Edward's POVNang masigurado namin ang location ng lungga nina Dylan ay agad na namin itong pinuntahan.
Hindi na namin pinaalam pa kay Ran dahil siguradong hindi yun magpapapigil lalo na pagdating sa best friend niya, ex-best friend to be exact!
Ganun din naman si Kent, ayaw na ayaw niyang nalalagay sa panganib si Ran kaya nga sinuko ko na nga si Ran sa kanya. Pakiramdam ko kasi mas mapoprotektahan niya si Ran kapag siya ang nasa tabi nito. Isa pa, hindi ako ang nasa puso ni Ran. May parte nga ako sa puso niya pero alam kong bilang kaibigan lang din.
I knew it when I was in the hospital. Nung binabantayan niya ako nang matamaan ako ng bala sa tiyan, sa nangyaring barilan dun sa restaurant.
"Nasaan kaya siya ngayon?"
I can still remember those words she utter that time. And see? Kahit ako na'ng nasa tabi niya, si Kent parin ang nakikita niya at hinahanap niya.
After so many hours of thinking, narealize ko ang isang bagay. It doesn't mean na kapag mahal mo ang isang tao, ipipilit mo ang gusto mo para sa pansariling kaligayahan. Kapag nagmahal ka kasi, mas gugustuhin mong maging masaya siya at yan ang gusto kong mangyari.
Alam ko ang kasunduan ni Tito at Daddy ni Kent ng mga panahong yun. Nalaman ko dati kay Tito na bumabagsak ang kompanya ng Daddy ni Kent at sinamantala ko iyon. Dahil dun, hiningi ko kay Tito na tulungan niya si Mr. Ken sa isang kondisyon, kapag nakipaghiwalay si Kent kay Ran.
I know, it doesn't link to any business matters pero ginawa parin ni Tito. Binalaan niya pa nga si Mr. Ken na kapag hindi yun gagawin ni Kent, sasaktan ni Tito si Ran na alam kong hindi niya gagawin.
Natakot si Kent sa bantang yun. He knows Tito kaya ginawa niya parin kahit alam niyang masasaktan si Ran.
Nakita kong labis na nasaktan si Ran sa nangyari. Nasaktan rin ako. Alam ko naman na mangyayari yun pero umiral ang pagiging selfish ko that time. I love her. I really do pero matagal ko ring na realize na hindi pala ganun ang totoong pagmamahal.
A night after nung umalis si Ran matapos akong ihatid sa bahay ay humingi ako ng pabor kay Tito.
"Tito, can I still ask a favor?" yan ang mga salitang agad kong binitawan nang masiguro kong nakaalis na si Ran
I told him that I'm already giving up. Ginawa ko yun hindi dahil sa duwag ako o sumusuko na ako. I've realized that sometimes, it's better to let go of someone you love dahil alam mo kung saan siya mas sasaya.
"Are you sure?" nagtatakang tanong saken ni Tito nun
"Yeah, I'm sure Tito. I love her but I'm not the right man for her." I told him seriously
I smiled at him but deep inside, I'm dying.
Tinapik niya ang balikat ko at tiningnan ako ng seryoso.
"I hope you won't regret it, son. But despite of your decision, let me say this. I'm so proud of you. You're a good man, I hope someday, the right girl will come for you."
Mahal ko si Ran kaya hindi ko kakayaning makita siya na naghihirap dahil saken. Ayokong matali siya sa bagay na hindi naman siya magiging masaya so I'm letting her go no matter how how deep the pain it caused.
BINABASA MO ANG
Stupid Mistake (WILL BE EDITED SOON)
Teen FictionTHIS STORY DO NOT FOCUS ON FAIRY TALES BUT ON DECISIONS, ACTIONS AND SURVIVAL. Alamin ang patutunguhan ng kanilang kwento. Kent Luis Mendoza and Raniella Dela Cruz's story P.S: This story is UNEDITED so expect some errors.