Chapter 40

1.2K 34 0
                                    

Pagtapos namin kumain ay pumunta na kami sa boutique nila Sarah.

Pagkapasok na pagkapasok namin ay kitang kita sa mukha ni Eina ang tuwa sa nakikita niyang gown. Isa kasi magagaling na fashion designer sina Sarah at ang mga kaibigan nito. Hindi lang iyon sikat ang boutique nila.

"Wel--" Humarap na kami ni Eina habang karga ko si Isaac. "Kuya Gael. Hindi ko inaasahan pupunta pala kayo rito. Ano ang maitutulong ko sa inyo?"

"Hi, Sarah. It's good to see you again. Ito nga pala si Eina, ang fiancee ko at ito naman si Isaac, ang anak namin." Pinakilala ko sila kay Sarah.

"Wow. Hindi ko rin inaasahan magpapakasal ka na ngayon." Natawa ako ng mahina at binaba ko si Isaac sa isang couch na malapit. "Ate, ano ang pinakain sayo ni kuya Gael?"

Imbes na sagot ang marinig namin kay Eina ay tumawa lang siya ng mahina.

"Sorry. May naalala lang ako. Tinanong ko rin kasi ang girlfriend ng kapatid ko kung ano ang pinakain niya kaya pumayag na magpakasal sa kanya."

"Ganoon ba? Hindi lang kasi ako sanay na magseseryoso si kuya Gael sa isang babae. Sa tuwing nakikita ko kasi siya ay iba ibang babae ang kasama niya."

"Hindi ko maitatanggi iyan."

"Nakahanap ka ng kakampi mo ngayon, love. At Sarah, hindi iyan ang pinunta namin dito ni Eina. Kaya kami nandito dahil gusto namin ikaw ang gumawa ng susuotin niya."

"Sure. It's my pleasure."

May isa pang babae ang lumapit sa amin. Si Jessa, ang pinsan ni David at ang laki na ng tyan niya. Buntis ba siya? Ang balita ko ang asawa niya ay isang Montemayor. Lumapit din ang isa pa nilang kaibigan na si Eunice. Lahat sila ay kasal na.

Naunahan pa ako ng mga ito. Psh.

Pinakilala ko rin sa kanila si Eina at Isaac. Hindi nga naniniwala sina Jessa at Eunice na magpapakasal na ako. Mas sanay kasi sila sa dati kong buhay. Pwede naman siguro magbago, diba?

Sinukatan na si Eina para sa wedding gown niya at sinabi na rin ng bride ko kung anong gown ang gusto niya. Walang problema sa tatlong ito.

Pagkatapos namin ay nagpaalam na kami kila Sarah at sumakay na kami sa kotse.

"Paano ka naman?"

"Madali lang makahanap ng masusuot ko. At ako na rin ang bahala kay Isaac." Sabi ko habang nagmamaneho.

"Hindi na ako makapag hintay na ikasal sayo."

"Ako rin naman."

Pagkahatid ko ang mag-ina ko sa kanila ay dumeretso na ako sa restaurant para magtrabaho. Babalitaan ko pa kasi si dad sa paguusap namin ni Eina kanina.

"Musta naman ang pagplano niyong pagpakasal?" Tanong ni dad sa akin. Nandito siya ngayon sa opisina niya.

"All settled. Araw ng kasal, cake, yung susuotin namin, invitation pero yung lugar ay pupuntahan pa lang namin sa weekend."

"Saan niyo naman balak magpakasal?"

"Pinagusapan namin sa Tagaytay na lang."

"Oh, ang akala ko ba ang gusto mo maikasal sa Italy." Kunot noo sabi ni dad sa akin. Nasabi ko kasi sa kanya ang tungkol doon noon. Balak ko yayain si Eina magpakasal nga sa Venice.

"Pinagusapan na rin namin ang tungkol diyan, dad. Ang plano namin magpakasal sa Venice kapag nagbakasyon kami doon." Patango tango pa ng ulo si papa.

"Ang wedding invivation ba ay naayos niyo na?"

"Yes. Isa iyon sa importante sa kasal. Kaya hindi pwedeng makalimutan. Isang simple wedding lang naman itong gaganapin, eh."

