Makalipas ang ilang oras na paghihintay ay natapos narin ang surgery ni Dylan."How was it?" salubong ni Jane sa surgeon nang lumabas na ito ng room
"Don't worry, he's okay."
"Good job." matipid na sambit ni Jane at nilagpasan na yung surgeon
Pagpasok niya sa loob, agad namang inabot ni Andrew yung bayad at pinaalis na siya. Bago ito umalis, binalaan niya na muna ito na kapag nagsalita siya tungkol sa bagay na iyon ay papatayin siya ni Andrew. Hindi na umimik pa ang surgeon at dire diretso na sa paglalakad paalis dun.
Sumunod naman si Andrew sa loob para tingnan ang sitwasyon ni Dylan. May nakabalot pa sa mukha nito. Nakahiga siya sa kama habang natutulog.
Magiging okay narin naman siya sa susunod na araw.
Hindi naman napansin ni Andrew na wala sa paligid si Pinky. Ang totoo, abala na si Pinky sa pagpapatakas kay Maureen.
"Bilisan mo, Maureen. Baka mahuli tayo!" mahinang sigaw ni Pinky sa kanya habang sinisilip ang dadaanan nila
Kailangan niyang makasigurado na hindi sila makikita ng mga tauhan ni Jane.
Nang mapansin ni Pinky na walang tao dun, binilisan nila ang paglalakad. Kailangan nilang umabot dun sa pintuan para dire diretso na ang paglabas ni Maureen. Total, natawagan narin naman ni Maureen ang ate niya at nakaabang na ito sa labas ng bahay.
"Saan kayo pupunta!" sigaw nung lalaking nasa likuran nila
Gulat na napalingon sina Maureen at Pinky sa lalake kaya agad silang tumakbo.
"Shit! Hindi ko siya napansin! Takbo, bilis!" sigaw ni Pinky sabay hawak sa braso ni Maureen
Hindi ito makatakbo ng mabilis dahil napilayan ito dulot nung pagtapon ni Andrew sa kanya dun sa bodega.
"Tigil!" sigaw nung lalake at nagpaputok ng baril
Agad namang nakuha ng putok na yun ang atensyon ni Andrew at Jane na nasa loob ng kwarto ni Dylan.
"Anong ingay yun!" gulat na sigaw ni Jane kay Andrew at mabilis na lumabas sa kwarto
Sumunod naman sa kanya si Andrew sabay kapa ng bewang niya kung saan nakasukbit yung baril niya.
"Oh God, ang kapatid ko!" bulong ni Maurice sa sarili nang marinig ang putok ng baril
Kasama niya sina Warren at John dahil wala si Florens nang pumunta siya sa ospital. Isa pa, hindi na muna siya nagsama ng mga pulis dahil baka mas lumala pa ang sitwasyon.
Akmang lalabas na ng kotse si Maurice pero pinigilan siya ni John.
"Yung kapatid ko..." lumuluha na ang mga mata niya
May pagkatanga yun pero mahal niya parin yun. Hindi niya matatanggap kapag may masamang nangyari dito.
"Trust her, Maurice. Makakalabas siya, sigurado ako." pagpapakalma ni John sa kanya
Mas lalong kinabahan si Maurice nang nasundan pa yun ng maraming putok.
Maluwag ang bahay na yun. Maraming pasikot sikot kaya sigurado, marami ka ring pagtataguan."Find them and don't let them out of this house, now!" sigaw ni Jane sa mga lalake
"Siguraduhin niyo lang na hindi masasaktan ang kapatid ko!." pahabol na sigaw ni Andrew
"Pasaway talaga yang kapatid mo!Whatever happens to her, she deserve it. Traydor!" sarkastikang sambit ni Jane at naglakad na
Susundan niya ang mga tauhan niya.
BINABASA MO ANG
Stupid Mistake (WILL BE EDITED SOON)
Teen FictionTHIS STORY DO NOT FOCUS ON FAIRY TALES BUT ON DECISIONS, ACTIONS AND SURVIVAL. Alamin ang patutunguhan ng kanilang kwento. Kent Luis Mendoza and Raniella Dela Cruz's story P.S: This story is UNEDITED so expect some errors.