinisi mo ang sarili mo sa nangyari sa akin noon. Pero pwede bang kalimutan na lang natin ang nangyari? Ang importante naman buhay ako ngayon."
"Kahit anong gawin natin ay kasalanan ko pa rin. Kung hindi lang ako babaero noon ay sana hindi ka masasaktan ngayon. Buhay pa sana ang magiging anak natin. At saka wala naman dapat tayo pagusapan ngayon, Eina. Sige, uwi na ako dahil marami pa akong gagawin." Kumunot ang noo ko sa huli niyang sinabi. Maraming gagawin? Wala naman trabaho si Gael dahil binenta na niya ang kanyang agency. O baka naman may nakabili na sa lupa. No no no! Hindi ako papayag.
"Gusto ka ulit makita ng anak mo. Pwede ba kami bumisita sa inyo kapag nakalabas na ako rito?" Nakita ko ang pag ngiti ng pilit ni Gael sa akin at nakikita ko rin ang kalungkutan ng mga mata niya.
"Oo naman. Miss ko na nga si Isaac dahil matagal na panahon na rin ang huling kita ko sa batang iyon. At sigurado akong matutuwa rin si dad kapag nakita niya ulit si Isaac."
Mabuti naman pumayag siyang bumisita kami ni Isaac sa kanila kahit alam ko naman ginagawa lang naman ito ni Gael para sa anak namin. Hindi para sa akin.
Mahal pa ba ako ni Gael?
BINABASA MO ANG
Her Stalker
RomanceSiya si Gael Albani, kilala siyang certified playboy dahil paiba iba ang nagiging babae nito at wala sa vocabulary nito ang salitang commitment dahil hindi siya naniniwala sa forever simulang naghiwalay ang mga magulang niya. Isa siyang magaling na...