Pagkarating ko sa bahay, agad akong pumasok sa kwarto at pinakawalan ang mga luhang kanina pa nagbabadyang tumulo.
Tinapon ko sa kama ang bag ko.
Umupo ako at niyakap ang tuhod. Sinubsob ko ang mukha ko sa tuhod ko at humagulhol ng iyak.
Wala naman dito sa bahay sina mama at papa. Tanging ang katulong lang namin ang kasama ko sa bahay ngayon.
Wala akong pakialam kahit marinig niya pa ang lakas ng pag iyak ko.
Wala akong pake!
Ang sakit!
Ang sakit-sakit ng dibdib ko.
Paano niya nagawa saken to? Paano?
Nagtiwala ako sa kanya. Nagtiwala ako!
Bakit? May pagkukulang ba ako? Hindi pa ba ako sapat para sa kanya? Ginawa ko naman lahat ah, may kulang pa ba dun?
Kung meron ma, dapat sinabi niya saken para mapunan ko.
Hindi yung hihiwalayan niya nalang ako bigla. Sa harap pa ng mga kaibigan at mga kaklase namin.
Bakit?
Bakit sa iba niya hinanap ang pagkukulang ko kung meron man?
Mas lalo akong naiyak sa mga isiping yun.
Hindi ko akalaing ang isang taon at anim na buwang relasyon ay mauuwi lang sa wala.
Hindi ko matanggap!!
Umiyak ako ng umiyak.
Hindi ko na nga ma-imagine kung ano na ang hitsura ng mukha ko neto.
Paano na?
Paano ko na mahaharap ang mundo nito?
Masyado niya akong pinahiya sa harap ng mga tao kanina.
Tuwang tuwa pa naman ako nang tawagin ako ni Adrian dahil may sasabihin daw si Kent sa akin.
Hindi ko alam pero parang kinakabahan ako pero agad ko na ding niligpit ang mga gamit ko.
"Tara na"..
Bakit parang ang lungkot ng boses niya?
Parang may mali.
" She's here, Kent. As you wish" malamig na tugon ni Adrian sa kaibigan niya
Mapalad na ngiti ang sinalubong ko sa kanila pero gayon nalang ang pagka dismaya ko nang makita si Kent na may inaakbayang magandang babae.
Kung titingnan, mas maganda nga ito saken. Mukhang mayaman, malaki ang boobs, sexy at matangkad.
Agad kumunot ang noo ko sa view na nakikita ko ngayon.
"Kent? Ano'ng ibig sabihin nito?" malumanay kong tanong sa kanya. Pinigilan ko ang sarili ko na maiyak
"Isn't it obvious? I'm breaking up with you, Raniella" malamig at may pagka sarkastiko ang pagkakasabi niya
Ngumingiti lang yung babaeng kayakap niya habang tumataas-taas ang kilay at head to toe akong tiningnan.
"What? Ganun lang yun, Kent?" wala sa sarili kong tanong
Namumuo na ang mga luha ko pero hindi ko hinayaang tumulo ito.
Hindi siya sumagot sa tanong kong yun. Tahimik lang siya. Napapansin ko rin na tahimik lang ang mga kaibigan niya.
Nalulungkot sila sa eksena namin ni Kent ngayon. Bakit?
At yun yung nangyari.
Pagkatapos niyang makipaghiwalay saken, umalis na sila ng mga kaibigan niya.
BINABASA MO ANG
Stupid Mistake (WILL BE EDITED SOON)
Teen FictionTHIS STORY DO NOT FOCUS ON FAIRY TALES BUT ON DECISIONS, ACTIONS AND SURVIVAL. Alamin ang patutunguhan ng kanilang kwento. Kent Luis Mendoza and Raniella Dela Cruz's story P.S: This story is UNEDITED so expect some errors.