Kabanata 2

1.7K 33 0
                                    

Lumipas ang mga araw. Ganun pa rin ako. Umiiyak  lang ako ng umiiyak, hanggang sa magsawa na ako at mapagod. Hanggang sa makatulog ako at magising na naman, at iiyak ulit.

Sobra akong naapektuhan sa ginawa ni Kent saken.

Ba't bigla siyang nagbago?

Okay naman kami ah? Okay ang relationship namin sa isa't isa kahit dun sa mga kaibigan niya.

Bakit?

Anong dahilan?

Hanggang sa lumipas na ang two weeks.

Malamig parin siya saken. Pilit ko siyang kinakausap kahit hindi na matitino ang mga sagot niya.

Nakaka-intimidate narin yung mga titig na ibinibigay niya saken.

Hindi ko na nakikita ang pagmamahal sa mga mata niya.

Hindi man lang ba siya nagsisi sa break up namin?

One day nun, tinanong ko siya kung bakit niya yun nagawa.

"Cause you're not yet enough, Raniella. You can't give everything I want. What's the sense of being your fucking boyfriend, huh? It doesn't make sense anymore.!" nalalaglag ang utak ko sa mga sinabi niya

Yun yun? Dahil ba hindi ko maibigay ang katawan ko?

Umiling ako sa naisip kong yun.

Then suddenly I realized, it's not love anymore. It's lust, Kent.

It's lust....

Kaya ba siya naghanap ng iba dahil dun?

Naisip kong i-text si Kent kung nasaan siya. Bahala na. Alam kong wala siyang ganang makipag-usap saken pero kakausapin ko parin siya.

To Kent:

Where are you?
Let's talk, please?

Para akong tanga na naghahabol sa kanya mula pa noong nakaraang linggo.

Naisip ko na ang kapal ng mukha niya. Siya pa nga itong nakipag break saken, siya pa tong may ganang mag galit-galitan.

Gusto kong isampal sa mukha niya ang mga salitang yan pero mas nangibabaw talaga ang pagmamahal ko para sa kanya.

From Kent:

The place where I first brought you.

Agad kong naalala yun kung saan at walang iba kundi sa Amusement park. Gustong-gusto ko kasi ang mga rides noon kaya niya siguro naisip na dalhin ako dun para sa first date namin.

Agad naman akong nagbihis. Nagsuot lang ako ng high waste at denim jacket na napapailaliman ng white na crop top tapos nagsuot din ako ng vanz.

Mas gusto ko kasi ang ganito. Simple lang.

Pagdating ko sa Amusement park, agad ko siyang hinanap. Mga 10 minutes lang akong naghanap at nakita ko narin siya, finally.

Nakatalikod siya kaya niyakap ko siya ng mahigpit.

Narinig ko ang pagsinghap niya at pagbuntong-hininga.

Parang gusto kong isipin na nagustuhan niya ang yakap kong iyon pero bago ko paman naipikit ang mata ko, pilit niyang kinuha ang kamay ko na naka pulupot sa bewang niya.

Stupid Mistake (WILL BE EDITED SOON)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon