John's POVIlang oras na ang lumilipas pero nandito parin ako sa kwarto ni Dylan hindi lang para bantayan siya kundi pati narin bantayan si Kent. Baka kasi gumawa na naman ito ng kalukuhan na magpapalala ng mga bagay-bagay.
Nandito rin si Ran. Kanina pa siya iyak ng iyak. Pagkagising niya, hindi na namin siya mapigilan. Lagi niyang sinisisi ang sarili niya kung bakit nasa ganitong sitwasyon si Dylan.
Even Kent, he doesn't know what to do. Lahat naman kami ganun. Wala kaming kakayahan na patahanin siya.
I'm hurt. I feel so much hurt seeing her like that.
Pero anong magagawa ko?
Hindi ko siya pweding yakapin para iparamdam sa kanya ang comfort ko. Nandito pa naman si Kent. Nasa tamang pag iisip pa ako para ilugar ang sarili ko. Kaya hangga't kaya kong pigilan ang nararamdaman ko, gagawin ko para hindi na magkagulo.
"Please, stop crying." niyakap siya ni Kent mula sa likuran
Napalunok ako nang ginawa niya yun. Fuck! I can't help myself to feel this damn pain in me!
"Fuck! What should I do to make you stop! You're hurting me Ran, stop crying." nakita ko na mas hinigpitan ni Kent ang pagkakayakap niya rito
Iniwas ko nalang ang tingin ko. Kaming tatlo lang ang nandito. Si Warren, Kent at ako. Gusto ko na nga sanang umuwi si Warren pero sabi niya sabay na raw kami.
"Dylan....Dylan..." tawag ni Ran sa kanya
Hindi ko mapigilan ang sarili ko na tingnan si Raniella. Napaka miserable niyang tingnan. Nakakaawa siya. Masyado siyang nasasaktan ngayon.
Kahit anong pilit ko na mag-isip ng ibang pweding gawin, walang pumapasok sa isip ko.
"Kasalanan ko lahat ng 'to. Kasalanan ko!" she screamed out of pain
Patuloy lang si Kent sa pagyakap sa kanya na parang naiiyak narin. I know what he feels. Naiintindihan ko kung bakit ganyan nalang niya yakapin si Raniella. Siyempre, mahal na mahal niya yan.
Kung ako rin, ganyan din ang gagawin ko.
"Shhh, stop blaming yourself Ran. Wala kang kasalanan." pilit parin siyang pinapakalma ni Kent
Tumayo nalang ako at akmang lalabas na nang bumukas ang pinto at pumasok ang doktor.
Lahat ng atensyon namin ay napunta sa presensya ng doktor at hindi maganda ang pakiramdam ko sa pagpasok niya.
"Kailangan kong makausap ang pamilya ng pasyente. Sino sa inyo?" seryoso nitong saad habang humahakbang papalapit sa kama ni Dylan
Walang nagtangkang magsalita. Si Jane naman kasi tong dapat na kakausap sa doktor dahil siya ang kapatid pero since nakakulong siya, sino na ang kakausap sa kanya ngayon.
"A...ako ho. P-pwedi niyo ho akong k-kausapin." nanginginig ang boses niya
Ano mang oras ay iiyak na naman si Raniella. Ang masakit, wala akong magagawa para patahanin siya.
Napatingin si Kent sa kanya. I can see in his eyes na gusto niyang tumutol pero hindi niya ginawa.
"Shit! Just talk all of us, okay?" medyo galit ang boses ni Kent
Pagkatapos nun, isang masamang balita lang ang natanggap namin. Bigla kaming natahimik. Para kaming binuhusan ng malamig na tubig.
It couldn't be!
He can't be dead!
Sa kabila ng mga nagawa ni Dylan, hindi ko parin nagawang ipagdasal na mapunta siya sa ganitong sitwasyon. Naging parte siya ng pagkakaibigan namin. Naging parte siya ng rambulan, tampuhan, tawanan at kalokohan.
BINABASA MO ANG
Stupid Mistake (WILL BE EDITED SOON)
Teen FictionTHIS STORY DO NOT FOCUS ON FAIRY TALES BUT ON DECISIONS, ACTIONS AND SURVIVAL. Alamin ang patutunguhan ng kanilang kwento. Kent Luis Mendoza and Raniella Dela Cruz's story P.S: This story is UNEDITED so expect some errors.