Third Person's POV
Finally it's Friday. Eto na ang araw na pinakahihintay ni mga estudyante. Maliban sa pagdating ng School President, ngayon din ang performance ng banda nina Kent.
Actually, hindi lang naman talaga sila ang naatasang mag perform pati narin ang dance group at theater club pero hindi ipagkakaila na ang grupo ng banda ang pinakahinihintay ng lahat.
"We only have thirty minutes bago magsisimula ang performance natin, bro!." Warren shouted from the other line
Kausap niya si Adrian ngayon.
Agad namang hinablot ni Kent ang phone at nakipag-usap kay Warren."I don't fucking care! All I want right now is to find Raniella, that's it!" balik na sigaw ni Kent sa kanya
They are looking for Raniella simula pa noong nakaraang araw. Kahit anong tawag ay hindi rin naman nila ito ma-contact.
"Fine bro, susunod nalang kami ni John." then he ended the call
Magkasama silang lahat ngayon maliban kay Edward. Hindi niya talaga maatim na makisama ng matagal kay Kent. Kahit na pigilan niya ang sarili, hindi niya naman alam kung hanggang saan ang kaya ng pagpipigil niya.
He did his best the other day to calm down. Wala din siyang ibang gustong gawin noon kundi iligtas si Ran mula kay Dylan.
Sa kanilang lahat, si Dylan ang pinakamalapit sa kanya. Pareho rin silang nasaktan ng husto nung panahong mas pinili ni Ran si Kent.
From that day, Dylan's life became miserable. Si Edward naman, napilitang pumunta ng Seoul para mas madaling makalimot. But then a news from his Tito really made him happy. Nalaman niya kasing nag break na sina Kent at Ran kaya sinigurado niya talaga ang makabalik agad.
Kung si Kent kaya siyang saktan, pwes gagawin ni Edward lahat para mapasaya lang ulit ito.
"Dylan, I will kill you. Magbabayad ka ng malaki pag nalaman kong sinaktan mo si Ran. Papatayin kita. Papatayin kita!!" Kent close his fist and screamed
Wala siyang pakialam kahit may mga dumadaang tao at napapatingin sa direksyon nila.
Pati sina Florens at Adrian, napapatingin lang sa kanila.
"Calm down, bro. Mahahanap natin siya." mahinang sambit ni Florens sabay tapik sa balikat nito
"How could I calm down? It's been three days! Baka napahamak na yun!" sinabunutan niya ang kanyang sarili kaya napapabuntong hininga lang din ang mga tropa niya
Higit kanino man, ang mga kaibigan niya ang nakakaalam ng totoo. Kent was force to break their relationship for his Dad's company and for her safety. Pinaliwanag yun ni Florens kay Ran dati pero hindi ito nakinig. Mas nangibabaw ang sama ng loob nito kay Kent.
"Damn this shit! Hinding hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may masamang nangyari sa kanya!" sigaw niya ulit sabay sipa nung gulong ng kotse niya
"Enough, bro. Sinasaktan mo lang ang sarili mo!" napasigaw na rin si Adrian at hinawakan niya ito sa balik at
"Let go of me! Damn!" he always screamed out of his anger
Maya-maya pa, dumating narin sina Warren at John. Agad nagmadaling lumabas ang dalawa at halatang hinihingal.
"It's good that you're still here. May balita kami." hinihingal parin habang nagsasalita si Warren. Napayuko pa siya sabay hawak sa tuhod niya
Those words caught Kent's attention as well as the others.
"Kailangan nating puntahan yung warehouse. Yung nasa likuran nung school. Ayaw namin kayong pangunahan kaya minabuti naming puntahan muna kayo dito." kalmadong sambit ni John
BINABASA MO ANG
Stupid Mistake (WILL BE EDITED SOON)
Teen FictionTHIS STORY DO NOT FOCUS ON FAIRY TALES BUT ON DECISIONS, ACTIONS AND SURVIVAL. Alamin ang patutunguhan ng kanilang kwento. Kent Luis Mendoza and Raniella Dela Cruz's story P.S: This story is UNEDITED so expect some errors.