Kabanata 36

569 14 0
                                    

Adrian's POV

Nang makarating na kami sa ospital, agad kong pinaasikaso sa mga nurse si Ran dahil hindi ko na kaya pang makita ang ekspresyon ng mukha ni Kent ngayon.

Siguro pag may special powers lang siya, matagal ng nawasak tong ospital dahil kanina niya pa ito pinagsusuntok. We never have the guts to stop him from doing that. Kilala namin siya, pag galit siya kailangan niya ng mapagbubuntunan ng galit ay ayaw naming maging kami yun.

Agad kong pinabihisan si Ran kanina dahil puno ng dugo ang damit niya galing sa tama ni Dylan. Hindi nga namin alam kung bakit andami ng dugo ni Dylan, isang tama lang ng baril ang mayroon siya pero parang tinadtad siya ng bala.

Habang nakaupo sa waiting area dun sa labas ng kwarto ni Ran, biglang bumukas yung pinto. Agad napunta ang atensyon namin sa doktor na tumingin sa kondisyon ni Ran.

"Kumusta siya!" galit na tanong ni Kent sa doktor

Nilapitan ko narin si Kent dahil baka pag hindi niya nagustuhan ang magiging sagot ng doktor ay suntukin niya ito ng walang pasabi.

"Wag kayong mag-alala sa pasyente. Nawalan lang siya ng malay dahil sa sobrang pagod. Magigising din siya anumang oras ngayong araw." sagot nung doktor sa kanya

I took a deep sigh for that news. Buti nalang talaga.

Nilagpasan na ni Kent yung doktor at pumasok na sa loob.

"Excuse me." sambit naman ng doktor at umalis na

Sinabihan ko narin siya na tingnan si Dylan. As long as possible, ayokong may mamatay dito sa ospital namin na kakilala.

Bumalik na ako sa upuan. Pag upo ko, sinulyapan ko si Edward na nakasandal lang sa pader. Blangko ang ekspresyon niya.

Sina Florens naman, kasama si Warren at John ay bumisita kay Pinky.

Galing narin naman ako dun. She's fine pero hindi pa siya pweding idischarge dahil masyado pang mahina ang katawan niya.

Habang nakaupo, naisipan kong tawagan si Chief para makibalita sa kaso ni Jane. Actually, hindi naman talaga siya nahuli ng mga pulis, kusa niyang isinuko ang sarili niya at yun ang hindi namin maintindihan.

"She's here. Katatapos niya lang magbigay ng statement. After nun, she never speak again. Tulala na siya at wala man lang reaksyon nang ipasok siya sa selda. Separated siya mga kasama niya dahil baka pag initan siya ng mga ito. Wag kayong mag alala, I'll always set time to give you an update."
yan lang ang mga sinabi niya at tinapos ang tawag

May iba pa daw siyang gagawin.

Maya-maya pa, dumating narin sina Kleah at Karyll. Agad akong tumayo para yakapin si Kleah dahil habang papalapit ito, umiiyak na siya.

Si Karyll naman, agad pumasok sa kwarto ni Ran.

"Okay lang naman siya diba?" tanong saken ni Kleah habang nakayakap ako sa kanya

Hinahaplos ko lang yung likod niya para maramdaman niya ang comfort ko.

"Of course. Hindi naman malala ang kondisyon niya kaya wag ka ng umiyak diyan." seryoso kong sagot sa kanya

Stupid Mistake (WILL BE EDITED SOON)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon