Kabanata 26

650 12 0
                                    

Nasa ospital parin ang si Mr. Ken pero medyo maayos na ito. Pero kahit ganun, hindi pinaiwanan ni Kent ng bantay ang ospital. Maraming pulis ang nagbabantay sa labas ng kwarto ng Dad niya pati na sa entrance nito. Nakakalat ang maraming pulis sa loob paramas secured ang Dad niya. Wala naman yung problema dahil ang Dad mismo ni Adrian ang umisikaso para dun.

"I'll go with you" Florens suggested

Gusto niyang sumama kay Kent at Adrian sa police station para sa update ng paghahanap nila kay Dylan at Jane.

"No, you should stay. Baka mabinat ka pa niyan kapag pinilit mo." sagot ni Edward sa kanya

Matapos kasi ng usapan nila ni Karyll, sinamahan na ni Edward si Kent pabalik sa ospital. They can still feel the awkwardness between them dahil hindi pa naman sila official na nagkakaayos pero naging okay naman ang atmosphere while nasa biyahe sila.

"Tss. Pambihira naman. Mukha ba akong hindi okay ha? Hindi naman mal--" Kent cut him off

"You'll stay here, that's final. Isa pa, nandito naman si Warren at John. Kung mabo bored ka, bugbugin mo lang yung dalawa." may halong pagbibiro pero seryoso ang mukha niya sabay tingin sa dalawang nagtatalo na naman.

Napatawa nalang si Florens.

"Okay sige, sabi mo yan eh." pag sang ayon niya

Agad namang nagkatinginan si Warren at John.

"Naku, mukhang matatae ata ako bro. Alis muna ako ha, cr lang ako." pag arte ni Warren tapos may pahawak hawak pa sa tiyan niya at mabilis na lumabas sa kwarto ni Florens

"Ah..., ako rin! Cr lang din ako, bye!" pahabol ni John at tumakbo na palabas

"Warren, hintay!" rinig nilang sigaw ni John sa labas ng kwarto

Napailing nalang silang tatlo. Si Adrian kasi, nasa room pa ni Mr. Ken. Ibinilin kasi sa kanya ni Kent na hintayin niya nalang sila dun ni Edward dahil pupuntahan pa nila si Florens.

Kalaunan, pumayag narin si Florens na maiwan sa ospital. Nang makaalis na sila, nilibang nalang niya ang sarili sa pag you-Youtube. Na upload pala dun ang nangyari sa Kingdom Towermall. Lima ang patay , tatlong babaeng staff at yung dalawang guard habang 31 sa kanila ang naka confine pa sa ospital dahil sa sugat na natamo nila sa ulo.

Almost 30 minutes narin ang nakalipas pero hindi parin bumabalik sina Kent. Maya-maya pa, may unknown number na tumawag kay Florens.

Sinagot niya ang tawag pero hindi muna siya nagsalita.

"Florens, si Maurice to. Magkita tayo please. May sasabihin ako sayo." sambit nito sa kabilang linya habang umiiyak

"And why would I believe you, Maurice. Anong akala mo s--"

"It will help you find Dylan, sapat na ba yan para paniwalaan mo ako?" umiiyak parin na sambit ni Maurice

Dahil desperado na si Florens na malaman kung nasaan si Dylan, agad niyang pinuntahan ang address na pinasa sa kanya ni Maurice. Muntikan pa siyang hindi payagan ng mga pulis pero kalaunan ay pumayag din ang mga ito.

Pumunta siya sa park. Dun ang sinabing lugar ni Maurice sa kanya. Hindi niya na muna pinaalam sa mga kaibigan ang usapan nilang ito dahil baka false news lang or worst, bitag lang pala.

Sa di kalayuan, nakita niya si Maurice sa tabi ng swing. Nakapants at naka cap ito, naka hoodie rin ng gray. Bigla siyang nanibago nang makitang ganun ang ayos ng babae dahil kadalasan, sexy'ng mga damit ang sinusuot nito.

Nakatalikod ito sa kanya kaya hindi nito namalayan ang pagdating niya.

"Maurice." tawag niya dito sabay hawak sa braso nito

Stupid Mistake (WILL BE EDITED SOON)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon