Matapos ang two days na exam namin, nagsimula narin kami para sa lessons na coverage ng exam para sa 4th quarter.
Ina-nounce din kung sino ang pasa sa mga subjects at hindi.
Unexpectedly, I passed pati si Kleah maliban kay Karyll.
At dahil dun, kailangan niyang magtake ng removal exam.
As expected, si Kent na naman ang top 1, kasunod niya si Florens at Adrian na nasa top 2 at top 3.
Top 4 lang ako. Well, ano pa ba'ng bago dun? Their group always excel at wala na akong paki dun.
Matapos ang klase namin, pumunta na agad ako sa parking lot ng school.
No more thoughts about Kent.
Yan ang goal ko.
Pagdating ko dun, napagtanto kong wala pa pala dun si Manong. Sayang, magpapasundo pa naman ako.
Dati kasi, si Kent ang laging humahatid at sumusundo sa akin pauwi o papuntang school.
Pero ngayon, kailangan ko na atang masanay.
Bumuntong hininga ako at akmang tatalikod na nang biglang may humatak saken sa likuran habang yung isang kamay niya ay nasa bibig ko.
Agad niya akong ipinasok sa sasakyan niya. Pagkatapos, pumasok din siya sabay lock ng pinto.
"Open the door, Kent. I need to go home!" malamig ang tono ko habang nakatingin sa kanya
Bakit ganun? Ang bilis parin ng heartbeat ko. Walang nagbago.
"Then I'll send you home." malamig din ang pagkakasagot niya saken
"Tss. Tanga kaba o nagbubulag-bulagan lang? You're not my boyfriend anymore, Kent! Ba't mo pa ak ihahatid? Wala ka ng karapatan!" sigaw ko sa kanya
Titig na titig yung mga mata ko kasabay ng pagbilis ng tibok ng puso ko.
Nakakainis! Pati puso ko, nakikiusyuso!
"Oh, tutunganga ka lang? I-unlock mo na yung pinto!" sigaw ko na naman sa kanya
Konting-konti nalang maiilang na talaga ako sa katititig niya. Malalim ang mga iyon. Parang may ibig sabihin.
Oh jusko! Tukso, lumayo-layo ka saken ngayon! Hindi ako pweding bumigay. Nasasaktan pa ako ngayon. Nasaktan niya ako!
"Why are you acting like this, Ran? Pretending huh? I don't think you've moved on so easily, Ran" seryoso pero may halong lungkot ang sinabi niya
"Raniella not Ran, Kent. Just for correction. At ano bang sinasabi mong " pretending " diyan? Walang pagp--" hindi niya ako pinatapos dahil agad niya akong hinalikan.
Noong una, masyadong diin ang pagkakahalik niya until it turned to be passionate.
Gusto ko siyang itulak pero ang puso ko ang pinakinggan ko.
Tanga na kung tanga. And yes, I kissed him back.
Kahit anong deny ng utak ko, sinasabi ng puso ko na miss na miss ko na siya.
"Ran, I ......" he said in between our kisses
Nakaawang pa ang bibig ko. Damn! But I'm still waiting him to kiss me again.
BINABASA MO ANG
Stupid Mistake (WILL BE EDITED SOON)
Teen FictionTHIS STORY DO NOT FOCUS ON FAIRY TALES BUT ON DECISIONS, ACTIONS AND SURVIVAL. Alamin ang patutunguhan ng kanilang kwento. Kent Luis Mendoza and Raniella Dela Cruz's story P.S: This story is UNEDITED so expect some errors.