Hi y'all. Malapit na matapos ito at ibig sabihin magkakaroon na ng 3rd series ang agent (Jake's story)
ABANGAN!
~~~~~
Katulad ng ginagawa ko araw araw ay ako ang nagluluto ng agahan namin ni dad. Dahil busy rin kami ni Eina asikasuhin ang kasal namin ay minsan na lang ako nakakadalo sa restaurant.
Nang nilapag ko na ang mga niluto ko ay may narinig akong nagdoorbell. Ang aga aga may naliligaw na naman sa bahay namin ngayon. Sino naman kaya ang isturbong nagdodoorbell sa ganitong oras?
Kumunot ang noo ko ng makita ko kung sino ang isturbo sa ganitong oras. Ano naman ang ginagawa nila dito?
"Tangina naman, Gael. Kabastusan naman iyang ginawa mo sa amin." Reklamo niya dahil sa biglang pagsara ko ng gate. Ayaw ko ng bwesita dahil may usapan pa kami ni Eina magkikita mamaya para tuloy pagusapan ang kasal.
"Ano ba kasi ang ginagawa niyo rito?"
"Nalaman namin ni Red na nagpropose ka ulit kay Eina. Hindi mo man lang kami inimbitahan sa grand opening ng restaurant at sa engagement niyo." Halata sa boses ni David ang pagtatampo dahil nakalimutan ko nga sila sabihan bago naganap ang grand opening.
"Heto nga pala pinamimigay ni Tifa." May inabot si Red sa akin na isang paper bag. "Kahit imbitahin mo ko ay hindi ako makasigurado kung makakapunta kami dahil buntis si Tifa. And she said congratulations sa inyong dalawa."
"Paki sabi kay Tiffany salamat." Taos puso kong tinanggap ang binigay sa akin ni Red kaya tiningnan ko ang laman. Isang tupperware. Ano kaya laman ng tupperware na ito?
"Share daw kayo ni Eina diyan sa ginawa niyang cookies."
Cookies pala ito.
"Basta ba huwag mo kami kalimutan imbitahin ni Red sa kasal niyo ah, pre. Congrats din dahil ikakasal ka na."
"Salamat sa inyo."
Binigyan ako ng isang brother hug ni David at tinapik ang likod ko.
"I'm happy for you. You deserve a better person." Bulong niya sa akin.
"Pasok na muna kayo baka kasi hindi pa kayo kumakain."
"Hindi na rin naman ako tatagal dahil kailangan ko na rin umuwi sa bahay. Habang hindi pa nga nanganganak si Tifa ay sa bahay na muna ako nagtatrabaho." Sabi ni Red na kinatango ko.
"Sumabay lang ako kay Red papunta rito at may kailangan pa akong asikasuhin sa station." Tumango ulit ako sa kanila.
"Sige, ingat kayo."
Muling nagpaalam sa akin ang dalawa kong kaibigan at sinarado ko na ang gate namin. Bumalik na ako sa loob at nakita kong gising na si dad.
"Sino yung kausap mo kanina?"
"Sila Red lang yun. Nagmamadali na rin sila dahil busy sa kanya-kanyang buhay."
Bigla ko naalala yung nakita ko si David noong isang araw. I'm sure siya iyon. Hindi ako pwedeng magkamali pero sino yung kasama niya doon sa mall.
Napailing ako para alisin iyon sa isipan ko. It's not my business. Kung sino man iyon ay baka tinulungan lang siya ng kaibigan ko.
Magkikita kami ni Eina sa isang restaurant na malapit sa kanila at nakita ko na siya parating kasama ang gwapo naming anak.
"Hi." Tumingin ako sa kanya sabay ngiti. "Sorry kung sinama ko si Isaac kasi walang tao sa bahay ngayon."
"It's okay. Gusto ko rin naman makasama si Isaac ngayon." Nagtawag ako ng waiter para maglagay ng high chair dito at pinaupo na ni Eina si Isaac sa high chair.
"Order na muna tayo habang nandito ang waiter." Tumango sa akin si Eina kaya sinabi ko na doon sa waiter ang order namin.
Habang naghihintay sa order namin ay pinagusapan na namin ang plano sa kasal. Isang simpleng kasalan lang ang magaganap ngayon. Ayaw kasi Eina engrande. Yung kami kami lang daw. Mga kaibigan at pamilya lang ang imbitado.
"Ang dami pagpipilian kung saan maganda kaya lang mahirap pumili. May suggest ka ba kung saan?" Inangat ni Eina ang tingin sa akin noong nilapag niya sa table yung mga pictures kung saan pwede ikasal. Kung ako lang ang masusunod ang gusto ko sa Venice kami ikasal, eh.
"Kung ako ang mag-suggest ang gusto ko sa Venice, Italy."
"Bakit doon?" Kunot noo tanong ni Eina sa akin.
"Doon kasi kinasal sina mama at dad as their first wedding."
"What do you mean?"
"Ang sabi ko nga sayo noon mayaman ang pamilya ni mama at ayaw ng lolo ko kay dad kaya tinanan niya si mama. Nagpakasal sila na wala nakakaalam at bumalik sila pinanganak na ako ni mama noon kaya wala na magawa ang lolo ko na ipakasal ulit sila. Noong pumunta sila dito sa Pilipinas ay nagpakasal ulit sila as their third wedding."
"I'm not sure. Ang layo kasi ng Italy dito, Gael at saka mahihirapan tayo makakuha ng ticket papunta doon. Ang dami kaya natin at ang gastos pa. Ang dami rin aasikasuhin."
"It's okay. Naiintindihan ko naman at pwede naman tayo magpakasal doon kung naisipan natin magbakasyon sa Italy." Nakangiting sabi ko sa kanya.
"Pwede naman. Dito na muna ang unang kasal natin." Tumingin ulit siya sa mga pictures. "At parang gusto ko sa Tagaytay magpakasal."
"Sure. Let's go there this weekend." Tumango naman sa akin si Eina.
Dumating na rin ang pagkain namin kaya nagsimula na kami kumain.
"Paano naman ang susuotin natin?"
"I know someone who can help us. She is a good friend at kapatid na ang turing ko sa kanya."
"Sino naman? Don't tell me one of your flings." Mabilis akong umiling. Mapapatay ako ni Red wala sa oras kapag nangyari iyon.
"Sarah De Luca. I mean kasal na nga pala siya kaya Hernandez na ang apilyido niya ngayon."
"Parang familiar sa akin."
"You should dahil kababatang kapatid siya ng boss mo."
"Ahh.. Naalala ko na yung kasal na inattend ko noon. Yes, kapatid pala siya ni sir Red."
"Yes. Siya lang kasi ang unica hija ng De Luca kaya bantay sarado ang mga kuya niya sa kanya."
"Pero in fairness pumayag ang mga kuya niya magpakasal siya ah."
"Ayon sa kwento ni Pula noon ay buntis si Sarah kaya naipakasal siya kay Rocco Hernandez. Noong umattend naman ako ng reception nila ay mukha naman naalagaan niya si Sarah. Nakahanap ng mabuting asawa si Sarah."
"Paano naman niya tayo matutulungan?"
"May sarili kasing boutique sila magkakaibigan kaya pupunta tayo doon pagkatapos natin kumain."
BINABASA MO ANG
Her Stalker
RomanceSiya si Gael Albani, kilala siyang certified playboy dahil paiba iba ang nagiging babae nito at wala sa vocabulary nito ang salitang commitment dahil hindi siya naniniwala sa forever simulang naghiwalay ang mga magulang niya. Isa siyang magaling na...