"Kahit isang simple wedding ito ay minsan lang tayo ikasal. Kaya ang kasal niyo muna ang asikasuhin niyo. Huwag mo muna isipin ang restaurant at ako. Marami naman ang tumutulong sa akin dito."

"Mas kampante ako noong magkaroon tayo ng restaurant, dad dahil marami tayong empleyado na tutulong sa atin. Hindi katulad sa karinderya na ikaw lang ang nagtatrabaho araw-araw."

Kahit may bubong ang karinderya ni dad ay mainit pa rin ang loob lalo na sa kusina. Hindi katulad dito naka aircon.

"Ako rin naman. Natupad na rin ang pangarap ko magkaroon ng isang restaurant. Ang akala ko nga hanggang panaginip lang mangyayari ito."

"Kung magtulungan tayo ay magagawan natin ng paraan. Kahit magkakaroon na ako ng sariling pamilya ay tutulungan ko pa rin kayo, dad."

"Ngayon na ba ako maniningil?" Napatingin ako kay dad. Maniningil? Saan? Wala naman akong inutang sa kanya.

Shit, ang slow ko! Maniningil si dad sa mga pagsisikap niya para lang makapag tapos ako sa pagaaral.

"Kayo. Kung gusto niyo ang magbakasyon. Sabihan niyo lang ako."

"Napag isip ko lang na bumalik na muna sa Italy para dalawin ang lolo't lola mo."

"Sasama ako?" Mabilis naman umiling sa akin si dad.

"Hindi mo kailangan sumama. Asikasuhin mo ang kasal."

"Kayo lang ang babalik? I want to meet them, dad."

Hindi ko kasi nakilala ang mga lolo't lola ko both side. Nagkaisip kasi ako ay nandito na kami sa Pilipinas nakatira kaya hindi ko na sila nakilala.

"Maybe next time. Ang sabi mo nga kanina ay may balak kayo ni Eina magpakasal din doon. Pwede niyo rin sila dalawin."

"Pero hindi ko alam kung saang sementeryo."

"Sabihan niyo lang ako kung pupunta na kayo sa Italy para sabihin ko sayo kung saan."

"Okay." Maiksing sagot ko kay papa.

"By the way, nasabihan niyo na ba si Yuric na malapit na ang kasal niyo ni Eina? Hindi iyon papayag kapag hindi siya invited."

"Kakausapin daw siya ni Eina para makapunta sa araw mismo ng kasal namin. Hindi papalampasin ni tito Yuric ang kasal ng unica hija niya. Dapat ikaw din."

"Aba, siyempre. Hindi ko papalampasin ang kasal ng nagiisang anak ko."

Napalingon ako sa may pinto noong may kumatok at niluwa noon ang isang waiter namin.

"Sir, may isang customer ang nagrereklano sa ibaba at gusto kayo makausap ngayon."

"Ako na lang ang kakausap sa kanya, dad."

"Mabuti pa nga dahil marami pa akong ginagawa ngayon."

Sinamahan na ako ng waiter doon sa customer na nagrereklamo pero nanigas ang katawan nang makita kung sino. Fuck, one of my flings.

"Good afternoon, ma'am." Napatingin naman siya sa akin at halatang nagulat siya.

"Gael. Baby." Sabay hawak sa braso ko.

Shit, shit. Sa daming lugar. Bakit dito pa mismo sa restaurant namin.

Binawi ko ang braso ko sa pagkahawak niya.

"Sorry, miss. Kung ano man ang pagitan sa atin noon ay kalimutan mo na lang dahil masaya na ako kung ano meron ako ngayon."

"Totoo ngang nagbagong buhay ka na dahil hindi na kita nakikita sa mga club ngayon."

"Yes. Masaya na ako kasama ang fiancee ko at anak namin."

"Hindi naman ako mang gugulo sa buhay niyo. And congrats."

"Thank you."

"By the way, may reklamo ako kasi may isang pagkain na hindi ko naman inorder kaso yung waiter ay pinipilit na inorder ko daw iyon."

"Ganoon ba? Sige, papalitan ko na lang. Ano ba ang gusto niyo?"

"No, no. Wala naman talaga akong inorder na ganito." Sabay turo sa pasta con pomodoro e basilico. One of our best chef choice.

"Okay, tatanggalin ko na lang ito." Kinuha ko na ang isang putahe na hindi naman niya inorder. "Buon appetito."

Her StalkerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon