"Damn this Ran, I missed you ......
Paulit ulit na bumabalik ang sinabi niya. Ang lungkot ng boses niya. Naglalasing siya.
Pero bakit? Bakit ganun siya kung umasta?
Hiwalay na kami, diba?
Para hindi na masyadong mahirapan pa sa kaiisip, pinatay ko ang cellphone ko at padabog iyong tinapon sa kama.
Ano'ng gusto niyang palabasin ngayon?
Ang hirap niyang intindihin. Nakakainis siya.
Kahit pa nangako na ako sa sarili ko na hinding-hindi na ako iiyak, ginawa ko parin.
Ganun naman ako eh.
Ako mismo ang sisira sa sarili kong pangako kaya nga lagi akong nasasaktan, diba?
Tinulog ko nalang matapos kong iiyak lahat ng hinanakit ko sa kanya.
Ang kapal talaga ng mukha ng Kent na yun!
Kinabukasan, pagdating ko sa school, nakasalubong ko si Florens, isa sa mga barkada ni Kent.
Akmang lalagpasan ko na siya nang bigla niyang hawakan ang braso ko.
" Can we talk for a second, Raniella?"
Kumunot ang noo ko sa tanong niyang yun. Tiningnan ko siya pero hindi ko siya nakatingin sakin.
"I'm sorry. May klase pa ako." sagot ko at akmang lalakad na nang bigla niyang higpitan ang pagkakahawak niya sa braso ko.
Masakit, pero hindi ko pinahalata.
"Please." mahina pero malungkot ang boses niya
Wala na akong nagawa nang dalhin niya ako sa library. Kumpara sa ibang lugar, mas tahimik ang library dahil di yun masyadong pinupuntahan ng mga estudyante.
Sa pinakadulo kami umupo dahil di daw kami pweding marinig ng ibang estudyante.
Ano ba kasi yung importante niyang sasabihin?
"This is about Kent, Ranielle. So please, ano man ang sabihin ko just listen. This is very important." panimula niya
He looks nervous...
"I can't help myself from hiding this, Raniella. So first, pag uusapan natin ang tungkol sa company ng mga Mendoza. This is where it starts." kumunot na naman ang noo ko sa sunod niyang sinabi
And why would I force myself to listen? Ano naman ang koneksyon nun saken? Samin?
"Wait! Are you talking about the company itself? Ano bang kinalaman ko dun?" napatayo na ako
Hindi ko kasi siya maintindihan.
"Will you please calm down and sit? Yan ang hirap sayo Raniella. Hindi ka marunong makinig. Can't you just listen to me? Common, I'm helping you and Kent!" nagpipigil ang boses niya pero ma awtoridad
I'm helping you and Kent!
Bigla namang tumatak sa isipan ko ang huli niyang sinabi kaya umupo nalang ulit ako para makinig..
Pagdating talaga sa walanghiyang yun, nanghihina ako. Nanghihina ang buong sistema ko.
"Raniella, I want you to know that he doesn't want this shit to happen. He was asked by his dad to end his relationship with you para hindi tuluyang bumagsak ang kompanya. Kent love his Dad and he'll do everything to make him happy."
BINABASA MO ANG
Stupid Mistake (WILL BE EDITED SOON)
Teen FictionTHIS STORY DO NOT FOCUS ON FAIRY TALES BUT ON DECISIONS, ACTIONS AND SURVIVAL. Alamin ang patutunguhan ng kanilang kwento. Kent Luis Mendoza and Raniella Dela Cruz's story P.S: This story is UNEDITED so expect some errors.