Kabanata 18

807 18 0
                                    

Nang malamang nasa hospital na si Ran, Isabel took her car away from their house para puntahan ito. After a while, Danny reluctantly followed her.

Ilang minuto ang biyahe dahil mabilis nilang pinatakbo ang sasakyan. Isabel was crying while on her way to the hospital.

Nadatnan niya agad ang mga malalapit na tao sa anak niya, sina Kleah at Karyll. Halatang katatapos lang umiyak ng mga ito dahil namumugto pa ang kanilang mga mata.

Nandoon din sina Warren at John. Tulad ng napag usapan, sila na muna ang magbabantay sa dalaga habang nasa imbestigasyon sina Kent.

"Hija, kumusta na siya?" tears starting to fall from her eyes

"She's stable, Tita but....." Kleah cannot speak directly

Masyado siyang nasaktan sa nakikita niyang  kondisyon ng kaibigan. Bago pumasok sa kwarto ni Ran, pinunasan muna ni Isabel ang mga luha niya. Pagkapasok niya doon, parang nanghina ang buong katawan niya. Naaawa siya sa kalagayan ng nag-iisa niyang anak. Marami itong benda at hindi niya alam kung bakit.

"Ran, ....anak ko." she whispered and gently touch Ran's face

Maya-maya pa, napahagulhol na siya ng iyak. She can't really imagine that her daughter was prone to danger and she can do nothing to make her safe. Minsan sinisisi niya rin ang sarili niya dahil wala siyang nagagawa para protektahan ito mula sa mga taong nananakit sa kanya.

Kleah and Karyll heard her cry kaya pumasok din ang mga ito para yakapin siya.

"Tita, she'll be okay right?" Kleah asked her while still hugging each other

"Sana nga, hija. Hindi ko ata kaya kung hindi siya magiging okay." naiiyak na sambit niya

Ilang minuto rin ang lumipas nang makarating si Danny. Pumasok siya sa kwarto pero hindi siya pinapansin ni Isabel at ng dalawa. Tumingin siya sa direksyon ni Ran, nakaramdam siya ng pag-aalala para dito pero hindi niya lang ipinakita sa asawa niya.

Sa dami ng nangyari kay Ran, ito ang pinakamalala. Wala siyang malay for almost 5 days kaya hindi rin maiwasan nina Edward, Kent at ng buong tropa ang mag-alala.

"Why are you here, Danny? Akala ko ba wala kang pakialam sa kanya, ha? Ano pang pinunta mo dito? Umuwi ka nalang or else, pumunta sa opisina mo! We don't need you to be here so better leave now!" sambit ni Isabel nang hindi tumitingin sa asawa

Masama parin ang loob niya dito dahil sa naging usapan nila kagabi. Tumayo narin si Danny pero nagsalita siya bago lumabas.

"I hope she'll be fine." napatingin sina Kleah at Karyll sa kanya. Kahit hindi nila aminin, those words from him is actually strange lalo na at mismong sa bibig niya nanggaling

Bago tuluyang nakalabas, natingnan pa ni Isabel ang likuran ng asawa kaya napabuntong hininga lang siya.

Sa kabilang banda, naghanap nalang ng ibang lugar si Dylan para pagtaguan. Confident naman siya na wala siyang naiwang ebidensya para malaman nina Kent na siya ang nagtago kay Ran sa lugar na yun. Ayaw niyang malaman ng mga ito na niligtas niya si Ran kay kamatayan. Baka isipin nila na may kabutihan parin sa kanya at hindi yun pweding mangyari.

Matapos ang imbestigasyon ay agad nagtungo ang anim sa hospital. Sakto naman na may pumasok na doktor.

"The patient is now stable but we still need to make some tests. You don't need to be worried. Anyway,  she's still unconscious because she lost much blood pero dahil nasalinan na siya, I assure you that anytime pwedi na siyang magising."

That was absolutely a good news for everyone. Pero kahit ganun, hindi parin buo ang kasiyahan nila dahil hindi pa nahuhuli si Dylan pati yung taong naglakas loob na itago si Ran for three days.

During investigation, negative na si Dylan ang kumuha kay Ran kaya malamang ibang tao yun.

"Bakit naman nag-abala pa siyang itago at gamutin si Ran?" Florens whispered in his mind while his hands place on his jaw

Nakasandal lang siya habang katabi si Adrian na nakasandal rin at nakapamulsa.

Si Kent naman at Edward, tig-isa sila ng kamay ni Ran. Si Kent nasa kaliwa habang sa kanan naman si Edward. Halatang galit si Kent dahil nakahawak si Edward sa kamay ng taong mahal niya.

"Let go off her hand." He said coldly

"Don't mind me. Besides, she's not your girlfriend anymore." malamig din ang sagot ni Edward sa kanya habang nakangiti ng nakakaloko. Ayaw niya lang magpatalo dito.

"SHUT YOUR FUCKING MOUTH! You don't know what happened!" lumalakas na ang tensyon sa pagitan nila kaya inawat narin sila ni Adrian at Florens

Sina Kleah at Karyll kasama si Tita Isabel ay lumabas na muna para kumain at bumili ng pagkain para sa dalaga. Sina Warren at John ay umuwi rin muna para kumain since lunch time narin.

"Pwedi ba, wag nga kayong mag-away! You can still do that but not now and not here!" pag-awat sa kanila ni Florens habang si Adrian naman ay nakahawak sa balikat ni Kent

"Calm down." bulong sa kanya ni Adrian

"Palalagpasin ko to ngayon pero sa susunod hindi na, tandaan mo yan." sambit ni Kent sabay upo

Pilit niyang pinapakalma ang sarili para narin kay Ran.

Sa kabilang banda, nang makauwi na si Kleah ay dumiretso narin si Isabel  sa bahay nila maliban kay Karyll na pumunta muna sa kanya ang stepmother niya.

Hindi namamalagi si Caroline sa mansion nila dahil ay may business din ito sa New York. Hindi naman sila nag-aaway pero hindi rin sila sobrang close. Hindi lang talaga kaya ni Karyll na palitan na sa puso niya ang mommy niya. Namatay ito dahil sa sakit sa breast cancer. Kahit marami silang pera noon, hindi nila napa undergo ng therapy ito dahil sadyang nilihim lang niya ang sakit niya.

"Kumusta ka na hija?" her step mom calmly asked her pagkatapos nilang kumain

"Not so good." matipid niyang sagot habang sumisipsip ng juice. Honestly, okay naman talaga siya but not completely because of Ran's condition

Napangiti nalang si Caroline. Alam niyang hindi pa siya tanggap ng dalaga pero ginagawa niya naman lahat para magustuhan nito.

"Okay, how about your school? I know you're doing great, huh? balik tanong niya kahit alam niyang wala itong gana para kausapin siya

" Everything is fine. Where's Dad? Aren't he going home?" pag iiba ng topic ni Karyll

Ayaw niya kasi sa inaasta ni Caroline na pag alala. Ayaw niyang umasta  ito na para bang tunay niyang mommy dahil sa puso't isip niya, nag iisa lang ang mommy niya.

"I'm sorry hija, but he can't just leave his work there. Alam mo naman, diba? Busy siya sa bus--"

Karyll seemed irritated for her answer so she cut her off.

"Yeah, business matters. That's it, right? Wala naman akong halaga sa kanya." sambit niya at tumayo na

"Don't think like that Karyll. Your Dad loves you that's why he's doing everything for you." napatayo narin si Caroline at medyo malakas na ang boses niya

"Don't ever talk to like that. And please, stop acting like my mom cause you will never ever be my Mom, okay?" sagot niya at umalis na

Caroline was left there hanging. Hindi niya kayang i-absorb sa utak yung mga sinabi ng stepdaughter niya. Mahal niya ito at totoo yun. Wala naman siyang balak na palitan ang mommy nito. Ang gusto lang niya ay makita ng dalaga na totoo ang pagmamahal na pinapakita niya.

Napaiyak nalang siya at bumalik sa pag upo. Medyo marami-rami rin ang mga kumakain kaya maraming mata ang nakatingin sa kanya ngayon.

" I hope someday, you will accept me Karyll. Wala akong balak palitan ang mommy mo. All I want is for you to feel how to have a mother again...."

Yahooo! Musta na? Paramdam naman diyan mga readers. Pa vote narin :)
@elvade

Stupid Mistake (WILL BE EDITED SOON)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon