Pagkatapos ng lunch kanina, agad na kaming bumalik sa campus. Sina Kleah at Karyll, magkasama sila papasok para sa klase nila habang si Edward, pinasukan niya narin yung history class niya.
Pumunta nalang ako sa rooftop para magpahangin. Mas maganda kasi dun dahil mas kita ko ang naggagandahang buildings.
Bago pa ako nakaakyat, nakita ko si Pinky na nakasandal sa pader habang mainit na nakikipaghalikan sa isang lalake.
Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Paano niya nagagawa yun?
Nakapulupot yung mga kamay niya sa leeg ng lalake habang ang kamay naman nung lalake ay nasa loob na ng damit niya.
Naramdaman ko ang biglang pag init ng mukha ko kaya bago paman nila ako makita ay umalis na ako.
Pupunta nalang ako sa gym.
Wala naman sigurong tao dun ngayon.
Pinihit ko nalang ang pinto. Bago ako tuluyang nakapasok, may nakita akong isang lalake habang may hawak na gitara. Naka sideview siya pero alam kong kilala ko kung sino siya.
May kinakanta siya. Tinutugtog niya ang gitara sabay ng napakalamig niyang boses.
Hanggang ngayon, napakaganda parin ng boses niya. Ang cool sa tenga. Kahit di ko aminin, alam ko sa sarili ko na isa ito sa mga na miss ko sa kanya.
Tuluyan na akong pumasok nang hindi ko namamalayan. Hindi ko alam kung bakit pero yun ang gusto kong gawin ngayon.
Habang papalapit ako, mas nadama ko ang lungkot ng boses niya.
"If I see you next to never
How can we say forever"Yan na yung mga linyang narinig ko habang mas papalapit ako sa bench na nasa likuran niya.
Punong puno yun ng lungkot. Bakit? Bakit nakakaramdam parin ako neto? Bakit ang sakit ng dibdib ko?
"I took for granted, all the times
That I thought would last somehow
I hear the laughter, I taste the tears
But I can't get near you now"Pag kanta niya yan, bigla siyang tumayo at dahan-dahang humarap saken.
Kanina niya pa ba alam na nandito ako?
Bigla akong hindi makagalaw sa kinauupuan ko. Biglang bumilis ng husto ang tibok puso ko. Ang mga mata niya, hindi yan ang mga matang nakita ko kanina sa room.
Ang lungkot ng mga mata niya ngayon. Sobrang lungkot niya.
"I wonder how we can survive
This romance
But in the end if I'm with you
I'll take the chance"Kinakanta niya ng buong-buo ang kanta ni Richard Marx.
Hindi ko talaga mabasa ang nasa isip niya ngayon. Iba ang ugaling pinapakita niya saken at iba naman kapag may iba akong kasama.
Hindi ko siya maintindihan.
Bakit niya pa kailangang gawin yun?
Hindi ko namamalayan na bigla nalang tumulo ang luha ko. Naiiyak ako.
Nasasaktan ako. Pambihira naman ang pusong to! Hindi marunong magpanggap at naiinis ako sa sarili ko dahil kahit ako mismo, hindi rin marunong magtago ng nararamdaman.
"Wherever you go
Whatever you do
I will be right here waiting for you
Whatever it takes
Or how my heart breaks
I will be right here waiting for you
Waiting for you"Pagkatapos ng linyang yan, agad niyang nilapag ang gitara at lumuhod sa harapan ko.
Hindi ko ipagkakaila na gusto ko siyang yakapin ng mahigpit pero may part sa utak ko na wag ko raw gawin yun.
BINABASA MO ANG
Stupid Mistake (WILL BE EDITED SOON)
Teen FictionTHIS STORY DO NOT FOCUS ON FAIRY TALES BUT ON DECISIONS, ACTIONS AND SURVIVAL. Alamin ang patutunguhan ng kanilang kwento. Kent Luis Mendoza and Raniella Dela Cruz's story P.S: This story is UNEDITED so expect some errors.